046.

542 17 3
                                    

yohan's

"para ka kamong tanga, bakit bigla mong hindi pinapansin si yassi?" tanong ni yuvin habang naglalakad kaming dalawa.

"wala lang."

"dahil ba doon sa sinabi ko sa'yo nung isang araw? ambobo pre. hindi ko naman kasi sabing igiveup mo, sabi ko pagusapan niyo muna ni sihun." hindi ako umimik dahil wala naman akong masabi sakanya.

sa totoo lang, hindi ko rin alam ang dapat kong gawin. hindi ko alam kung sobrang tanga ko ba o tama yung ginagawa ko para hindi kami magkaaway-away na magkakaibigan. natatakot rin naman ako na baka hindi ako gusto ni yassi.

"yohan!" lumingon ako sa likod ko at nakita si yerim na nakangiting naglalakad papunta sakin.

"training ah? sama ka." tumango nalang ako sa kanya. isa pa siya, hindi naman sa sobrang gwapo ko na may crush siya sa akin pero iyon na nga.

"ikaw ah, lumalandi ka pa," komento at tawa ni yuvin.

"siya lang lumalandi, hindi ako. tsaka ano magagawa ko, anak ni coach eh." wala talaga akong balak pumasok uli sa varsity, kaso kailangan ko rin 'to para sa scholarship ko sa university. kaya rin ako bumalik dito para maghighschool, dahil yung school ko naman dati ay walang pakielam sa ibang varsity bukod sa basketball at volleyball.

"wait pare teka." hinigit ako ni yuvin sa likod ng poste bago makapasok sa canteen.

"ano ba yan. pumasok na tayo, hinihintay na tayo nina sihun sa loob!" sinimangutan ko siya dahil para siyang tanga sa pinaggagawa niya.

"si yassi ba yan?" tanong niya sa akin. napatingin naman ako bigla sa tinitignan niya.

"oo."

"kasama si hangyul?"

"oo."

"uy pre, teka." hinigit niya ang braso ko pero inalis ko lang yung pagkakahawak niya sa akin. hindi ko napigilan ang mga paa ko at nagdalakad papunta sakanilang dalawa.

"bakit mo siya kasama?" tanong ko pagkalapit ko kay yassi.

"h-ha?"

"tol bawal ba? ititreat ko lang siya tutal magkaibigan naman kami."

"pangkaibigan lang ba talaga tingin mo sakanya?" tanong ko sakanya.

"tangina yohan, tara na, pupunta pa tayo kina byungchan." nakita kong papalapit na rin samin si sihun. halos wala na ring estudyante kaya rinig na rinig ang mga salita ko.

"yassi, sumama ka sakin." hinawakan ko ang kamay niya para isama siya paalis dito. pero napatigil rin ako sa paglalakad dahil hinawakan rin ni hangyul ang kamay niya

"teka, kasama ko siya."

"bitawan mo nga si yassi."

"yohan, ikaw nga bumitaw kay yassi, mukhang may pupuntahan pa siya." hinawakan ni sihun ang kamay ko na may hawak kay yassi.

"may date pa pala si noona. sasabihin ko kay hyung!" pang-aasar ni junho. natuwa pa siyang may kadate si yassi.

"h-ha? uy wag mo sabihin!" gulat na sabi ni yassi kaya napangisi ako.

"oh diba, hindi pa nagpapaalam sa kuya niya? tara na. uuwi ka na."

❝𝙩𝙤𝙢𝙗𝙤𝙮.❞ kim yohanWhere stories live. Discover now