Chapter 20

293 8 9
                                    

"Hey Dwayne sasama ka ba sa amin or  tutunganga ka lang dyan?" I don't know but it seems like Angelo is nagtataray kay Dwayne. Omegee they're so cute.

"Oo na dude, tabi kami ni Yenyen ha?" Pang-aasar pa ng mokong na ikinasama naman ng tingin ni Angelo sa kanya.

"Don't you dare moron. Baka ipakain kita sa pating mamaya." Nakangising banta ni Angelo na ikinaputla naman ni Dwayne.

"Fine fine. Sa likod na ako okay? Happy now? Tsk." Agad naman na sumakay si Dwayne sa van at umupo sa may likod.

Pupunta kami ngayon sa beach resort nina Mariesha. Mag roroadtrip lang muna kami bago tuluyang pumunta sa resort nila total magaganda ang view na madadaanan namin mamaya.

"Sayang di pwede ngayong araw si Renz babykeyks ko huhu. Date sana kami ngayon haiist. Bestiie nakakinggit ka, andyan si Angelo mo." Pagdadrama ni Mariesha na nasa tabi ko lang. Si Gelo kasi ay nasa harap katabi ng driver.

"Sus may partner ka pa rin naman Mariesha. Dwayne ikaw muna partner ng bestffriend ko ngayon ha? Enjoy ayiiiee." I teased them pero nginiwian lang ako ng dalawa.

"Where did you even met him bestiie? Tsaka bestfriend mo yan? Akala ko ba ako lang ang bestie mo." Pagdadrama pa rin ng bruha habang iniirapan si Dwayne na nakasilip sa amin mula sa likod.

"Bakit mo ba yan naging kaibigan Yen? Mukha naman yang unggoy na naging bruha." Nakangising pang-aasar ni Dwayne na mas ikinainis ni Mariesha. Tawang tawa lang ako sa kanila ng biglang magsalita si Angelo mula sa harap.

"Baka magkatuluyan kayo niyan. We'll support you two, right baby?" Agad naman akong tumango tango habang natatawang pinagmamasdan ang sabay na pandidiri nina Mariesha at Dwayne sa isa't isa.

"Yuuuck! I have my Renz na kaya." Pagmamalaki ni Mariesha.

"I also have my Eunice so no need to ship me with Mariesha." Anas naman ni Dwayne kaya't agad akong napalingon sa kaniya.

"Who's that Eunice huh? Ahyiie nagbibinata na si Dwayniee. Pakilala mo ko kay lucky girl ha?" Inabot ko ang tagiliran ni Dwayne at tinusok tusok iyon, tinutudyo siya. Tawang tawa naman kami ng bigla siyang napakamot sa batok at namula ng husto.

"You're blushing Dwayne. Pffft---Hahahahaha." Di ko na napigilan pa at humalagapak na talaga ako ng tawa.

"Sige pagtawanan niyo pa ako, you'll never meet Eunice." Naaasar na saad niya na mas ikinatawa ko pa.

"Sky stop laughing na baka sumabog na sa galit yang best friend mo." Suhestyon ni Angelo na sinundan pa ni Mariesha. "Yang best friend mong bago pa lang nagbibinata bestiie." Patuloy pa din sila sa pagtawa na mas ikinapula pa ni Dwayne.

"Shhh! Stop na guys baka tumalon bigla si Dwayne palabas ng van----oh my gosh look at the view outside!" Namangha ang mga mata ko sa ganda ng tanawin sa labas. It's a flower farm!!

"Woaah! Ang ganda ng mga bulaklak." Namamanghang aniya ni Mariesha.

"Yellow roses, your favorite flower Sky." Nakangiting saad ni Angelo habang nakaturo sa mga nagkukumpulan at nag gagandahang dilaw na rosas. Indeed my favorite.

"Malalanta din yan." Mapait na aniya naman ni Dwayne. Hahahahaha.

"Bitter kasi wala yung Eunice niya." Natatawang puna naman ni Mariesha.

"Eh ikaw wala din naman yung babykeyks mo. Tss." Pagbabalik na pang-aasar ni Dwayne na ikinatahimik naman ni Mariesha.

Sa buong byahe namin ay laging nag-aasaran ang dalawa kaya't minsan ay tinutudyo namin silang dalawa ni Gelo pagkatapos ay sabay nila kaming bibigyan ng napakatalim na titig bago sabay na magtatawanan. We may look crazy but we had so much fun darlings.

Seducing Mr. Innocent [COMPLETED]Where stories live. Discover now