PH: Chapter 4

13 1 1
                                    

Taemin's POV

Heck! What did he just said? He loves her?! Saan galing iyon?! Sabi niya sa isipan niya. Hindi niya alam kung saan nanggaling yung sinabi niya kay Naeun kanina. Siguro nadala lang siya ng eksena. Sana lang, hindi ma-awkward-an sa kanya si Naeun. Kakaumpisa pa lang namin sa show na ito at hindi niya maaafford na masira agad ang working relationship nila.

"O!" Nawala ang malalim na pag-iisip niya ng may maghagis sa kanya ng coke in can. Tiningnan niya kung sino ang naghagis at nakita niyang si Minho lamang iyon kasama ang manager nila.

"O, anong ginagawa ninyo rito?" Tanong niya sa mga ito habang binubuksan ang coke in can sabay inom sa laman nito.

"Wala lang. Maaga kasi kaming nag pack up e. Maagang natapos ang date namin ng 'asawa' ko." Sagot nito sa kanya habang tatawa-tawang binigyang diin ang word na 'asawa'.

"Buti pa kayo. Kami ni Naeun medyo late na e. Di ko pa din alam kay Direk kung tatapusin pa yung ibang scenes ngayong gabi or bukas."

"Kumusta naman yung asawa mo?" Tanong nito sa kanya.

"Ayun. Medyo aloof pa din sa akin. Masama talaga ang dating para sa kanya ng ginawa mo. I think you should apologize to her." Sabi niya rito.

"Why should I? Nagsabi lang ako ng totoo." Pag-i-insist pa nito.

Napahawak na lang siya sa ulo niya. Pasaway talaga ito. Natuon na lang ang pansin niya ng narinig niyang may kumatok sa pinto.

"Mr. Lee, kanina pa po kayo tinatawag ni Direk. Hindi daw po kayo sumasagot." Inform sa kanya ng isa sa mga crew.

"Ganun po ba? Pasenya na po. Sige po sunod na po ako." Sinundan niya na ito kasi baka mapagalitan siya ng direktor nila. Naabutan niya ang direktor, si Naeun pati na rin ang mga crew na nag-uusap usap. Lumingon sa gawi niya si Naeun at napansin niyang nakabusangot ang mukha nito. Hmmm.. bakit kaya?

"Direk, good evening po. Pasensya na po at hindi po ako nakapunta rito. Pasensya na po talaga." Hinging-paumanhin niya rito. Tumango lang ito at itinuro ang tv monitor sa kanya kung saan pineplay ang eksena namin ni Naeun kanina.

"Panoorin mo ito, Taemin. Ano ang napapansin mo?" Sinunod niya ang utos nito. Sa totoo lang, wala siyang makitang mali kaya nakakunot ang noo niya.

"Ano, nakita mo na ba?" Tanong nito sa kanya.

Umiling siya rito. "Pasensya na po, Direk. Pero ano po ba iyon?"

Nakita niyang bumuga ito ng hangin. "Okay, ganito kasi yan Taemin. Wala kayong chemistry ni Naeun! Napakadry ninyong dalawa! Paano tayo magkakaratings niyan?" Galit na sabi nito sabay palo ng kamay sa hita nito.

He flinched. "So, ano pong pwede naming gawin, Direk?"

"Need nating mabuo ang chemistry ninyong dalawa. Hindi pwedeng mukha kayong tuod na dalawa, okay?!"

Tumango siya at nakita niyang ganun din ang ginawa ni Naeun. Napakalaking project ng We Got Heaven at hindi maaaring mawala sa kaniya ang project na ito.

"Okay, ganito. Para ma build ang closeness ninyong dalawa, mag sesensualization activity muna kayo. Alam naman ninyo iyon, di ba?"

Tumango siya. Naranasan na niya iyon nung college days niya. Ang mahirap nga lang, badtrip sa kanya ang partner niya.

"Okay po, Direk. Gagawin po namin." Napalingon siya dahil si Naeun ang nagsalita. Kung agree ito, magiging maayos ang buhay naming dalawa.

"Good. Doon kayo sa may tent. Mag-usap kayo. Magkwentuhan kayo para maging close kayong dalawa, okay?"

"Opo" sabay naming sagot ni Naeun.

---
"So, anong pag-uusapan natin?" Sabi sa kanya ni Naeun.

"Anything you want. Ano ba gusto mo?"

Sandali itong tumahimik. Hindi niya alak kung dahil ba sa pag-iisip kung bakit siya nandito o sadyang nag-iisip ito kung ano ang itatanong sa kanya. Mga ilang minuto na kami dito sa tent pero ngayon lang nagsalita ito.

"Nakailang girlfriend ka na?" Out of nowhere na tanong nito.

Tiningnan niya ito bago siya sumagot. "Bakit gusto mong malaman?" Sagot niya sa tanong nito habang may naglalarong ngiti sa labi niya.

"Wa-wala lang. Ano kasi .. hi-h-hindi kasi ako naniniwala na hindi ka pa nagkakagirlfriend. Oo! Yun nga!" Anito na medyo nauutal.

Biglang may naglaro sa isipan niya. Lapitan niya kaya ito? Tutal iyon ang purpose ng ginagawa naming dalawa. Lumapit nga siya sa puwesto nito na halos magkadikit na ang mukha nila. Napansin niyang umuusod ito sa bawat paglapit niya pero mas natutuwa siya sa inaakto nito kaya pinagpapatuloy niya ang paglapit lalo rito.

"Uy! B-ba-bakit ka ba lapit ng lapit?"

"Di ba iyon naman ang dahilan kung nandito tayo? Para maging mas ...close? Ito na oh. We're both making ourselves benefit here. Anyway, bakit ba hindi ka naniniwalang wala pa akong nagiging girlfriend mula noon? Bulong niya sa tenga nito sabay layo ng mukha niya upang tingnan kung ano ang epekto ng ginawa niya rito. Nagtama ang kanilang mga mata at matagal nagtitigan. Nawala na rin ang mapaglarong ngiti sa mga labi niya at napalitan iyon ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Maya maya, hindi niya na namalayang unti unti ng lumalapit ang mukha niya sa mukha nito. Bridging the gap between our faces, making it impossible to breathe.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Private Hearts [ TaEun Couple FanFic]Where stories live. Discover now