Chapter 20

31.7K 751 15
                                    

(Love is Sweeter the Second Time Around)



      Kinabukasan ay late na naman siyang nagising kaya late na naman siya sa trabaho. Hindi nga niya maiintindihan ang sarili nitong mga nakaraang araw pakiramdam niya palaging masarap ang tulog niya lalo na sa umaga kaya minsan hindi siya nagigising sa alarm.

      Medyo masama rin ang pakiramdam niya nang gumising siya at dahil siguro sa naulanan siya kagabi kaya pinili nalang niyang mag under time.

      Alas diyes na nang pumasok siya sa Aramidas. Pagbungad pa lang niya sa reception area ay tinawag na siya nang receptionist na si Lisa.

"Maam Sandy."

"Bakit, Lisa?"

"Kanina pa po kayo pinapa-page nang room 356."

      Mahina lang siyang tumango. Inaasahan na niya iyun. At inaasahan na rin niya    ang galit ni Krake. Alam na niya ang isasalubong nito sa kanya ay ang magkasalubong nitong kilay dahil matagal siyang nakauwi kagabi at under-time na naman siya ngayon.

      Hindi na siya pumunta nang opisina at dumiritso na sa 20th floor. Pagpasok niya ay naroon si Carmi at Pinky na naglilinis ng suite.

      Ngunit wala ang galit na Krake na sumalubong sa kanya, salungat sa inaasahan niya.

"Mabuti at dumating na kayo, Miss Marangya." sabay-sabay pa ng dalawa na wika.

"Bakit anong nangyari dito? Minura na naman ba kayo ni Mr. Chen?"

"Hindi naman po. Si Mr. Chen po kasi mukhang may sakit dahil kanina pa po namin sinisilip na balot na balot ng ku-"

        Agad niyang tinakbo ang kwarto ni Krake. Naabutan niya itong naginginig kahit balot na balot ng kumot.

        Nang ilapat niya ang kamay sa noo nito ay nag-aapoy ito sa lagnat.

"Oh my god anong gagawin ko." aniyang hindi alam kung ano ang unang gagawin.

        Nang lumingon siya sa pintuan ay nakita niyang nakasilip ang dalawa at agad naghiwalay ng makitang lumingon siya.

"Carmi, Pinky, nakita ko na kayo kaya mabuti pa tulungan niyo nalang ako. Pakikuha nang maaligamgam na tubig at isang towel."

"Yes maam."

        Siya naman ay tinungo niya ang medicine cabinit at naghanap ng paracetamol. Mabuti nalang at may nakita siya roon.

        Pagbalik niya sa kama ni Krake ay ginising niya ito.

"Krake, gising."

        Ngunit hindi ito tuminag kaya pinunasan nalang muna niya ito nang maaligamgam na tubig para bumaba ang lagnat nito.

"Sandy, please don't leave me." narinig niyang wika ni Krake habang tulog.

        Napangiti naman siya sa narinig habang hindi rin niya mapigilan ang mapaluha habang pinapanood itong natutulog. Nagi-guilty siya sa nangyari kay Krake kung hindi dahil sa matiyaga nitong paghihintay sa kanya kagabi sa gitna nang ulan ay hindi ito magkakasakit.

"Sandy--" tawag ulit nito sa pangalan niya

        Kinuha niya ang kamay nito at dinala sa dibdib habang ang luha niya ay hindi pa rin tumigil sa pagpatak.

"Kanina pa po niya sinasambit ang pangalan niyo maam Sandy." anang nakatayo sa kanyang likuran na si Pinky.

"Pinky, nandiyan ka pala." mabilis niyang pinunasan ang luha.

Be My Contractual WifeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora