17

67 5 1
                                        

A/n: Sa mga iyakin jan, magready na kayo ng tissue niyo HAHAHA lol.

***

JUNGKOOK---

Ilang buwan na ang lumilipas simula nung iwan ako ni Aleksys, hinanap ko siya sa lahat ng pwede niyang puntahan, pati sa ibang bansa ay hinanap ko na siya. Walang araw ang lumipas na hindi tumulo ang luha ko, sa bawat sandali na maiisip at maalala siya at ang mga pinagsamahan namin, hindi ko mapigilan ang hindi lumuha.

'Aleksys, where are you?...'

"Damn! I miss her!" sigaw ko at ibinato ang hawak kong baso

"Hey hey calm your ass down Kookie" sabi ni Namjoon-hyung at hinawakan ang balikat ko

"Tigilan mo na yang alak, Kookie, mahahanap din natin si Aleksys" sabi naman ni Jimin-ssi

"San ba ko nagkulang!? ipinaramdam ko naman sa kaniyang mahal ko siya, pero bakit ganon!? bakit ayaw niyang maniwalang mahal ko siya!?" sigaw ko pa, gusto kong magwala! gusto kong manapak! gusto kong sumigaw ng sumigaw!

"Ya Jeon Jungkook, that's enough, go to your room and rest, masyado mo nang pinapagod ang sarili mo, baka magkasakit ka pa niyang" utos ni Taehyungi-hyung

"Wala akong pake kung magkasakit ako sa pagod, ang importante mahanap ko siya, kaylangan kong hanapin ang asawa ko!"

"Edi hanapin mo! Sige hanapin mo, ngayon na, wag kang babalik hangga't hindi ka namamatay sa pagod!" galit na sigaw sa akin ni Yoongi-hyung, mukang pagod na rin sila kakaintindi sa akin, sila palagi ang nanjan para sa akin, sila yung nandito sa tabi ko simula nung iniwan ako ni Aleksys

"Nasan ba si gurang? hindi ba pwedeng pumunta yon dito?" tanong ni Hobi-hyung at nagkibit balikat lang ang lahat

"Mahal ko siya, mahal ko si Aleksys..." lumuluhang sabi ko

"Yeah yeah yeah, we get it dude, ok? mahal mo si Aleksys, alam namin yon, araw araw mong sinasabi yon" masungit na sabi ni Namjoon-hyung

"Ayusin mo nga yang sarili mo, hindi ako makatulog bigla ka nalang sumisigaw" sabi ni Yoongi-hyung atsaka humiga sa sofa at pumikit

"Mianhae, mianhae hyung..." nakayuko kong sabi habang patuloy ang pagluha

"Don't be sorry, it's ok, we're just here for you" sabi ni Namjoon-hyung at bumuntong hininga

"Iiyak mo na lahat ngayon, bukas hahanapin ulit natin si Aleksys" sabi ni Jimin-ssi at lalo lang akong naiyak nang yakapin niya ako

"Kookie, go to your room and rest, dahil siguradong mapapagod nanaman tayo bukas" utos ni Taehyung-ssi, wala sa sariling tumango ako at pagewang gewang na umakyat sa kwarto ko

Nang makahiga ako sa kwarto ko ay hindi agad ako nakatulog, pilit na sumasagi si Aleksys sa isip ko, hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin, tinanong ko na ang parents niya at sinabing hindi din nila alam, nagpatulong na rin ako sa mga kaibigan ko na maghanap para mas mapabilis ang paghanap kay Aleksys, inisa isa ko na rin ang lahat ng branch ng Han Hotel sa buong bansa pero wala siya, nung minsan ay pumunta ako sa HanA Company para hanapin siya pero kahit isa sa mga empleyado niya ay hindi alam kung naman siya.

Eto na siguro yung kinatatakutan kong mangyari, ang lagi kong napapanaginipan, na iniwan ako ni Aleksys, akala ko hindi nagkakatotoo ang mga panaginip, nagkakatotoo rin pala...

Fixed Marriage | Jeon Jungkook [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant