Chapter 17

28 7 8
                                    

Chapter 17 Pekeng Pagkatao

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 17
Pekeng Pagkatao

Zico:

Are you free today?

Jusmiyo Marimar! Kanina pa siya nag-text pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-reply. Paano ba naman kasi, umaga pa lang pero text niya na kaagad ang bumungad sa akin. Ang ganda ganda ng gising ko! Grabe lang 'yong are you free niya, ide-date niya ba ako?

Zico:

Nabasa mo naman message ko kanina pa. Bakit hindi ka nagrereply?

Napaigtad ako dahil sa biglang pag-vibrate ng cellphone sa aking kamay. Muli kong binasa ang message niya at heto na naman ako, paulit-ulit lamang 'yon na ginagawa.

Pigil na pigil ang pag-hinga ko pero nang hindi ko na talaga makayanan ay ginawa ko na ang bagay na makakapagpakalma sa akin.

“Aah!” Tumili ako nang napakalakas.

Sinigurado ko munang naging maayos na ulit ang pag-hinga ko bago ako mag-tipa ng ire-reply sa kanya. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko, pakiramdam ko nga onti na lang ay pwede nang mapunit ang bibig ko dahil sa sobrang pag-ngiti.

Reply:

Oo. Bakit?

Wala pang limang minuto ay nakatanggap na ako ng reply galing kay Zico.

Zico:

That's good. Susunduin kita, may pupuntahan tayo.

Reply:

Ha? Anong oras? Saan?

Zico:

Isang oras pa naman, mamaya pa ako pupunta.

Nag-reply ako kay Zico pero wala na akong natanggap na message mula sa kanya pagkatapos no'n. Sinipat ko ang relos na suot ko. Saktong alas dies na ng umaga, ibigsabihin, alas onse siya pupunta rito?

Mabilis kong inayos ang kamang hinigan ko. Nilinis ko na rin ang condo para kahit papaano ay hindi naman nakakahiya kay Zico kapag dumating na siya rito.

Naligo ako pagkatapos. Dahil sa pinaghalong kaba at excitement, pakiramdam ko ay natanggal na lahat ng libag sa katawan ko o kahit ano pang kamalasan na dumidikit sa balat ko.

Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang pakiramdam na ganito. Noong huling beses na naging kabado at excited ako sa isang bagay ay noong bata ako. Kabado kung uuwi ba si mama galing trabaho at excited na malaman kung uuwi ba siya ng may dalang laruan bilang pasalubong.

To Love A ValderamaWhere stories live. Discover now