Chapter 9- Soon

910 11 7
                                    

Panic registered on Ice's face.

"What?!" sigaw niya. Nagulat naman ang maid.

"Si Ma'am Fenella po kasi," dahilan nung maid.

"What happened to Fen?!"

"Iris?" We heard someone downstairs, "We're home."

Sinabihan ni Ice 'yung maid na sabihing bababa na siya.

"Fudge," natawa ako. May deal kami ni Ice: bawal siya magmura. Isang mura, isang libre ng lunch, same goes with me. "Paano ka makakalabas ng bahay na hindi ka nakikita ni Mama?!"

"Ha? Ayaw mo ba ko ipakilala?" I asked, trying to hide my disappointment.

"Hindi naman sa ganun," she said and paused. "I'm scared."

"Don't be," I said tapos hinawakan ko ang kamay niya at lumabas kami ng kwarto.

---

"So you're Troy?" tanong ng nanay ni Ice. Nagnod ako. "Call me Tita, tita Sia."

Chinita ang nanay ni Ice, iba sa kanya. Medyo manilaw manilaw ang puti nito. Matangos ang ilong at hindi katangkaran.

Ngumiti ito, hindi ko alam kung smirk o ngiti o ano, nakakatakot kasi 'ung nanay niya.

"Iris never brought friends home," sabi nung nanay niya.

"How did you knew? You were never here," sabi ni Ice.

Ngumiti lamang ang nanay nito.

"Actually," sasabihin ko na bago pa ko pigilan ni Ice, "liniligawan ko po si Iris," I used her nickname. Mukhang hindi alam ng magulang niya na yelo ang anak nila.

Medyo nawala ang ngiti sa bibig ni nanay niya pero nanumbalik kaagad.

"Well, I believe both of you are old enough to know your limits, hindi ako tutol kung ano mang meron kayo, pero aalahanin niyo palagi ang pag-aaral niyo," sabi ng nanay niya.

Ngumiti ako. Buti pa nanay niya, napasagot ko na! Yes!

Ice blushed and looked down. I felt her pinched me on the arm. Hard.

May pumasok ba isang lalaking medyo mataba na may edad. May kaunti nang grey streak sa buhok nito. Naka corporate attire ito at hila hila si Fen, ate ni Ice.

"Your sister is getting married," sabi ng tatay niya pagkapasok. "Hi Iris."

"Papa!" agad na sigaw ni Fen at may sinabi sa Chinese.

"Hindi! As soon as possible! Tatakas na naman! And besides, you're pregnant!"

"Buntis ka?!" Ice exclaimed.

She nodded.

"Fen! I'm going to kill you!" akmang sasapakin ni Ice si Fen pero pinigilan ko siya.

"And who is this guy?" sabi ng Papa niya.

Sabay sabay silang sumagot:

"Friend," sabi ni Ice.

"Manliligaw ni Iris," sabi ng Mama niya.

"Boyfriend niya," sabi ni Fen.

Nanlaki ang mata ng tatay ni Ice.

"Fenella, umakyat ka sa kwarto mo. Mamaya tayo magtutuos. May bisita tayo."

Uh-oh.

"Nakakabaliw kayo magkapatid," sabi ng tatay ni Ice.

"Okay, did you just said Fen's pregnant?" tanong ni Tita Sia."

"Yes," sabi ng tatay niya. "I followed her throughout her cruise sa Europe at plano ko sana pagalitan for misusing company property but sa kalagitnaan ng sermon ko ay sumuka siya. Sabi niya ang baho daw ng paligid. And when I asked a maid to spray some air freshener then she puked some more. Agad ako nagpabili ng pregnancy kit. Positive."

Napa-hilot na lang sa sentido si Tita Sia.

"But," agad na kontra ng papa ni Ice, "turns out na anak ng company na ayaw makipag merge sa atin ang naka buntis sa kanya," at ngumiti ito ng nakakaloko.

"What? Armando, you are not using my daughter for business!" Banta ng nanay ni Iris.

"I'm just trying to make an advantage out of this, we'll settle on that later. For now, mind introducing your friend to me, Iris?" Sabi ng tatay niya.

---

Tita Sia insisted we all eat outside dahil gabi na at walang maluluto. Iniwan namin si Fen sa bahay para daw hindi 'to "makatakas".

Kumain kami sa Zong, ung chinese restaurant. Buti na lang marunong ako mag chopsticks.

"Liniligawan niya si Iris," sabi ni Tita Sia.

"Pero bata pa si Iris!"

"15 na 'yang anak mo, at sa maganda, sa tingin mo walang manliligaw diyan?" sabi ng nanay ni Ice.

Sumagot sa chinese ang tatay ni Ice at nagbangayan sila.

"You said you won't meddle," sabi ng nanay ni Ice.

"I'm trying not to, but this is our youngest daughter for god's sake," sagot ng tatay niya.

"They are teens! Let them be!"

"But they are young!"

"Iris can manage. My daughter is smart. At alam nila pareho ang tama at mali. Tama ba ako?"

Napatigil kami ni Ice pa pagpapak ng salted chicken at nagnod.

"Ang cute ng parents mo," I said.

"Yeah, right," she rolled her eyes.

"Fine, fine!" Sigaw ng Tatay ni Ice. "So Troy, anong apelyido mo?"

"Sy po," I said.

"Sy? Chinese ka?"

"Si Papa po, half."

He nodded. "I'd like to know you more. We'd go golfing on Saturday. I want you to come."

Um-oo na lang ako.

---

"Well, off-limits ka muna sa bahay. I don't think my parents approve of you going here everyday. See you on Saturday," she said. Nasa gate kami ng bahay niya.

Mamimiss kita, gusto ko sanang sabihin. But ayoko namang isipin niyang head over heels na ako sa kanya, (slight lang naman eh,) kaya nag good night na lang ako.

"Troy!" sigaw niya bago ako umalis, "I, umm, text me."

Lumapit ako. "When will you ever say those three words?"

Nagets niya naman kaagad. "Soon." She smiled.

"Wo ai ni," I said and kissed her forehead good night.

----

The Coldest IceWhere stories live. Discover now