8.

2.5K 40 19
                                    

            "BLAIRE," rinig ni Blaire na tawag sa kanya ni Reneth kaya tumigil siya saglit sa pagple-plating para tingalain ito. Reneth's smiling at her while holding up her purse at parang excited na excited ito't kinikilig.

            "Bakit?" nagtatakang tanong ni Blaire at sinilip niya ang relong suot-suot. Masyado pang maaga para umalis siya.

            "Hurry up because someone's waiting for you," nakangiting sagot ni Reneth sa kanya.

            Naiiling na ngiti na lang si Blaire bago tapusin ang pagkaing kanyang inaayos bago i-abot iyon sa isang server at tanggalin ang kanyang chef's coat. Ilang taon na siyang sinusundo-sundo ni Xavier sa restaurant niya kaya alam na niya kung sino ang tinutukoy ni Reneth.

            Nakakatawa lang na noong una eh hindi naman pabor si Reneth kay Xavier pero hindi nagtagal ay naging okay din ito sa binata at kinikilig-kilig pa sa mga pa-simpleng galawan ni Xavier kay Blaire.

            Tinawag ni Blaire si Carlo para ito na ang pumalit sa kanya at kinuha niya ang purse na iniaabot sa kanya ni Reneth.

            "Who is it?" tanong ni Blaire kay Reneth para makumpirma kung tama ba ang iniisip niyang dumating para sunduin siya.

            Hinablot ni Reneth mula sa kamay niya ang chef's coat niya at sinabing, "Sino pa ba?" At sakto namang pumasok si Xavier sa loob ng kusina.

            "Sir Xavier!" isa-isang bati ng mga nasa kusina kay Xavier habang naglalakad ito papalapit kay Blaire.

            Blaire smiled widely at sight of her boyfriend. Grabe, isip ni Blaire. Ang guwapo talaga ng boyfriend niya. 34 years old pero mas naging attractive ito. Matured look suits him. Sugar daddy? natatawang isip ni Blaire.

            "Final order's done. I-serve mo na," rinig ni Blaire na utos ni Carlo sa isang server bago ito pumunta sa tabi ni Reneth na kasunod naman si Zandro.

            "Tagal na nating hindi nagkikita ah!" panimula ni Carlo habang nakikipagkamay kay Xavier.

            "Ang dami ko rin kasing ginagawa sa trabaho eh," nakangiting sagot ni Xavier.

            Tinanguan naman ni Zandro si Xavier at gano'n din ang ginawa ni Xavier bago tuluyang lapitan ang kanyang nobya. "Hey, Love," bati ni Xavier kay Blaire at hinila niya si Blaire sa beywang para mas mapalapit ito sa kanyang katawan at para mahalikan ang nobya niya sa pisngi.

            "Sige na. Umalis na kayo," pagtataboy ni Reneth sa dalawa.

            "Sure ka bang kaya na ninyo mamaya? It's a Saturday," nag-aalalang sabi ni Blaire kanila Carlo. Sabado kaya alam niyang dadagsa ang tao mamayang dinner.

            "Of course, kaya namin. Kailan ba kami nagbitaw ng salita tapos hindi naman pala?" natatawang sagot ni Carlo at pinagtulakan na niya paalis sila Blaire sa kusina.

            Natatawang hinila na ni Xavier si Blaire papalabas ng kusina at mga tawanan na lang ng mga kasamang chefs ni Blaire ang huling narinig nila habang papalayo sila ng kusina. "How was your day?" nakangiting tanong ni Xavier kay Blaire.

            She smiled and said, "It was good, but I know that it will be better now that I'm with you."

            Natawa si Xavier dahil sa sinagot ng kanyang nobya. He always enjoyed and loved how playful and flirty his girlfriend gets when it comes to him. Minsan kasi ay parang wala man lang kalambing-lambing si Blaire sa katawan pero kapag naman naglambing ito ay grabe-grabe.

You are a Part of MeWhere stories live. Discover now