Chapter 45 Finale

5.3K 78 21
                                    

Elyrah pov's

  Kinakabahan ako lahat ng Santillan ay naandito at ang nag iisang Kian Nicolai Santillan ang magiging escort ko mamaya. Ngiting ngiti pa kanina nung nakita ko sina Callix at Anly nakarating na din pati na ang ibang kaibigan nina Mamu at Mom. Sina Synder at Marc naman magkasama sina Ate Julia at Kuya Julius magkasama.

"Happy birthday" bati ni Rae sa akin.

"Wuahh! 18 na ang baby girl namin"mangiyak ngiyak na usal ni Maxine si Jade naman naiiling na lang. Ang ganda niya sa suot niyang fitted dress.

"Happy birthday! Himala naging tao ka" bati pa sa akin ni Jade saka ako hinalikan sa pisngi.

"18 ka na" inakap naman ako nina Jem at Sharina kaya napapikit ang isa kung mata.

"Hindi n'yo ba kasama si Haidee?" tanong ko sa dalawa nagkatinginan sila at sabay na nagkibit balikat.

"Ok!"nagpaalam naman sila sa akin panay naman ang tingin ko sa phone ko. Ilang minuto na lang magsisimula na.

"Wala pa ba ang girlfriend mo?" napalingun ako kay Kenzie. Natawa naman ako sa reaksyon ni Mich.

"M-may girlfriend ka? Hindi nga? Sino ang Girlfriend mo?" taka pa nitong tanong sa akin.

"Perez"simple pero proud kung sabi.

"Yong masungit?"tumango naman ako bigla.

"Oh! Hi,birthday girl" napangiti naman ako ng makita ko si Dory napakaganda naman talaga. Matagal tagal na rin at nalaman ko na nag confess pala siya sa bestfriend kong si Jade. Kita mo nga naman sa sama nang ugali ng kaibigan kong 'yon may isang Monteclaro na nagmamahal sa kanya. Kaso nga lang nabasted ang beauty niya ang kapal kasi ni Jade ang lakas mang basted.

"Mabuti naman pumunta ka" nagkibit balikat ito saka niya ako niyakap.

"Huy! Hini mo pa nasasa—"

"Mamaya mo na lang sagutin maiwan kana muna namin" saka hinila ni Kenzie si Mich kaya naman natawa na lang ako.

"Dory,andon nga pala sina Jade at Max sa may table doon puntahan mo na lang" tumango naman ito at umalis na.

"Ate lara,happy birthday" napangiti naman ako sa nakita ko. Andito na sina Gail means naandito na si Haidee. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko siya. Nag slow motion pa nga ang paglapit niya sa akin kaya ito ako ngayon nakatunganga.

"Happy 18th birthday,Ija" bati nina tito at tita.

"Thank you po" binati rin ako nina Jp,Shayne at Gail. Hanggang sa lumapit na ang babaeng kanina ko pa hinihintay. Nakatingin lang siya sa akin mula ulo hanggang paa saka ibinalik ang tingin sa akin.

"Ang ganda mo" nakangiting sabi niya kaya napangiti na rin ako"..ngayon lang dahil bukas at sa susunod ako na ang  maganda"napanguso naman ako bigla sa sinabi niya.

"Salamat" sarkastikong sabi ko naman sa kanya. Nakakahiya naman kasi birthday ko naman 'di pa ako pinagbigyan. Simple lang naman ang dress na suot niya missy din ang buhok niya. Bigla niya akong nilapitan at hinalikan sa pisngi saka umalis. Aba't nangnakaw na naman ng halik.

Nang magsimula na ang event  tinawag na ako at isinayaw ako para sa 18th roses nina Marc,Synder,Kuya Julius, Kuya Kian,Jasper,Tito Alen,Aldwin, Yukito, Joseph,Ralf,Antony,Tito Zach,Kuya Jerome,Kuya James,Kuya Jeff,Kuya Andrei,Walter,Timothy at si Lolo Daddy sa 18th roses ko.

Madami pang event ang nangyari may palaro na din. Sayawan,announcement at kung ano ano pa. Hanggang sa tawagin ang isa isa ang mga kaibigan ko para magcomment una ay si Jade.

That Girl Is Mine (Santillan Series #2)Where stories live. Discover now