Part 9

2.9K 61 8
                                    

NAKAUPO si Blessie sa isang monoblock chair na nasa gilid ng field. Umaga ng pangalawang araw nila sa Maidens' Hill at maglalaro sila. Hinihintay na lamang ang mga materyales na gagamitin para sa activities.

Agaw-pansin para sa kanya ang magandang figure ni Georgia na kinakausap si Seb. Siguro nagbibigay ito ng instructions para sa mechanics ng laro pero hindi niya mapigilang mapairap sa pasimple nitong paglalandi sa binata.

"Kung makakapit, akala mo girlfriend," himutok niya.

Naalala tuloy ni Blessie ang nangyari nang nagdaang gabi. Takot na takot siya noon dahil akala talaga nila ni Fel ay parte iyon ng spookiness na ginawa nila. Akalain mo ba naman ang timing ng malaking butas sa panahong kahit inosente nilang kaluluwa ay nangilabot sa pangyayari? But it turned out na butas pala talaga iyon para sa mga tuyong dahon, basurahan kumbaga.

At siyempre, nang makaakyat na sila ng burol ay hindi pinalampas ni Seb ang sermunan siya bago siya patuluyin sa dorm.

"Ano ba'ng pumasok sa kokote mo, Blessie, at sumuong kayo sa kakahuyan?!" anito na dinutdot pa ang sariling sentido. "Pa'no 'pag may rapist doon? Paano 'pag nabalian ka sa kalokohan n'yo? Pa'no 'pag nasaktan ka?" mariin nitong inihilamos ang kamay sa mukha.

Nakayuko lamang siyang tinanggap ang sermon ng lalaki, she felt really guilty. Lalo para kay Fel na hindi pa niya natatanong kung nasaktan ba. Siya ang nagpasimuno ng lahat ng iyon, paano nga ba kung may serial killer doon o rapist? E 'di katapusan na nila. Bakit ba hindi niya naisip ang ganoon? Kung tutuusin ay mas nakakatakot iyon kaysa multo.

Niyakap niya ang sarili sa naramdamang kilabot ng posibleng nangyari dahil sa kalokohan niya. Hindi niya napigilan ang manginig at mapaiyak uli.

"I'm . . . sorry," usal niya sa gitna ng paghikbi. "S-sorry . . ."

Napabuntonghininga si Seb at mula sa pagkakapamaywang ay lumapit sa kanya. Muli ay dinala siya sa dibdib nito at banayad na hinaplos ang likod ng ulo niya. Naramdaman pa niya na bahagya itong yumuko at dinampi ang mukha sa buhok niya.

"Huwag mo na uling gagawin ang kalokohang 'yon. Ang importante, hindi ka nasaktan. Tama na'ng pag-iyak. Buti na lang hindi n'yo kasama si Georgia sa kuwarto, ilihim na lang natin 'to."

Kay sarap is the word. Sa lamig ng kadiliman ay ito ang pinaka-perfect na lugar kung saan dapat siya naroroon, sa mga yakap ni Seb. Warm and safe. Ayaw na niyang lumayo rito kahit hanggang sa sumilip ang araw kaya pinagpatuloy niya ang pag-iyak. 'Iyak pa more. Umayos kayo mga cute kong mata, hindi ko kayo iku-curl kung bibiguin n'yo 'ko.'

Napaismid siya nang bahagya siyang inilayo ni Seb. Mabuti at madilim sa bahaging iyon kaya hindi nito nabuko ang ginawa niya.

"Huwag mo 'kong isusumbong kay Daddy."

"Basta mangako ka na hindi ka na gagawa ng ganoon. Please, Blessie, mapupugutan ako ng ulo ni Tito." Tumango siya. "Sige na, punasan mo 'yang mata mo at bumalik ka na sa loob. Matulog ka na para naman tumangkad ka." Itinulak siya nito papuntang pintuan at hindi umalis hangga't hindi siya nakakapasok.

"What a beautiful day (hey hey) . . . I'm the queen of all time and nothing is impossible . . . In my all powerful mind . . ." kanta ni Blessie sa isip kasi tulog na ang iba at ayaw niyang makabulahaw. Kahit na nga ba suot niya ang korona para sa pinakapasaway nang gabing iyon ay nasundan naman agad iyon ng nakakakilig na eksena.

"BAKA matunaw." Napalingon si Blessie sa naghagikhikan na mga babae sa likod niya.

"Sino?" kaila niya sa mga kaibigan. Tila nabunutan siya ng malaking itak sa dibdib nang malamang hindi nasaktan si Fel.

"Kunwari ka pa, e kung makakapit ka kahapon, daig pa'ng gagamba, 'day!" saad ni Fel.

"Grabe naman 'to, natakot kaya ako kahapon. Ikaw ba hindi? Ang higpit nga ng hawak mo sa braso ni Carlos, e."

Nagmukhang makopa ang mukha ni Fel sa sinabi ni Blessie. Napasinghap naman si Shiela sa reaksiyon ng kaibigan.

"For real?!" bulalas ni Shiela.

"Hindi kaya!" kaila ng babae.

"Oo, 'no!" dagdag ni Blessie at saka hininaan ang boses. "Magtapat ka nga, Fel. Crush mo si Carlos, 'no? Kaya lagi mo siyang inaaway."

"Tumigil ka nga, Blessie!"

"Sa atin lang naman, Fel. Wala namang ibang makakaalam," sabi ni Shiela.

"Wait, aminin mo muna na crush mo si Seb." Pinandilatan ni Fel si Blessie.

"Oo na! Sino ba namang hindi? Tingnan mo nga si Georgia, oh, kapit na kapit. Kailangan ba nakakapit 'pag mag-uusap?" nagtawanan naman ang dalawa niyang kaibigan. "O, ano na? Ikaw naman, crush mo si Carlos, 'di ba?" Itinaas-baba ni Blessie ang mga kilay.

Pinatulis ni Fel ang nguso saka tahimik na tumango, nagtilian naman sila ni Shiela.

"OMG, 'day! Push mo na 'yan! Pogi si Carlos, a, tapos wala yatang girlfriend ngayon," saad ni Shiela.

"Ay, nakakahiya! Ayoko nga. Ikaw, Blessie, ang mag-push, halata namang may gusto din sa 'yo si Seb."

"Sa palagay n'yo?"

"Oo naman! Halos i-baby ka na nga, e. Ang tanga mo naman kung hindi mo napansin," sabi ni Felicity.

"Oo nga. Nakakainggit ka nga, e, may knight in shining armor ka lagi. At saka, hanggang ngayon wala siyang girlfriend, 'di ba? Kasi sure akong ikaw ang hinihintay niyan."

Napaisip si Blessie sa sinabi ng dalawang kaibigan. Oo nga, hanggang ngayon ay wala siyang naririnig na nagka-girlfriend ito. Pabor naman sa kanya iyon dahil maliban sa crush niya ito ay ayaw niyang mahati—or worst mawala—ang atensiyon ni Seb sa kanya. Babae siya, e, she's the apple of his eyes, his princess and baby. Ang sarap kaya sa feeling.

COMPLETED Once Upon A NeighbourWhere stories live. Discover now