Chapter 22- 'Welcome' back

614 9 2
                                    

The wait is killing me.

It's almost February, still, no Ice. Nagtataka na ang mga kaklase ko. Nasaan ka na ba kasi, Iris?

Naputol na rin pati ang communication ko kay Fen. Hindi siya nagrereply sa akin. Bantay sarado ni Karen lahat ng flights from China to Philippines. Kahit si Fen, nasa China pa rin. Kung dati, nakakausap ni Karen si Ice, umamin sa 'kin si Karen, ngayon, wala na daw talaga.

Karen had this crazy idea that we follow Ice at China, but Kevin disagreed. Sabi niya, kung tayo daw, binabantayan ang flights nila Ice, malamang, binbantayan rin kami ni Papa niya. I can sense they are not telling me something, pero mas bothered ako sa fact na wala pa rin si Ice hanggang ngayon.

"We can fly to Hong Kong instead, then from there, cruise," Karen suggested.

"Kakailanganin pa rin ng passports, masisilip at masisilip tayo." Kevin said. "If there is only a way to go to China without having our passports used..."

"Hmm, maybe illegally," Karen said.

"Karen..."

"Nababaliw na rin ako ano, hindi lang naman si Troy ang nag-aaalala kay Iris, ako din. Her father is a wicked man. Kaya nga nagrerebelde si Fen. Kaya siya tumatakas. Ice may be smart, but hindi niya kaya ang Papa niya."

I sighed. Pakiramdam ko, ako ang pinaka-useless dito. Pakiramdam ko ako lang ang walang naiitulong. And guess what? They're even doing this for me.

"Hey, naisip ko, almost two weeks ng absent si Ice. Pero hindi pa rin siya dropped, in fact, kapag may quizzes or seatworks at magrerecord ng scores, linalampasan lang nila pangalan ni Ice na para bang.. alam nila na wala siya?" Kevin said.

"Tama, at pagnagtatanong ng attendance, iniiskip nila si Ice. S-sa tingin niyo may alam ang faculty?" I asked.

"They certainly have," Karen said.

~•~

The whole morning, walang klase. Deliberation ng grades for third quarter. Nagmemeeting ang teachers para sa mga grades.

Napatingin ako sa upuan ni Ice. Nakakalungkot talaga.

Hindi ko magawang magbasa ng libro, na madalas kong ginagawa pag free time ko. Naaalala ko lang siya. Hindi ko alam kung meron pa bang kami, kasi wala na kaming communication. Bakit kasi ang kumplikado? Alam kong hindi ako tanggap ng Papa niya, at pero akala ko ayos na.

Hindi ko alam kung ano ang dapat ko maramdaman. May kasiguraduhan ba na babalik pa siya? Kayang kaya niya ako iwan. Kaya niya na wag na bumalik.

"I love you, no matter what happens."

Iyan lang naman ang pinangangahawakan ko ngayon. Mahal niya ko. I never doubted it once, kahit bilang na bilang ko ang mga beses na sinabi niyang mahal niya ako.

"Troy," lumapit sa akin si Karen. "Are you okay?"

Triny kong ngumiti, para sabihing ayos lang ako, pero kahit 'yun di ko magawa.

"Kapag bukas wala pa si Ice, I swear magpapabook na ako ng flight to China para sa ating tatlo," she promised.

"Ano ba kayo, ayos lang ako," I lied. "Sabi naman ni Ice babalik siya, hintayin na lang natin siya."

"Hold on, okay? Ice really loves you," she assured.

"I know."

~•~

"Kung buong araw lang naman pala tayo walang klase, dapat di na ako pumasok," Kevin said.

"Akala ko ba tapos na ang deliberation ng grades?" I asked.

The Coldest IceWhere stories live. Discover now