Chapter 39 P.R Williams

1.9K 57 0
                                    

Haidee pov's

   Pagkatapos naming mag exam nag usap usap kaming anim na pumunta sa  Levier Restaurant. Maayos na din ang injury ni Elyrah si tita andrea naman bumalik na sa Canada. At ako naman naisipan ko na ligawan na lang ang babaeng ubod choosy ang swerte nga niya at ako pang straight ang nanliligaw.

"Kailangan lang namin makausap ang manager n'yo"napatingin ako kay Jade seryoso lang siyang nakatingin sa waiter.

"Sige po ma'am pahintay na lang po si Ma'am Khail" saka umalis 'yong waiter.

"Teka sino 'yong Khail?"taka namang tanong ni Kai."...takte akala ko ba si Ms.Williams"

"Easy nga kayo! Manager pa lang ang kakausapin natin hindi Owner" umirap pa si  Jade maya maya pa may babaeng lumapit sa amin siya 'yong graduating student.

"Hindi ba't taga Harvel ka rin" napakunot naman ang noo ni Ms.Manager, I don't know her name but  I don't care.

"What can I do for you?" takang tanong pa niya sa akin." Taga-Harvel rin pala kayo"puna pa niya.

"Isn't it obvious" pagtataray pa ni Jade.
"Baka bulag ka na? Nakikita mo naman na naka Harvel Uniform kami 'di ba?" hilig ba talaga niya ang away?

"Excuse me?"naningkit pa ito sa amin.

"Where's Ms.Williams?may kailangan kasi kaming kunin sa kanya" singit naman ni Elyrah."...isa rin kasi kami sa students niya"tumango tango naman si Khail saka ako tiningnan.

"Ms.Perez?" tumango naman ako ngumiti naman siya sa akin kaya naman sinuklian ko na minsan lang siya mamansin tapos biglang may kumurut sa aking tagiliran at napatingin kay Elyrah nakasimangut ito sa akin."....sunod sa akin 'yong may kailangan kay ma'am"lahat kami tumayo kaya nagulat siya. "Kayong anim?"

"Lahat kami" tumango naman si Khalil saka naglakad.

***

Umupo kami sa harapan niya na halata sa mukha nito ang pag tatanong. Teacher naman siya Physics."May problema ba?"pormal na tanong niya sa amin.

"Ms.Williams,labas lang ako" tumango naman ito. Nagtataka lang ako sa yaman ni Ms.Khail bakit kilangan niyang magtrabaho. Wala pa akong alam sa College Building kahit naman kasi ako President hindi ko pa rin pinapakialaman ang patakaran nila kadalasan umaalis na ang mga junior kapag dumadating na ang college. Maliban kay George 3rd year college na nga pala siya.



"I'll refeat my question,there's something wrong with my subject?" tanong niya sa amin.



"Actually Miss hindi po subject ang ipinunta namin dito" napakunot naman ang noo niya sa sinabi ni Jade.



"So ano ang dahilan?"


"About H-hairah" nagsalita naman itong katabi ko.


"HaiRah loveteam?" lahat kami tumango."..kaya pala pamilyar kayong dalawa"tukoy niya sa amin.



"At sa Company po namin" napataas ang kilay niya sa sinabi ni Kai.



"Excuse me? No offend but anong pakealam ko sa company n'yo?" tanong pa nito sa amin.



"Dahil ikaw lang po ang makakatulong sa amin" sabat naman ni Elyrah.



"Wala akong kinalaman sa Company n'yo at anong konekto ng kompanya ninyo sa aming mga HaiRah shipters"natawa naman siya saka tumingin sa amin kaya napaiwas ako ng tingin at bumuntong hininga naman si Jade.


"Her ex-boyfriend" saka siya tumingin sa akin."...Sandoval Company is Perez Company's Enemy"



"Sandoval? That's Altonise Company right?" tanong pa nito marami pa siyang alam sa mga ganitong bagay?
"..so ex mo pala ang nakatatandang anak ni Mr.Alton Sandoval so anong kinalaman?"

