Chapter 24

21 1 0
                                    

Chapter 24 Aksidente

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 24
Aksidente

Nang matapos ang shooting ay umalis na ako kaagad. Sinadya kong umalis noong nasa tent si Zico, para hindi na niya ako maabutan at matanong kung saan ako pupunta. Magte-text na lamang ako sa kanya.

Message:

Zico, umalis na ako. May aasikasuhin lang ako. Pasensya na.

'Yon lamang ang message na iniwan ko sa  kanya.

Kanina ko pa kasi napag-desisyunan na pupuntahan ko si Yanna. Hindi naman ako didiretso kaagad doon, uuwi muna ako at aayusin ang sarili ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga salitang nakasulat sa maliit na papel na kanina ay nakaipit sa mga pahina ng aking script. Hanggang ngayon ay mistulang nag-e-echo pa rin ang mga salitang 'yon at sa 'di malamang dahilan ay boses ni Ivory ang naririnig ko.

No other girl deserves him more than me.

Nag-salubong ang mga kilay ko nang maalala ang sinabi sa akin ni Ivory noong nasa restroom kami parehas after ng read-through process. Ibigsabihin ba no'n ay mayroon din siyang gusto kay Zico? Hindi niya hahayaan na masayang ang mga efforts niya.

Anong ibig niyang sabihin? Hindi naman niya pwedeng basta-basta na lang angkinin si Zico!

Mali ba ako ng iniisip dati? Akala ko noong una ay si Zico ang interesado sa kanya dahil sa pagiging close nilang dalawa, dahil na rin sa madalas na pag-ngiti ni Zico kapag silang dalawa ang magkasama.

Jusko! Mali pala ako ng iniisip? Kaya pala todo na lang ang pag-pulupot ni Ivory ng mga kamay niya sa braso ni Zico dahil may gusto siya rito.

Napabuntonghininga na lamang ako at dumungaw sa bintana. Mas lalong naging magulo ang isip pati na rin ang puso.

Hindi naman ibigsabihin na porke't mali ang iniisip ko noon ay wala ng posibilidad na maging sila o mapunta ang relasyon nilang dalawa sa mas espesyal na turingan.

“Ma'am Cindy, may pupuntahan pa po ba kayo? Gusto niyo po na ako na lamang ang maghatid sa inyo kung meron man?”

Napaayos ako ng upo dahil sa sinabi ni Mang Jeff. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko, “Sige po, Mang Jeff. Sa condo na lang muna. Sabihan ko na lang kayo kapag aalis na ako ulit.”

Tahimik lamang na tumango si Mang Jeff. Ako naman ay hindi na nagsalita pa. Kaagad rin kaming nakarating sa condo. Pagkapasok ko sa banyo ay dumiretso ako sa harapan ng lababo. Ang salamin ay medyo lumabo dahil hindi ko na rin nagawang mapunasan 'yon dahil na rin sa sunud-sunod na tapings.

To Love A ValderamaWhere stories live. Discover now