Chapter 20

25 6 0
                                    


Tumunog na ang bell, sign na uwian na pero ang aming dakilang guro sa english parang bingi na hindi narinig

"Ano kaya ulam namin?!"

simpleng parinig ni yeesha kay Ma'am hayss.Miss ko na si Yeesha ,hindi nya na kase ako pinapansin.

"Class dismiss, may isa na kaseng estudyante dyan na nagpapahalatang patay gutom"

G na g na saad ni ma'am bago lumabas ng room namin.Bars bitch

"Mauuna na ko sayo Mars , pupuntahan ko kase si Prof. Natividad" paalam ko kay Mars.

para mag sorry at para nadin sabihin sa kanya na nabasa ko na ang kwento ng aguinaldo ng mga mago.

HAHAAHA natatawa lang ako sa sarili ko dahil ang tanga nung sagot ko kanina sa kanya ih.

Buti nalang sabi nya sakin kanina di nya daw babagsak recitation ko basta pumunta ako sa office nya at mag recite ulit.

Ahh di naman pala ganon ka terror.

Tumango lang si Mars.

Magpapasundo nalang ako mamaya sa driver ni daddy.

Nang makalabas ako sa room ay dire diretso akong bumaba ng building

Pero napatigil ako ng marinig na may nagtatalo sa likod nitong building.

At Alert na naman akong dakilang chismosaaaa!

Medyo lumapit ako dun at sinilip kung sino.

Nandilat ang mga mata ko na si Neil pala at Allie!

"Please , magpakilala kana sa parents ko Neil!" pakiusap sa kanya ni Allie.

"Ano ba?! Ayoko h-hindi ito ang tamang panahon naiintindihan moba? Hindi pa ako handa Allie!"

Wut? Mag jowa sila? Shete muntik ko pang i ship silang dalawa ni Mars.

Hahaha lokaloka.

"Bakit? Hindi mo ba ako mahal?"
Nakita kong bumagsak ang luha ni Allie , agad yung pinunasan ni Neil gamit ang hinlalaki nya.

"Mahal kita ,mahal na mahal pe-pero hindi pa tayo handa"

Awp. Sanaol.

"Ikaw lang Neil ako handa na!"

"Im sorry Allie , pag usapan nalang natin to sa susunod."

Sagot ni Neil at iniwan ang kawawang babae.

Hayssss. Kung ako yun di ko kakayaning iwan ni Vo-

Erase erase erase

Wag kang tanga ssirae.

"I gave you a chance!" sigaw pa ni Allie pero mukang di naman narinig nung isa.

Atleast ako narinig ko!

Bahala sila sa buhay nila!

"What are you doing huhh?" napatalon ako sa gulat at nilingon kung sino yun. Si demonyito.

"Wala ah" tanggi ko ngumiti sya sakin.

Shucks ngumiti na naman sya!

I dont want to die please dont show me your killer smile!

Ang landeee!

"Sus , Ang dakilang chismosa ng Campus naka auto Cctv na naman" biro nya kaya agad ko syang tiningnan ng masama.

"Tara, ihahatid na kita"

Hinila nya ko sa wrisk.

Bakit hindi ko magawang pumalag?
Gustong gusto kong iwasan sya pero bakit di ko magawa?

INTO THE DARK (When The evil's Falling Inlove)Where stories live. Discover now