"Pwede niya pong gamitin ito para mapagsak ang company namin and my family doesn't know what happening here"paliwanag ko naman."....na isa sa mga Perez ay into...girls" napalunok pa naman ako pero siya wala lang sa kanya nakatingin lang siya sa akin.


"Dalawa tayo Cousin" nagwink pa sa akin si Kai kaya napa irap na lang ako.



"So what's the problem? Ms.Blue eyes like me this Perez is your girlfriend?" baling niya kay Elyrah na agad naman umiling."...hindi naman pala kayo"



"Not yet" napa'ohw'naman si Ms.Williams kaya napatingin na lang ako.


"...hindi niya maaaring gamitin ang sitwasyong ito para mapabagsak ang kompanya n'yo since kung may mahahanap kayong butas para sa kanya and I know Mr.Sandoval" ngumiti pa ito sa amin. "He's Gay,right?"gulat akong napatingin kay Ms.Williams." That the issue in faculty because someone take a picture of him with his boyfriend at nag aaway sila then katulad ng normal na magkasintahan ginawa nila 'yon."



"S-sigurado po ba kayo? Baka naman po iba naman 'yon"gulo kung usal kay Ma'am hindi ko akalain na may boyfriend siya. At hindi ko akalain na BAKLA ang ex-boyfriend ko sino kaya sa mga Ka-team mate niya? Si Jordan ba o si Handro.



"Hanapin n'yo na lang ang butas na 'yon gawin n'yo din ang ginawa niya but 'wag n'yong idadamay ang pangalan ko nananahimik ako dito baka mamaya isali n'yo pa ako" her voice is full of sarcasm kaya natawa naman ako.



"SISTER TARA NA" lahat kami napalingun at isang lalaki ang nakita namin blonde ang buhok at nakaputing damit pakamot kamot pa ito."Sorry"saka siya lumabas napahiya ata.



"Bakla?" nagtatanong na sabi ni Jade saka natawa.


"Malambot lang talaga siya"


Tumayo naman kami at nagpaalam na pero itong si Kai bigla na lang nagsalita.
"Maxine,paalam kana sa CRUSH mo" saka tumakbo palabas. Pagtingin ko kat Maxine pulang pula ang mukha nito sinilip ko si Sharina nakasimangut ito saka padabog na lumabas.



"Crushing your teacher is sin for our school" natatawang sabi ni Ms.P.R Williams. "....but loving your teacher is not sin" kumindat pa ito palipat lipat tingin lang si Jade saka tumawa.


"Mauna na po kami bago pa bawian ng buhay itong bestfriend ko" saka hinila ni Elyrah si Maxine palabas na parang tuod. Naiwan kami ni Jade dito sa loob at pormal na nagpasalamat.


"Just take care of your soon to be 'girlfriend' baka maagaw pa"gumamit pa si Ma'am ng qoutation mark."...and 'yong butas gamitin mo kapag ginamit  na ng kalaban ang alas niya kumuha na rin kayo ng ebidensya"nag bow kami at nagpaalam na sa kanya.


Paglabas naman namin napataas ang kilay ko ng may kausap si Sharina maganda,matangkad,straight hair,matangos ang ilong,mapupulang labi at si Ms.Hernandez 'yon hinawakan nito ang balikat ni Sharina saka nagbow ulit sa harapan niya at umalis."....what a clumsy girl"bulong nitong katabi ko kaya naman napakunot kami at nilapitan si Sharina natawa ako ng makita ang mantya sa uniform nito.



"N'yan dabog pa kung nagseselos ka gawin mo kasi ang lahat para mapabalik sa'yo" saka nauna nang bumalik upuan namin si Jade.



"...In short Seduce your Ex-girlfriend" natatawa kung sabi saka sumunod kay Jade. Hindi ko alam kung tama 'yong sinabi ko sa kaibigan ko pero gusto ko lang talaga makatulong sa kanya. Hindi naman kasi basta basta makakalimutan ang nakaraan kaya mahirap na.


———

A/n: 'yong ganyang 'Bestfriend' asan ka na? Andito lang ako naghihintay sa'yo😂😂

That Girl Is Mine (Santillan Series #2)Where stories live. Discover now