Chapter 1

8 0 0
                                    

****

"Ano ka ba naman?" sigaw ni Prima sa babaeng aksidenteng nakatapon sa kaniya ng inuming juice, "Argh, maglalakad ka na nga lang eengot engot ka pa?! Look what you did to my uniform!"

Napayuko naman ang babaeng aksidenteng nakatapon sa kaniya ng juice, "Sorry po, Reinara."

"Sorry?! Maibabalik ba nang pesteng sorry na yan ang kalinisan ng damit ko?" sigaw pa rin ni Prima habang dinadampian ng tissue ang uniform. "Peste ka! Lumayas ka sa harapan ko kung ayaw mong itapon ko sayo lahat ng inumin ng mga tao dito!"

Nagmamadali namang tumakbo ang babae palabas ng cafeteria ng Reinara University, well yes, her family owns the school, her 'lolo' to be exact.

Tinignan niya ang mga tao sa paligid na nakatingin sa kaniya ngunit bigla ring nagsipagyukuan,

"Oh ano? Tinitingin tingin niyong mga hampaslupa kayo?!"

Nakayuko lang ang iba ngunit ang iba rin ay umiling iling.

"Abbegail!!!!!" sigaw ni Prima sa personal maid niya.

Tinignan ni Prima ng masama ang maid na aligaga habang hawak ang uniform niyang bago, "Eto na po mam yung uniform na bago,"

Inikutan niya na lang ito ng eyeballs at naglakad na papalabas ng cafeteria upang magpalit ng uniform.

                         ABBEGAIL

Napahampas ako sa noo dahil sa nangyari kanina. Kawawa naman yung nasigawan kanina ni Prima, paniguradong mahihiya yon at posibleng hindi na pumasok.

Lumabas na sa sariling cubicle si Prima, oo, sariling cubicle. Imagine, pagpasok ng pinto ng comfort room ay may lababo na may matching malaking salamin, tapos, pag tumingin sa gawing kaliwa, mayroong sampung cubicles, tapos sa center ng magkakatapat na limang cubicle, mayroong pink na pintuan at nakasulat ang pangalan niya, Prima Reinara with matching pa-korona pa sa itaas.

And no one else uses that cubicle. Syempre takot, masuwerte pa nga ko dahil ako daw ang pinakamatagal na naging maid niya, 3 years na akong nagtatrabaho sa kanila, at pinag aaral ako ng pamilya nila.

Well I should be thankful, right?

Tumunog na ang lock ng cubicle ng banyo ni Prima at lumabas na siya ng nakataas ang kilay. Kahit kailan naman hindi bumaba ang kilay niya sa kaliwa.

Mapapakibit balikat ka na lang talaga. "Okay na po kayo, mam?"

"Malamang, oo. Hindi ba obvious, Abby?"

"Obvious naman, hehe." nakangiti kong sambit sa kaniya.

"Hehe ka diyan, kotongan kita." umikot na naman ng 360° ang eyeballs niya.

Yes, medyo close kami ni Prima, siguro sa tagal na ring magkasama, at mas matanda ako sa kaniya ng isang taon. Pareho kaming college dito sa eskuwelahan nila, tuwing breaks ay kailangan ko siyang puntahan at kapag oras ng studies ay magkahiwalay naman kami.

Mabait naman siya, mga 0.000001 percent.

                   PRIMA REINARA

At last, tapos na ang very last subject for today, at makakauwi na din kami ni Abby.

Inilabas ko ang mamahalin kong cellphone sa mamahalin kong bag at dinial ang number ni pangit na Abby.

"Hoy, ang tagal mo, naiinip na ako."

"Wow, excited, katatapos nga lang ng subje--" inend call ko na agad dahil napakadaldal niya. Nakakairita.

Umupo na lang muna ulit ako sa maganda kong upuan na kulay pink dahil paniguradong mabagal maglakad ang isang pangit na pagong.

Mabait ako kay Abby, medyo. I feel comfortable when I am with her. Pero, I don't consider her as a friend.

Friends sucks. They only want the popularity and money. Well, no ones true in the world except na creator.

Biglang lumitaw si Abby sa pintuan habang hingal na hingal at may matching pahawak pa sa puso.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa katagalan niya, "Ang tagal mo ha! You are fired."

Inikutan niya din ako ng mata, "Tumakbo na nga ako e! You are fired you are fired, no way high way!"

Napaikot na naman ang mata ko sa depensa niya. Kapal talaga ng mukha.

Tumayo na ako at nilagpasan na siya, susunod naman iyan e.

Ipinarking ko na ang maganda kong sasakyan sa maganda naming parking lot sa harapan ng maganda naming mansion, puro maganda ba sinasabi ko? Well wala kang magagawa, maganda ako.

Lumabas na si Abby at pinagbuksan ako ng pintuan, like what she always does.

Pumasok na kami sa bahay, malamang alangan namang lumabas ee nasa labas na kami, duh.

Kapal talaga ng mukha, inunahan akong pumasok! "Hoy maganda dapat nauunang pumasok sa pintuan at hindi pangit!"

Liningon niya ako at inikutan ng eyeballs, "Huwag kang madaldal, pagod ako, at pagod ka rin." at umakyat na siya sa kuwarto niya.

Argh! Ang kapal talaga ng bruha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Maldita QueenWhere stories live. Discover now