Prologue

102 3 0
                                    


...this life is full of surprises. There's a lot of unexpected things that bound to happen. Na yong iba hindi mo kayang tanggapin. Yong ni wala sa hinagap mo na mangyayari... At sobrang sakit. Yong dudurugin ka hanggang sa makagawa ka na rin ng aksyon na hindi mo akalaing magagawa mo.

Pero kasi minsan kailangang mangyari ang mga bagay-bagay para ihanda ka sa mas malaking paparating na kung hindi magbibigay sayo ng sakit, ay sobrang kasiyahan. O pwede ring minsan pareho.

Kailangan kasi matibay ang loob mo. Matatag. Because this life will give you a roller coaster ride...

-Katherine Menchie Briones

Los Angeles, California

"Kachi! Saan ka pupunta?"

Napahinto ako sa pagbaba sa hagdan ng marinig ko ang nag aalalang boses ni Katelyn, ang ate ko.

Pinapahid ang luha na humarap ako dito. Makikita sa mukha nito ang matinding pag aalala sa nakikitang itsura ko.
Mas lalo pang nag panic ang itsura nito ng bumaba ang tingin nito sa dalawang malalaking maletang bitbit ko.

"Katherine Menchie?! What are you doing?" malakas na sigaw nito. Mukhang kagigising lang nito at hindi pa nakakapaghilamos base sa itsura nito at magulong buhok. Sobrang aga pa kasi.

Tinitigan ko naman ito saka muling nagpahid ng mga luha.

"Aalis ako!" tipid kong sagot. Ayaw ko ng magsalita pa at magpaliwanag dahil sobrang sikip na ng dibdib ko sa pag iyak.

Buong magdamag akong umiiyak at hindi ko maintindihan kung bakit hindi nauubos ang mga luha ko.

"Aalis? Saan ka pupunta?" mabilis itong lumapit sa kinaroroonan ko pero mabilis ko ng muling hinila ang dalawang maletang bitbit ko at nagmamadaling bumaba ng hagdan.

Hindi ko na pinapansin ang malalakas na sigaw ni Katelyn.
Hindi ako papapigil. Dapat nga matagal ko na tong ginawa... Pero umasa pa kasi ako. Umasa ako na babalik pa sya sa amin at magkakasama sama kami katulad ng dati.

Pero dahil sa nangyari kagabi, narealize kung wala na talagang pag asa. Kaya lalayo na ako. Gusto ko ng mawala yong sakit. Sobra!

Sa edad kong 18 sari-saring problema na ang pasan-pasan ko. At gusto kong takasan. Tatakas ako. Hindi ako babalik.

"Tata..."

Malapit na ako sa main door ng marinig ko ang maliit na tinig na iyon nagmula sa may puno ng hagdan.

Agad akong bumalik ng malingunan ko si Kiven. Mukha rin itong bagong gising dahil naka pajamas pa ito at bitbit si Bambam na teddy bear.

Oh! My poor little nephew.

Kahit na ayaw ko na sanang bumalik dahil baka abutan ako ni Katelyn ay hindi ko napigilang bumalik para yakapin si Kiven.

Matagal akong mawawala, baka nga hindi na bumalik, at sobrang mamimiss ko si Kiven.

Silang dalawa ni Katelyn, isama na rin si kuya Roy na bayaw ko, ang natatanging kakampi ko sa mundong ito. Masakit sa akin ang iwanan sila. Pero mas masakit pa rin kasi ang nangyayari sa akin. At alam kong patuloy lang akong masasaktan kung mananatili pa ako dito. At masasaktan ko rin sila. Sigurado ako doon.

"Kiven..." Mahigpit kong niyakap si Kiven habang nag uunahan na naman ang mga luha ko. Na nauwi na sa hagulhol.

"Tata...c-cry...why?"

"Kiven, p-please forgive Tata. I will miss you. I'm sorry...I'm sorry..."

Iyak ako ng iyak. Sobrang hirap nitong gagawin ko.

Walking In The WindWhere stories live. Discover now