Contract 1:

32K 124 1
                                    

"Why, Ms. Morallés, is your status still single? Wala ka pa bang nata-tagpuan na lalaking makakasama mo?"

"How do you feel now na nakauwi kana dito sa Pilipinas? Matagal kanang gustong salubungin ng mga fans mo."

"Congratulations on being the best model, Ms. Morallés."

"Wow, you're trending on all social media. Congratulations, Ms. Morallés, on your successful career. You are very good in this field, and now you're admired by many!"

Napapikit ako sa mga ilaw na tumatama sa mukha ko. I forgot to bring my sunglass. Madaming Reporters and Paparazzi na sumalubong sa akin at halos magkagulo na. Dali-dali namang humarang ang mga guards at pinalayo sa akin ang mga reporters na nag-gigitgitan na. Ngumiti ako sa mga taong mainit na sumasalubong sa akin habang kinakawayan ko sila.

Karamihan sa mga nakikita ko ay mga taong may dalang tarpaulin at banner na may mga nakasulat na, "Welcome home, Sienna Morallés","Congratulations Our Queen Sienna." hindi ko mapigilang matuwa dahil sa pagmamahal ng mga kababayan ko.

I missed my home.

Before I got into the van, I smiled at the reporters.

"I don't have a boyfriend, so yes, hindi pa ako nakakahanap ng lalaking makakasama ko," at hindi ko siya hahanapin. I smiled at them.

"I'm happy to be back again. I miss my country so much, especially my Filipino family, who welcomed me and supported me. Thank you so much for all the hospitality I have received today. I love you, guys, " I said bago sumakay ng van at isinandal ang likod sa upuan. I'm so tired and my neck is hurting so bad dahil sa matagal na pagkakaupo.

Tumunog bigla ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si mommy.

"Yes Mom, how are you? " Nakapikit ako at pinapahinga ang napagod na katawan.

["Are you okay, Sweetie? I just saw you on TV,"] she said in a low tone. Makinig ko lang ang malamyos na boses ni mommy ay parang gumagaan na ang pakiramdam ko.

"Yes, Mom, don't worry 'bout it, they're just happy that I'm back. " Bumuntong hininga ito at napailing nalang ako. Ramdam ko na may sasabihin nanaman ito.

["You don't have a boyfriend, Sienna. How many times do I have to remind you na mag-boyfriend kana. Give me a grandchildren at huwag mo nang patagalin na lumampas ka sa kalendaryo,"] malamyos ngunit parang galit na sabi ni mommy.

Napakamot ako sa ulo habang nanenermon ang ina.

"Mom, I also want to have a child, pero ayokong magkaboyfriend," mahina kong sabi na dahilan nang nakakalokang pagsigaw ni mommy.

["What are you trying to say, Sienna? Paano ka magkakaanak niyan kung ayaw mong magpatali, huh? Hindi ako makakapayag na hindi mo ako bigyan ng apo. Lahat ng mga kumare ko dito may mga apo na, ako nalang ang wala."] Napangiwi ako sa sinabi ni mommy. Para na namang bata ang aking ina. Gustong-gusto ko narin naman na magka anak pero ayaw ko naman mag-boyfriend. Bakit ba ang gulo ng isip ko?

"Don't worry, Mom. Mag aampon ako ng bata-"

["Sus-maryusep santisima, Sienna. Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ako'y ha-highblooden sa'yo. Hindi kanaman baog para mag ampon,"] pag putol niya sa sasabihin ko. Napasimangot ako.

"Eh, anong gusto ni'yong gawin ko?" I asked.

["Mag-aasawa ka tutal ayaw mo namang mag-boyfriend 'di ba? And gusto ko ngayon din, walang pero-pero, walang tatanggi sa gusto ko kung ayaw mong magalit ako sa'yo,"] aniya sa 'kin. Nagsimulang lumukot ang mukha ko. Ano na naman kaya ang binabalak ng aking magaling na ina?

CONTRACT SERIES 1: Five Erotic Days (COMPLETED)Where stories live. Discover now