Entry 14: Bad Dream

14 1 0
                                    


Katherine Menchie Briones

I know it’s akward!

Kanina pa natapos iyong laro. Nakaget over na ang lahat sa AKSIDENTENG halik na iyon but here’s me at hinihiling pa rin na sana’y kainin na ako ng floor.

Hindi ko inexpect na mangyayari iyon. Hanggang ngayon ay iniisip ko kung ano ba ang iniisip ni Hiro tungkol sa nangyari. Kaya nga kahit nasa iisang silid kami ay hindi ko magawang tumingin dito.

Actually, katakot-takot na pang aasar ang inabot namin sa tatlo. Doon na nga natapos ang laro dahil umayaw na si Hiro. Hindi ako sigurado kung nabadtrip ba ito dahil sa nangyari o dahil sa kung ano. Basta pagkatapos nong AKSIDENTENG halik na iyon ay hindi na ito umimik and it makes me uncomfortable.

Pero magiging uncomfortable rin naman kung pag uusapan namin iyon.

“Hayyys!” frustrated na sigaw ko.

“Pssh.” si Maggi na inilagay ang hintuturo sa may labi. “Ayos ka lang? Wag kang maingay at baka magising mo ang isang yan.” inginuso nito si Stienn na humuhilik pa sa bed ni Hiro. “We don’t know kung ano na naman ang maiisipan nyang gawin kaya mas mabuting tulog yan kahit na nakakabother dahil sa bed pa talaga ng pasyente natulog.” dagdag pa nito.

Napabuntong hininga naman ako saka pasimpleng tinignan si Hiro na nakaupo malapit sa sliding window. Nakatalikod ito sa direksyon namin kaya hindi ko mahulaan kung ano ba’ng nasa utak nito.

Sabagay, kahit nakaharap naman ito ay hindi ko mahuhulaan ang nasa utak nito. Anu nga ba’ng aasahan ko kay Hiro Martin?

“Hayys!” wala sa loob na muling sigaw ko.

“Hoy! May problema ka ba? Yong kanina? Gusto mong pag usapan?” nag aalalang tanong ni Maggi.

So alam nito na iyong pesteng halik pa rin na yon ang nasa utak ko? Sabagay, lahat naman ay alam ni Maggi. Kaya nga mas lalo akong nagiging maingat na wag masyadong mag open up dito.

Magsasalita na sana ako para sabihing ayos lang ako at mali ang iniisip nito ng biglang sumulpot si Tyro na kanina lang ay tutok na tutok sa TV. Hinarap nito si Maggi.

“Ms Beauty punta tayong cafeteria. Nagugutom ako.” sabi nito.

“What? Ikaw iyong umubos ng dala nating prutas!” hindi makapaniwalang ani Maggi habang tinititigan si Tyro.

“Eh kanina pa yon. Nagugutom na ulit ako. Tara na. Ililibre kita.”

“I can’t believe you. Ilang bulate ba yang nasa tyan mo? Mauna ka na, susunod ako dahil mag uusap pa kami ni Kachi.”

“No. I’m fine Mags. You can come with him.” sabi ko. Mas pabor sa akin na sumama na muna ito kay Tyro because by the look at her face, alam kong naiintriga na naman ito at hindi na naman ako nito tatantanan.

“O yon naman pala. She’s fine. Tara na.” ani Tyro at hinila na si Maggi na wala ng nagawa. “Bye Kachi. Paki bantay muna si Hiro ah. Nasa tabi na ng bintana, mukhang iba na naman ang iniisip.” pabulong pang turan nito bago tuluyang lumabas ng silid.”

Ngayong nakalabas ng silid ang dalawa ay saka ako nagsisisi na pumayag akong maiwan dito kasama ng tulalang si Hiro sa may binatana at ng natutulog na si Stienn. Because the moment na sumara ang pintong nilabasan ng dalawa ay nararamdaman ko na naman ang akward na atmosphere. To think na wala namang ginagawa si Hiro at nakatingin lang ito sa labas ng bintana. Hindi ko tuloy malaman kung ano ang gagawin ko para mawala ang akwardness na nararamdaman ko.

Nang maya-maya ay bigla itong humarap sa kinaroroonan ko. Nataranta ako at hindi ko malaman kung sasalubungin ang mga mata nito o mag busy-busyhan sa hawak kong phone.

Walking In The WindWhere stories live. Discover now