Chapter 12

562 21 6
                                    

How many weeks had passed at nag kulong lang ako sa kwarto ko. Next week is my flight to America.

Sa mga dumaang araw ay lagi akong dinadalaw ni Angelo sa silid ko pero hindi ko siya pinapansin, as well as mom and dad.

Pinapahatiran na lang nila ako ng pagkain dito. Aaminin kong sumama ang loob ko sa kanila, nagalit ako pero hindi yun tumagal at nagtatampo na lang ako sa kanila ngayon.

And for Angelo, nagtatampo din ako sa kanya, ewan ko ba kung bakit pero I'm ignoring him for the past weeks.

Napatingin ako sa pinto ng may mahihinang katok akong nadinig. Tumayo ako at naglakad para pagbuksan ang kung sino mng nasa labas.

"S-sky, can we talk?" Seryosong saad ni Angelo.

Nalulungkot na tumango ako at pinapasok siya sa loob. I missed him!! Ilang araw pa lang yun pero namiss ko na siya, paano na lang kaya pag umalis na ako. Haaist.

"Are you mad at me Sky?" Tanong niya ng makaupo siya sa couch at naupo naman ako sa kama.

"No, I'm just----- haisst, nagtatampo lang siguro ako Gelo. Siguro kaya umiiwas ako para masanay na akong wala ka sa tabi ko kasi nga diba I'll go to America na." Nakayukong saad ko.

Namalayan ko na lang na may yumakap sa akin, si Angelo.

"Mamimiss kita Sky. Wag ka na magtampo please? I wanna spend the remaining days with you." Seryosong aniya.

I hug him back. Mamimiss ko din siya, sobra.

Ilang oras kaming nakahiga ni Angelo sa kama. Nakayakap lang siya sa akin habang pinaglalaruan ko ang kaniyang buhok.

"Sky madami din bang tao sa America?" Biglaang tanong niya.

"Hmm.. oo naman Gelo. Mas maraming tao dun baby." Tinitigan ko siya at nakita ko ang oangamba sa mga mgata niya.

"Madami din ang mga lalake? You'll forget me?" Nalulungkot na aniya.

Tumawa ako sabay ginulo ang buhok niya. Seloso ang baby ko.

"Syempre, syempre hindi ko malilimutan ang Gelo baby ko. Promise me also Angelo, don't ever forget me okay?" Tumango tango naman siya at itinaas ang kanang kamay.

"I promise Sky, promise ko din na ikaw lang." Ako lang?

"Anong ako---"

"What about dun sa pagpapakasal Sky? Pagbalik mo ba dito kasal ka na?" Nakangiting saad niya but I can feel that he's sad, I can see it in his eyes.

"Ah no Gelo. Ahm, let's not talk about that muna. Are you hungry? I'll bake some cupcakes baby." Tila lumiwanag namang ang mata niya at tumayo sa kama. Hinila niya din ako patayo.

"Tara na Sky! I'm hungry." Natatawa akong sumabay sa kanya palabas at nagpunta sa kusina.

Tahimik ang buong mansion, may mga kasambahay pero nanatiling tikom ang bibig at tanging kami lang ni Angelo ang maririnig na nagsasalita.

"Where's mom?" Tanong ko sa isang kasambahay na naglilinis sa may sala.

"Ay ma'am umalis po sila kani-kanina lang. Ang habilin sa amin ay hatidan kayo ng pagkain kung sakaling nagugutom kayo. Alam mo ba ma'am----" tumango lang ako at dumeretso na sa kusina.

"So what flavor do you want Gelo?" Tanong ko sa kaniya habang hinahanda ang mga ingredients.

"Can I have a chocolate cupcakes Sky?" He asked. Tumango naman ako.

"Help me here baby, kunin mo itong harina." Ibinigay ko sa kaniya ang harina at tinuruan siya sa kubg anong gagawin.

Umalis muna ako sa tabi niya at hinanap ang paglalgyan ng cupcake mixture.

Where the hell did I put that thing?

Nilingon ko si Angelo nang biglang may mga puting pulbo ang lumipad sa mukha ko.

Rinig na rinig ko naman ang malakas na tawa ni Angelo habang abala ako sa pag-alis ng mga harina sa mukha ko.

"ANGELO!!!" galit na galit na sigaw ko pero tinatawanan niya lang talaga ako. Inis na dinampot ko ang isang itlog at walag sabi sabing tinapon ko sa kaniya.

"HAHAHAHAHAHAH head shot!!" Natataeang saad ko ng lumanding ang itlog sa kaniyang noo.

Gulat na gulat pa siya at kinapa ang nabasag na itlog sa noo.

"SKYYYY!!!" sigaw pa niya at patakbong lumapit sa akin dala ang isang bowl ng harina.

Dali dali ko namang kinuha ang iilang itlog at tumakbo papalayo sa kaniya.

Natatawang nagbatuhan kami ng harina at mga itlog. Ilang beses ko na siyang natatamaan at ang lagkit niya ng tignan kaya sobrang napapahalakhak ako sa tuwa.

Samantalang ako naman ay punong puno na ng harina sa katawan. I didn't feel gross that time because I'm enjoying this little scene.

"What the hell is going on here?" Napahinto lang kami ni Angelo nang nag echo sa loob ng kusina ang matinis na boses ni mommy.

Napatingin kami sa may pintuan at nakitang nakatayo roon sina mom at dad na nakakunot noong pinagmamasdan kami.

Nagkatinginan kami ni Angelo at sabay na ngumisi.

"Ready. Get set. FIRE IN THE HOLE!!" Sigaw ko at pinagbabato ng itlog sina mommy.

Sinabayan din ni Angelo ng oagsasaboy ng harina sa kanila.

"OH GOSH! CASSANDA SKY!! KEAN ANGELO!!"

"S-STOOP!"

Tawang tawa kami ni Angelo ng marinig at makita ang pandidiri nila mommy.

Pero akala ko ay tapos na kami, yun pal gumanti din sila mommy at pinagbabato kami ng kamatis at sinasabuyan ng chocolate syrup.

Nang wala na kaming maibato sa isa't isa ay tsaka lamang kami napahinto at napaupo sa sahig.

"I can't believe you Cassandra! Why did the two of you did that?" Hindi makapaniwalang saad ni daddy pero sinapok naman siya ni mommy habang natatawa.

"Hoy honey! Akala mo naman na di ka rin gumaya. Ang sabihin mo nagmukha kang bata HAHAHAH. You look like ugh--- iww don't hug me hon!" Niyakap ni daddy si mommy.

Nagmumukha silang basang sisiw. HAHAHAH

"Did you have fun hmm.. Sky?" tanong ni Gelo sakin at yumapos ng yakap.

"Yes Gelo, thank you so much baby." Humilig ako sa balikat niya at tinignan sila mommy.

Mamimiss ko silang lahat. Ang ganitong kulitan, ang kaingayan. I wish I can stay here and be with them forever, lalong lalo na ang lalakeng nakayakap sa akin ngayon.

Oh God, please keep them safe at sana buo parin po sila hanggang sa pag-uwi ko. I trust you God.

Seducing Mr. Innocent [COMPLETED]Where stories live. Discover now