Chapter 7

2.9K 100 2
                                    


"It's okay dude. There's a lot of battles pa naman sa mga susunod na araw. You can bet all you want." Wika ni Kent.

Sinamaan niya ito ng tingin.

"Hindi yun pwede! Dinaya ako!" Sabay krus ng dalawang braso niya.

"Pfft!" Tumawa ito saka kinurot ang pisngi niya. "You're cute"

Agad niya namang hinawi ito na nakasimangot.

"Wag ka nga. Magsa-sag ang pisngi ko, babasagin ko yang mukha mo." Banta niya dito pero tinawanan lang ito ng huli.

Pagkatapos kasi ng nangyaring pagsabog kanina sa racing battle bad trip na dumerecho sila (siya lang yung bad trip) ni Kent sa 7/11 malapit dun sa pinaganapan ng race at umorder ng maraming chuckie (para lang sa kaniya) bago pa magsidatingan ang mga pabibo at always late na mga police.

"Ba't sumabog ang putㅡ" Di na niya pinatuloy ang sinasabi dahil kaharap niya pala si Kent. Nakakahiya naman sa matino niyang bestfriend na magmura.

"Hahaha still can't move on Yur? Don't worry you can babble your grudges as much as you want. We own the night tonight. Cheers!" Sabay clink ng hawak nitong chuckie sa hawak din niyang chuckie.

Di niya mapigilang mapangiti. Supportive talaga kahit kelan ng bestfriend niya. Si Kent Einwell lang ang kaisa-isahan niyang lalaking bestfriend na nakasikmura sa kaniya sa kabila ng pagiging barumbado.

"Sige na nga."

Hating-gabi na nang maka-uwi na siya sa kaniyang bahay. Hinatid na lang siya ng kaibigan. At hanggang ngayon ay gumugulo pa rin sa utak niya ang pagsabog kanina. Biglaan yun at parang okay naman yung kondisyon ng dalawang sasakyan nung magstart ang game.

Ano kaya ang nangyari?

Kinaumagahan, late na siyang bumangon at sunud-sunod na napamura nang makita ang oras sa bedside table niya. Napabalikwas siya ng bangon.

"Ngina. Patay ako neto kay Ms. Bakulaw-Hindi madrawing ang mukha-Villanueva. Tssss!" Inis na napakamot siya sa sariling ulo at derechong pumasok sa banyo.

Naalala niyang mage-exam ito para sa review ng nalalapit nilang semi-finals.

Halos liparin niya ang gate papuntang classroom nila, ngunit habang tumatakbo siya sa harap ng main building ay muntik ng mabasag ang eardrums niya sa biglang malakas na pagbusina ng sasakyan.

Automatic na napahinto siya sa pagtakbo at napaigik. Madilim ang mukha na nilingon niya ang bastos na sasakyan na walang habas sa pagbusina sa kaniya.

Pero ang inis niya ay agad napalitan ng pagkalula nang makita ang kumikintab na black Lamborghini Murcielago LP640.

Whoa! Kaya pala lakas loob makabusina may ibubuga din pala. Napasipol siya at napangisi.

Bigla namang sumungaw ang kalbong ulo ng driver sa driver's seat.

"Hoy! Tabi ka nga." Pagtataboy sa kaniya.

Psh. Kung gano kaganda ng sasakyan eh sobrang pangit naman ng may-ari. Pwe!

"Yabang neto." Nakasimangot na bulong niya sa sarili at inirapan ang driver.

Nagpatuloy siya sa paglalakad at nakita niyang makakasalubong niya ang Dean. Napangisi ulit siya. Mukhang may puputukan na naman siyang butsi ngayong umaga maliban kay Ms. Villanueva.

Hinanda niya ang pinaka the best niyang fake morning smile nang papalapit na ang mukhang lutang at seryosong dean.

"Good morniㅡ aww!" Bigla ulit siyang napaigtad nang bumusina ang sumulpot na Lamborghini sa tabi niya. Habang ang dean naman ay mukhang nagising ang natutulog na diwa nang marinig ito.

Master of Assassins (Completed)Where stories live. Discover now