000. 𝘴𝘵𝘢𝘳𝘵

984 34 9
                                    

yassi's

"umagang-umaga at first day na first day, sobrang namawis ka kaagad!"

hingal na hingal ako pero tumayo parin ako sa pagkakaupo ko sa damuhan ng school namin, at nginitian nalang si sihun.

"okay lang yan, para namang hindi ako kilala ng mga classmates natin," sagot ko habang pinagpagan ko ang school uniform ko na lagpas tuhod.

"pero ate gurl real talk lang, ang dugyot mo tignan kahit kailan tas mas dugyot ka tignan ngayon." tinuro ni dongpyo ang uniform ko. wow! junior ko ba talaga to?

"g na g kasi kahit kailan. kaya di ka nagkakaboypren eh," asar sakin ni yuvin na hinahabol rin ang kanyang hininga dahil siya ang huli kong win-one on one ko sa basketball. sinamaan ko siya ng tingin at sumimangot.

"wala naman akong crush kaya wala akong gustong boyprenin noh."

"pano ako, yassi?" pagloloko ni sihun.

"tse kayo! tara na junho, ikaw lang di nang-away sakin dito."

"wait noona," pigil sakin ni junho kaya nagtaka ako.

"parating na yung kaibigan namin, chill ka lang diyan."

"oo nga nagtext na rin sakin, papunta na daw sa field," dagdag ni yuvin.

"sinong kaibigan? tayo lang naman magkakatropa ah!" nalilito kong tanong kay junho.

simula nung nagtransfer ako para sa first year high school, sila na ang nakasama ko at walang nadagdag o nabawas sa apat na taon ko silang kaibigan. wala rin namang akong alam na lower level na katropa ni dongpyo at junho na katropa rin ni yuvin at sihun?

"sino ba yu—"

"YOHAN HYUNG!"

"PARE MY APPLE BABE!"

"gwapo mo na gagi!"

"isang sipa nga diyan!"

naiwan akong mag-isa dahil sinalubong nilang apat sa entrance ng field yung yohan. sumunod nalang ako at naglakad rin papunta sa kanila habang nakayuko. kinakamusta nila ang isa't isa pero nanatili lang ako sa likod nilang apat, naghihintay. hindi ko makita kung sino yung kaibigan nila dahil mas matangkad sila sakin, bukod kay dongpyo na kasing tangkad ko lang.

"teka, yohan, si yassi pala. yas, si yohan," pagpapakilala ni sihun, at tinulak nila ako sa harap. tinaas ko ang mukha ko para ngitian siya pero napatigul lang ako nang makita ko siya.

"siya yung kinukwento namin na kaibigan namin noong elem pero nagtransfer ng ibang school." salita ng salita si sihun pero nakatitig lang ang ako sa lalaki sa harap ko.

"ah, tomboy ka ba yassi?" pagtatanong niya na ikinatigil naming lahat at pagsimangot ko.

"ha? hoy, hindi ako tomboy no!"

❝𝙩𝙤𝙢𝙗𝙤𝙮.❞ kim yohanWhere stories live. Discover now