CHARM#8

381 62 47
                                    

_THIRD PERSON_

It's already passed ten in the evening ng makarating si Cebi bahay nila. He's strength is all drained and he badly want to rest. Halos tatlong araw din kasi silang hindi nakatulog ng maayos dahil sa paghahanap ng mga ebidensiya para mahanap ang babaeng nagngangalang Chia. Pero wala talaga silang mahanap.

There was no CCTV record of the time when the suspects and victims entered the said condo. Talagang malinis gumalaw ang mga taong hinahanap nila.

Kukunin na sana niya ang spare key na nakatago sa ilalim ng pot na nasa tabi lang ng pintuan nila ng mahagip ng mata niya ang bintana ng kwarto ng nakababatang kapatid. Bukas pa rin ang ilaw ng kwarto nito kaya sigurado siyang gising pa ito kasama ang mga kaibigan nito.

Bigla niyang naalala ang nangyari tatlong araw na ang nakalipas. Dali-dali niyang kinuha ang susi at binuksan ang pinto.

As soon as he entered their house, he first lock the door and quickly went upstairs. Ang kaninang pagod na naramdaman ay parang bigla na lang nawala. Pero napatigil siya sa akmang pagpihit ng seradura ng pinto ng kwarto ni Mari ng marinig ang mahihinang boses sa loob nun.

Nag-igting ang panga niya at kaagad na naiyukom ang kamao nang mapagtanto ang ginagawa.

'Damn! What am I doing? What the fvck is wrong with me?!'

Marahas siyang napabuntong hininga bago napagdesisyunang tumalikod na lamang at hindi itinuloy ang binabalak.



_CHARM_

Sabay kaming napalingon sa pintuan ng marinig ang sunud-sunod na pagkatok ng kung sino. Mula sa pinto ay nalipat ang tingin namin ni Jinny kay Mari at napalunok.

"W-who's that?" kinikilabutang bulong ko at sumiksik pa lalo kay Mari.

"Puteks! May nagpaparamdam!" mahina namang sagot sakin ni Jinny at sumiksik din kay Mari na ngayon ay halos mapisa na namin.

"Aray! Ano ba kayong dalawa! Napablessingan 'tong bahay namin no!" naiinis na sagot samin ni Mari at pilit na kinakalas ang pagyakap namin ni Jinny sa kanya.

"Hindi porket napablessingan na ay wala ng magpaparamdam! Malay mo, may mga nakikisiksik pa ring mga ligaw na kaluluwa dito sa bahay niyo kahit na hindi naman welcome!" sunud-sunod akong tumango bilang pagsang-ayon kay Jinny na mas lalong ikinainis ni Mari.

"Ano ba, umayos nga kayo!" suway niya samin pero mas lalo lamang kaming nagsumiksik sa kanya nang may marinig kaming boses mula sa labas ng kwarto niya.

"Mari, alam kong gising pa kayo." pareho kaming natigilan at napatingin sa isa't isa ng marinig ang malamig na boses ni Cebi.

"Open the door." sabay kaming napakislot ng muli na naman itong kumatok na para bang may kasama ng babala.

"Sh*t/Puteks ka Mari!" halos magkasabay na bulalas ni Mari at Jinny. Mabilis na humiwalay sa amin si Mari at nagulat ako ng bigla akong tabunan ni Jinny ng makapal na kumot.

"Don't move." bulong niya kaya kaagad kong naiintindihan ang gusto niyang ipahiwatig sa akin.

Talagang kilalang-kilala na niya ako. Alam na alam niyang hindi pa ako handang harapin Cebi. Lalo na't iba na ang sitwasyon ngayon.

Hindi na ako gumalaw at nagmatyag lang kung ano ang nangyayari sa paligid ko.

"What?" narinig kong tanong ni Mari  sa kapatid niya na ikinalunok ko.

"Kayong dalawa lang?" biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Cebi.

Is he looking for me? Was he concern about me?

Chancy Revenge [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon