Chapter 2

16 2 0
                                    

Nag-iinit na talaga ang ulo niya. Ang kapal ng mukha ng taong iyon! Kami, hindi sila matatalo? Tandaan niya ito, darating ang panahon na matatalo namin ang lintik na SHINee na yan!

"O, bakit masama ang mukha mo?" Tanong ni Yun Hee.

"May nakita kasi akong taong hangin.." sagot niya rito. Hindi pa rin naaalis ang asar sa mukha niya.

"Taong hangin? Ano yun, lobo? Hahaha"

"Masahol pa sa lobo. Hot air balloon pa kamo."

"Ha? At sino naman yun?"

"Si Minho! Alam mo ba kung ano sinabi niya sa akin kanina? Practice pa tayo kasi hindi natin sila matatalo! Ang kapal di ba?"

Sumakay na kami sa sasakyan upang pumunta sa susunod naming event. Sa loob ng isang araw, halos may lima kaming events. Nakakapagod, oo, pero pangarap niya ito kaya she will do anything para maging sikat. Pinapangako niya, malalagpasan niya ang SHINee!

"Grabe naman yung Minho na yun. Nasabi niya talaga yun?" Tanong ni Yun Hee na parang hindi makapaniwala.

"Oo nga. Don't you believe me? Nandoon pa nga si JB nung sinabi yun ni Minho saka andun din si Taemin."

"Talaga? Ano ginawa ni Taemin?" Sabi nito habang halos dumikit na ang mukha nito sa mukha niya. Wait, kinikilig ba ito? Seriously?

"Bakit ganyan mukha mo?" Tanong niya rito.

"Anong mukha ko? Bakit, may mali ba sa mukha ko?" Maang na sagot nito.

Tinignan niyang mabuti ang mukha nito. Sabihin ng immature siya at this point pero ayaw niyang malaman na may kagrupo siyang may gusto sa kahit isa sa mga members ng itinuturing niyang kaaway.

"Mukhang kinikilig na natatae nung binanggit ko pangalan nung Taemin. Ang totoo, crush mo yun?" Tanong niya rito na may halong pagkadismaya.

Natahimik ito. So, sa tingin niya ay tama nga ang hula niya. "Guess I'm right. Anyway, wala naman akong magagawa kung trip mo siya. Ang akin lang, alalahanin mo kung bakit tayo nandito. Kung bakit halos wala na tayong tulog. Kung bakit halos patayin na natin ang mga sarili natin. Get it?"

"Yes, Ate Naeun. Di ko po makakalimutan."

"Okay, pahinga ka na muna diyan. Gisingin kita kapag malapit na tayo."
----

"Bakit mo naman ginawa iyon?" tanong niya kay Minho.

"What?" Maang na tanong nito.

"You know what I am saying, Minho. Bakit mo naman sinabi iyon kay Naeun?"

Narinig niyang tumawa ng mahina ito. "Ah, yun ba pinagpuputok ng butsi mo, bro? Wala lang yun. Huwag mong intindihin iyon."

"Huwag intindihin? Minho, napakamali ng ginawa mo sa kanila. Oo, kalaban natin sila pero di pa rin tama na sabihan sila ng ganoon. Saka we only won by two points. Napakaliit lang nun." Sabi niya rito.

"Bakit ba masyado kang apektado sa sinabi ko kay Naeun? Huwag mong sabihing trip mo yun?" Tanong nito sa akin.

Natahimik siya. Naiinis na kasi siya sa sinasabi ni Minho. Alam niyang may pagkainsensitive ang bibig nito pero di niya inakalang kaya nitong magsalita ng ganoong bagay sa kapwa nila idol group lalo na't babae ang sinabihan nito. It's just that he is not raised like that by his parents. He believes that to have a harmonious relationship with other people, you have to respect each other's beliefs...and sometimes, you have to shut the heck up.

"Alam mo Minho, hindi ko trip si Naeun, okay? Ayoko lang talaga na may ganunin ka. Saka nakakahiya, narinig pa ni JB yung sinabi mo. Paano kung may makaalam na press? Magkakaissue na naman tayo."

Private Hearts [ TaEun Couple FanFic]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu