ALEKSYS---
Nagising ako na parang may nagkakarambulan sa loob ng tiyan ko, pakoramdam ko ay naduduwal nanaman ako kaya agad akong nagtungo sa banyo at don dumuwal, nanghihina akong umupo sa sahig ng banyo at mariing ipinikit ang mata ko, masakit ang ulo ko at medyo nahihilo
'Ilang araw na ba akong ganito?'
Dahan dahan ay naglakad ako pabalik sa kwarto at nahiga sa kama, kinuha ko ang cellphone ko, at gaya ng ilang araw na lumipas ay tadtad ng messages at missed calls ni Jk ang phone ko, pero hindi ako nag aaksaya ng panahon na basahin ang lahat ng yon, binura ko ang lahat, may mga messages din sila mom at dad pero hindi ko binubuksan, nung minsang nag call sa akin si mommy at kinamusta kami ni Jk ay sinabi kong ayos lang kami, sinabi niyang matatagalan pa bago sila makauwi ng pinas dahil sa business, at nitong mga nakaraang araw ay mukang nalaman na nila ang totoo tungkol sa amin ni Jk kaya hindi ko na muna sila pinapansin
Agad kong dinial ang number ng COO ng kompanya ko at agad naman niyang sinagot, "Good Morning Ms. Aleksys, I'm on my way na po papuntang office, may ipapagawa po ba kayo?" tanong niya
"You're promoted" tipid kong sabi dahil nanghihina ako
"P-po?" mukang nagulat siya sa sinabi ko, hindi ko na siya sinagot pa, pinatay ko na ang tawag
At kahit pa pakiramdam ko ay pagod na pgod ako, pinilit kong makapasok sa trabaho, nang makarating ako sa office ko ay agad akong umupo sa swivel chair ko at sumubsob sa table. Asar na nag angat ako ng ulo at umayos nang upo nang marinig na may pumasok sa office ko, si Chloe lang pala, deretso siyang lumapit sa table ko at inilapag ang isa folder, "Ms. Aleksys, you have a lunch meeting with--"
"Tawagin mo ang COO" utos ko
"COO Ayane Takahashi?" pangongonpirma niya
"Malamang! May iba pa bang COO dito!?" asar na sigaw ko
"Joesonghaeyo Depyonim" pagpapaumanhin ni Chloe at bahagya pang yumuko at naglakad na palayo
*Joesonghaeyo = I'm sorry (formal)
Depyonim = In korean, they usually call the CEO 'Depyonim'*Maya maya pa ay dumating na siya kasama ang Chief Operating Officer ng HanA Company na si Ayane Takahashi, "Good Morning, Ms. Aleksys" bati niya at bahagyang yumuko upang mag bigay galang sakin dahil ako ang CEO slash owner ng company
"You are promoted, ask someone to clean the CEO office, simula ngayon ay don ka na magtatrabaho sa opisinang iyon, ikaw na din ang umattend ng mga meetings" sabi ko at itinuro ang opisinang katapat ng opisina ng sekretarya ko
"T-talaga po? P-promoted po ako, Ms Aleksys?" nanlalaki ang mata na tanong ni Aya dahil sa gulat
"Yes, but if ayaw mo, pwede namang si Chloe nalang ang ilagay kong CEO"
"H-hindi po Ma'am, ayos na ayos po yon sa akin, pero bakit po biglaan ang pagpopromote niyo sa akin?" tanong niya
"Masyadong nakakapagod maging owner ng kompanya at the same time CEO din ako kaya mas nakakapagod, kaya kaylangan kong ibigay sa iba ang pagiging CEO ko para makapagpahinga ako kahit paano" paliwanag ko sa kaniya, "Now go and ask someone to clean your new office"
"Yes Ma'am" masaya niyang sabi at naglakad palabas ng opisina ko, nang mawala na siya sa paningin ko ay hinarap ko naman si Chloe
"Congratulations" walang gana kong sabi at nakita ko naman na naguluhan siya sa sinabi ko, "Ikaw na ang bagong Chief Operating Officer, lilipat ka na sa dating opisina ni Aya, pero bago ka lumipat don ay humanap ka ng papalit sayo bilang sekretarya ng bagong CEO" mahaba kong sabi

YOU ARE READING
Fixed Marriage | Jeon Jungkook [COMPLETED]
FanfictionAleksys Han is a 23-year-old girl who owns a big company, at that young age, she's been matured enough to handle her own company, her family owns a mall and five star hotels, her parents are both successful businessman and woman, their mall has many...