Chapter 36

1.9K 36 2
                                    

Callie Beatrix POV

Nagising ako kinabukasan at mabilis na ginawa ang aking morning rituals, katabi ko nga pala natulog si hubby, but wag kayong green! Wala pong nangyari sa aming dalawa, sadyang gusto lang niyang tumabi sa akin habang natutulog.

"Hubby!" Tawag ko sa kanya pagkababa ko, nagtitimpla kase siya ng kape while focusing himself on his phone.

"Yes wife? Want some coffee?" Mabilis na tanong niya sabay halik sa aking pisngi.

"Nope, I'm hungry, gusto ko ng kumaenn! Saan tayo pwedeng kumain hubby?" Muling tanong ko sa kanya habang nakayakap sa kanyang baywang.

"Hmmm, kain na lang tayo sa isang buffet restaurant diyan para naman eat all you can, isama na din ang barkada para naman madami tayo." Mabilis na sagot niya sa akin habang nakaakbay sa akin.

"Well sige, tawagin mo na muna sina tyler, sabihin mo na lang sa kanila na sumunod na lamang sila para naman makakain na tayong lahat, gutom na talaga ako hubby." Naka pout kong wika sa kanya sabay hawak sa aking tiyan.

"Okay sige, let's go let's eat na." Tugon naman niya sabay kuha sa cellphone niya at alam ko naman na tinetext na niya yung mga lalaking iyon.

AT THE BUFFET RESTAURANT

"Hubby ito ohhh, tapos yun pa, tapos ito masarap to, tapos ayan. Ayy wag na pala yan hubby, ito na lang parang mas masarap yan ehhh." Turo ako ng turo kanina, hihihi ang sarap kase tingnan ng mga pagkain na ito ehh, may mga seafoods may mga iba pang foods. Basta sobrang ang sasarap ng mga foods dito.

Pagkatapos ng walang katapusan kong pagtuturo ko kay hubby kung ano ang gusto kong kainin ay ang biglang pagdating nina tyler.

"Hi! Bakit nauna na kagad kayo? Hindi niyo man lang kami inantay." Nakangusong wika ni Tyler habang naka masamang tingin sa akin.

"Wag mo akong tingnan ng ganyan! Buti nga pinatawag ko pa kayo, pero since maganda ako at sobrang maganda talaga ako ay ininform ko pa kayo, i mean ni hubby pala, tsk." Biglaang sagot ko naman kay tyler habang naka ngiting aso sa kanya.

"Whatever Princess." Biglaang sabi naman tan tan. 

Inirapan ko na lamang silang lahat pagkatapos ay bumelat sa kanila at sinimulan nang kainin ang mga dapat kainin, mas gusto ko pang kumain no kesa makipagtalo sa kanilang lahat. Parating na sana sila dito at paupo nang bigla akong magsalita.

"Hoy! Wag kayo diyan, sa amin lang to dalawa ni hubby, chupi! dun kayo sa kabilang table." Pagtataboy ko sa kanilang tatlo.

"Grabe ka naman princess, pinsan mo ako. No scratch that, gwapong pinsan moko, bat di mo naman ako pinapaupo sa upuan niyo? Nakakatampo ka na haaaa?" Nakangusong salaysay ni tan tan sa akin. Aba nagdrama pa.

"Bagay lang yan! Binubully niyo ko diba? Magdusa kayo! Sige na! Babyeeeeeeee!!!" Nakangiting saad ko sa kanila, pansin niyo ba na sobrang tahimik ni hubby? Aba malay ko ba kung bakit ang tahimik niyan? Siguro mayroon siya ngayon hihihihi! Kaso! Lalaki siya kaya paano siya magkakaroon diba? Sabagay yaan na nga! Basta nakakain ako ng masarap okay lang na tumahimik na muna siya.

Tiningnan ko na muna siya at binigyan ng "WHAT" look? Umiling na lamang siya at mabilis na nakihati na lamang sa aking pagkain.

"Hubby kelan tayo babalik ng manila?" Tanong ko sa kanya.

"Well were going back tomorrow kase lagi na lang nagmimiss out sa ating mga lessons." Sagot naman niya habang nakatingin sa akin.Teka? Nagmimissout? Well gagraduate na din naman kame kaya wala nang dapat asikasuhin maliban na lang sa clearance.

"Okayy." Maikling sagot ko na lamang sa kanya

Pagkatapos ng kainan session namin ay mabilis na kaming nag try ng iba' t ibang activities like scuba diving! Ang dami dami kong nakitang fishes, pati nga ata si nemo nakita ko na den kaya naman sobrang saya ko pag ahon namin ng dagat. 

Sunod na tinry namin ay jetski! Grabe readers! Sobrang saya, ako kase ang nagddrive nung jetski kaya naman sobrang na enjoy ko talaga! Pumunta din kami ng puerto princesa at nagkaroon naman kami roon ng underground river tour. Pumunta din kami ng kayangan lake para mag snorkeling well, madami na kaming ginawa dito pero gora lang, hindi ko na nga matandaan yung ibang ginawa namin ehhh basta madami kaming ginawa! hihihihi

The Heartless Gangster Princess COMPLETEDWhere stories live. Discover now