Chapter 30

11.2K 549 113
                                    

"The Master's Slave"

[CHAPTER 30]

><><><><><><

HINDI KO maiwasang maiyak, dahil unang araw ko pa lang sa eskwela na 'to pero mukhang magkakaroon na agad ako ng kaaway. Bakit ba nangyayari sa akin 'to? Pansin kong lumapit ang babaeng guro sa akin at hinawakan ang balikat ko. "Ako na ang hihingi ng sorry for the way she acted. Kung alam mo lang, she is a spoiled brat na laging mainitin ang ulo."

Pilit na lang akong tumango at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi. "By the way, do you know where your room is?" Muling tanong nito na ikinailing ko.

Tumango siya at lumingon sa lalaking kasalukuyang padaan sa hallway habang nakatuon ang mga mata nito sa hawak na cellphone. "Mr. Rodrigo!" Pagtawag nito na ikinalingon ng lalaki.

Lumapit ito sa amin. "Yes, Professor?"

"Are you on your way to your room?" Tanong nito na ikinatango ng lalaki. "Then please pakisama na si Mr. Valdez to your room, since magka-section din naman kayo." She added at lumingon ang lalaki sa akin.

Magkasing-tangkad lang kami nito ngunit ang pinagkaiba ay may suot itong salamin, kaya nagmumukha siyang nerd. "Sure po." Nakangiting tugon nito.

"Alright," Muling lumingon ang guro sa akin. "If you're still wondering who am I, I am Ms. Torres, and I'll be your Organization and Management Professor." Pagpapaliwanag nito na muli kong ikinatango at ngumiti.

"Okay, I'll go ahead now since may meeting pa akong dadaluhan. Make yourself welcome to this University, Mr. Valdez! I'll see you around." Pamamaalam nito bago umalis.

Napangiti na lang ako habang sinusundan siyang maglakad palayo. Mayroon din naman palang mabuting nangyari kahit papa'no, and I'm lucky to meet her dahil napakabait niyang Professor.

"Hi!" Muli akong napalingon nang magsalita ang lalaki sa harap ko.

Nakaramdam ako ng awkward. "Hi." Maikling tugon ko.

"Ako nga pala si Rodrigo Doo Thurtee." Pakilala niya na ikinalaki ng mga mata ko.

"H-Haa?"

"Hahahah, I'm just kidding." Natatawang tugon nito. "Pinapatawa lang kita. Mukha ka kasing pinagsakluban ng langit at lupa. By the way, my name is Jessie Rodrigo." Muling pakilala niya at naglahad ng kamay. "How 'bout you?"

Nakangiti ko itong tinanggap. "Jay. Jay Valdez."

Napatango siya at ngumiti. "Mukhang magiging close tayo dito. Alam mo, sa ilang taong nandito ako sa University walang may balak na makipag-kaibigan sa akin." Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. "I don't know, maybe ayaw nilang makipagkaibigan sa isang nerd na bookworm?" Dagdag pa niya at nagkibit-balikat.

The Master's Slave [BxB]Where stories live. Discover now