chapter 18

24 10 0
                                    

(A/N: finally im back)

" tama na yan guys!"
Saway ni jason

Tsk!

"Tama, tumigil na kayo!"
Sabi ko.
Na dapat hindi ko nalang ginawa

Tumingin silang lahat sakin

Yung tipong nag aantay ng next step na gagawin ko?

Hehe

"Tara na" aya ni mars at hinila ako palayo sa kanila

Tanging nagawa ko lang ay kumaway at nag ba-bye sa kanila

Inayos ko na ang tayo ko habang hila ni mars

And guess what?

Sobrang higpit ng pagkakahawak nya sa wrisk ko
Galit na naman ang OA!

"Bakit ba mars?"
Nag tatakang tanong ko

Bat kase bigla bigla nya nalang ako hinila

"Alam mo, hindi ko na hahayaang mangyari pa sayo kanina ang ginawa ng gagong yun, kaya mas mabuti pang ilayo na kita"

Tikhim nya

Pero hindi parin sya tumitigil mag lakad

Naiintindihan ko sya

All this time kapakanan ko lang ang iniisip nya

Kaya mahal ko to eh!

Naramdaman ko na naman ang sakit ng tyan ko pero mas naging ok na kesa kanina

"Sabihin mo may masakit pa ba sayo?" Tanong pa nya

Sadya akong napangiti

"Oo y-yung wrisk ko hehe"

Yung wrisk ko na hawak nya!

Napatigil sya at nilingon ako

Todo naman ang ngiti ko

Ang pogi pala talaga ni mars lalo na pag nagagalit sya

Galitin ko kaya sya ng bongga?
Syempre joke lang!

Takang tumingin sya sa wrisk ko

At ng malaman nya na kung ano ang ibig kong sabihjn ay agad nya kong binitawan

Mukang nahiya pa sya sakin

"Sorry ha?kasalanan ko kase kung bakit ka na bugbog kahapon,iniwan kita, sorry talaga nagi-guilty ako"
Paghingi nya ng tawad

Parang nanlambot ang puso ko

Sya nga si mars, sya nga ang bff ko
Ang taong feeling lagi nyang kasalanan pag may nangyaring masama sakin

Ang taong maginoo pero medyo bastos!

Hehe charr lang!

"Ano kaba! Ok lang yun sapat na sakin ang maguilty ka ng konti!" Biro ko at nag lakad na

"Kaibigan talaga kita!!" Sigaw nya
Napangiti nalang ako

Habno!

Matapos ang klase ay hinatid na ako ni Mars sa bahay, sinalubong naman ako ni manang Cora . Napaawang pa ang labi nya ng makita akong may benda na naman.
" Ayus lang po ako manang." panguna ko para di na sya mag alala
"ikaw namang bata ka, napapaaway kaba? Nga pala may bisita k.. "bago pa sya makapagpatuloy may bigla nalang sumigaw ng pangalan ko. Hindi ko pa man nakikita ang mukha nya ay lumambitin na sya sa leeg ko

"pinsaaaan, grabe na miss kitaa! "tuwang tuwa na sabi nya

"t-teka, julia?! Julia ikaw ngaaa! " confirm. Si julia nga ang pinsan at kalaro namin ni Mars noon, Ang ganda ganda na nya, sipunin dati to eh hahaha . Nagtaka pa sya kung san galing mga sugat ko.

Pagkatapos namin magbatian ay umupo muna kami, "asan na si Mars? " tanong nya, napaisip tuloy ako bigla

I-ship ko kaya sila? Whew! Ang saya nito. "pangit parin sya hahahaha" sagot ko pero sinabe nyang pogi naman daw si Mars ,halatang may pagnanais.

Hiniling nya sakin na isama ko sya sa school bukas, gusto nyang mag ikot sa school at makita syempre si Mars. May tinatago pa syang regalo

Kinabukasan

"Sige na kuya, mabait ako papasukin mona po akooo" pamimilit ni Julia sa guard

Kanina pa pailing iling samin yung guard eh

"kuya, papasukin mo na yan" sabi pa ni hannaiah na kararating lang

Bat parang may kakaibang hangin?

Umoo agad yung guard porke ba anak ng principal si iah? Pero mas okay na kase pinapasok naman kami. Bitbit bitbit ko pa ang regalo ni Julia kay Mars na kanda Haba-haba

Ano kaya to?

Pumunta muna kami ni Julia sa locker ko para kunin ang aking P. E habang binubuksan ang locker eh bigla akong niyugyug ni julia mula sa likod ko

"ieeehhhh ssirae may papalapit, ampogi" tumingin ako sa taong sinasabe nya. Napangiti ako na ang tinutukoy nya pala ay si demonyito na papalapit samin.

"o my god bat sayo nakatingin ssirae? Babaero yan wag ka dyan! "inis na dugtong pa ni Julia.But she's right napaka pogi ni Von.

"Hi Ssirae, kita tayo mamaya"
Sabi ni Von bago magpatuloy sa paglalakad

"Kilala ka? Bf mo noh! " pang aasar pa ni pinsan. Sana nga ganon nalang, pero hindi eh.
Pagkatapos kunin ang P. E ay pumunta na kami sa room ng section namin.

Bumungad agad si Mars

"Anak ng, pumasok ka na naman?! Pahinga muna dba?! "gigil na gigil na tanong nya
"may gustong kumausap sayo" bulong ko
"Maaaaaaarrrrrrssssss! " halos tumindig balahibo ko sa sigaw ni julia, ganon din si Mars na lumaki pa ang mga mata, niyakap sya ni Julia pero agad din itong pinabitaw

"teka sino ka? " naguguluhang tanong nya. Saglit na napatigil si Julia na offend ata dahil di sya kilala

Agad kong hinila si Mars

"Si julia yan! Yung pinsan ko? Remember?" bulong ko. Napatakip sya ng bibig
"ahhhh si uhugiiiinn Hahhahha"
Tuwang tuwa na sabi nya agad ko syang siniko sa tagiliran

"umayos ka kung ayaw mo lumobo ilong mo" pasimpleng banta ko

Napatingin kami kaya Julia
"hahahhahaa si julia" saad ko
"hahhahaaha oo nga" pilit na tawa namin ni Mars sa dami dami ba naman na maaalala nya tungkol kay julia uhugin pa.

"HAHAHHAHAHAHA HHAHAHAHHAAHAHAAHHAHAHAHHAHHHA" napatigil kaming dalawa ni Mars dahil sa Oa at may pagka halimaw na tawa ni pinsan.

"Uwi na ko Ssirae, biglang nawalan ako ng gana" paalam nya. Pipigilan ko pa sana sya kaya lang bigla na syang tumakbo.

Hayyss. Na offend ba sya namin?
"ano yang dala mo? " tanong ni Mars. Bigla kong naalala na regalo pala to ni julia sa kanya kaya agad kong binigay

"regalo ng inasar mo"
Binuksan nya to. At para bang tumigil ang mundo nya ng makita ang regalo

Isang golf club.
Naiiyak na ngumiti si Mars, agad nyang hinabol si Julia.

Bigla akong nalungkot. Ako nalimutan ko na ang gusto ni Mars pero si Julia, naaalala nya parin.

Pangarap nyang maging Isang professional na manlalaro ng golf,,

Pero tutol ang parents nya. Gusto rin kase nilang sundin ni Mars ang yapak nila na pagiging sikat na Celebrity.




INTO THE DARK (When The evil's Falling Inlove)Where stories live. Discover now