Chapter 4

29.3K 615 5
                                    

(Krake's Chen POV)

(The evil plan)

 

"So what's your plan about the engagement, dude?" ani George kay Krake.

          Nasa opisina niya ito at pinag-usapan nila ang plinanong engagement niya nang kanyang ama. Kahit nasa China ito ay hindi pa rin ito tumahimik sa pangingialam sa buhay niya.

          Umiling-iling siya.

"Ano ka ba naman dude?! In a week, ideklara na nang magaling mong ama ang engagement mo kay-"

"I know, George huwag mo nang ipaalala sa akin. Kaya nga kita pinatawag ngayon dahil kailangan ko nang tulong mo."

"Ano naman ang magawa ko sa problema mo?"

"I don't love her."

"But she does." sagot ni George.

         Natahimik si Krake, pagkatapos ay napabuntunghininga.

"She's like a sister to me George, and I don't want her to be like my mom. Being cage in a place she was'nt be happy forever. And besides I don't want dad to win over this. I can't let him run my life over again, not anymore." aniya sa matigas na tinig

"That's my dude!" at tinapik siya sa balikat ni George.

"So, what's the plan?" anito makalipas ang ilang sandali

          Naglagay muna siya nang wine sa baso nilang dalawa at nilagok ang laman ng baso niya bago ito muling hinarap. Ininum din nito ang laman ng baso na hawak.

"I want you to find me a wife."

"A wife!?" napaubo ito bigla sa narinig.

       Tumango lang siya.

"A wife na hindi kailanman mai-inlove sa akin, at pwede kung i-devorce anytime."

       Wala na talaga siyang ibang nakitang paraan para pigilan ang mga plano nang ama para lang sa negosyo nito. Alam niyang malaki ang maitutulong sa negosyo nito ang plano nitong pagpapakasal sa kanya sa anak ng matagal na nitong business partner.

"Are you serious dude?!"

"This is the only way I know to get rid of dad's plan."

"If thats your plan then you better have a contractual wife."

"Contractual wife?!" siya naman ang nagulat sa sinabi nang kaibigan.

"Yes, a contractual as simple as that." at ngumiti ito nang makahulugan.

"What do you mean?"

"Mahirap humanap ng instant wife dude, at sa gwapo at yaman mong yan walang babae na hindi magkandarapa sa iyo mapangasawa ka lang. But kung isang contractual wife ang hahanapin natin, even now makahanap tayo at puwede mo siyang pakasalan anytime." at ngumiti na naman ito nang makahulugan.

       Nagsalubong ang dalawa niyang makapal na kilay sa sinabi nang kaibigan.

"Kung papayag ka sa proposal ko, I will make a contract para walang maging problema in the future."

"Paano ka naman makakuha nang maging contractual wife ko, George?"

       Narinig niyang tumawa ito na tila inaasar pa siya.

"Dude, hindi ako ang maghahanap. Ikaw!"

"What?! Inuutusan mo ba ang boss mo ngayon?"

       Humalagpak ito nang tawa sa sinabi niya.

Be My Contractual WifeWhere stories live. Discover now