••Chapter 2••

16 4 0
                                    

"I LIKE HER"

Flynn's PoV:

Pabagsak akong naupo sa kama ko ng makauwi ako dito sa bahay. Nakakapagod naman to, oo! Pagkatapos kong kumanta nanaginip pa ako. Tapos kinaladkad naman ako ni Brielle patungo sa isang bahay ampunan. She even let me carry dozens of boxes. I'm beat. But well I have fun.

Napabuntong hininga na lang ako. Ayoko ng matulog ulit. Baka managinip lang ako ng masama. Makapunta na nga lang sa bahay nina Haru.

Kumuha ako ng itim na jacket sa closet ko at naglakad lang na pumunta sa bahay ng mga Alexandrov. Akala niyo ah! If Kaito is responsible for infos and Takeo for guarding Haru. Ako naman ay bantayan ang mga kapatid niya. You know? Sina Levi at Ayato. Lagi kasing wala dun sina kuya Riou at kuya Yusei.

Nang makarating ako sa napakalaking gate ng mga Alexandrov ay agad iyong bumukas ng makita ako ng guard. At dere-deretso na ako sa loob.

"Magandang gabi po, tandang Yamato!" Bati ko sa laging seryoso ang mukha na butler nila.

"Good evening to you too, Flynn-sama." Bati din nito sabay yuko.

Kakaiba talaga ang pamamahay nato. VIP ka talaga kapag pumunta ka dito. Maliban na nga lang kung nandito si Haru kasi masama ang ugali nun, hahha!

"Tandang Yamato, na saan na ang mga tao dito?" Tanong ko ng makapasok ako sa salas.

"Young master Ayato is in the kitchen doing the dishes, Flynn-sama." Magalang na sagot nito.

Ngumiti naman ako. "Thanks, old man."

Tinahak ko na agad ang daan papunta sa kusina. Lagi akong nandito kaya hindi na ako naligaw. Pero noong una kami pumasok dito nina Takeo at Bryleigh naligaw talaga kami. Kaya sa tuwing pumupunta kami dito lagi kaming may dalang mapa.

"Ayato, ang sipag ata natin ah." Sabi ko ng makitang naghuhugas ng plato si Ayato.

He glance at me and groaned. "This is not funny at all kuya Flynn."

Tumawa na lang ako at naupo sa island counter at kumain ng mansanas na nandun.

"Nasaan na ang kuya mo?" Tanong ko.

He faced me. "Who? Riou niisan? Yusei niisan? Or Haru niisan?"

"Si Haru." Sabi ko.

"Kakaalis lang nun kanina. He's going to to search in Paris this time." Simpleng sabi nito sabay reklamo. "Nung bata ako gusto ko tong abutin ang lababo namin. Ngayon hindi na ako natutuwa."

"Ha! Wala ka pala sa kuya mo Haru eh. Ang sama-sama talaga ng ugali nun. Kapag pumupunta kami dito kami pinapahugas niya ng plato. Ginagawa kaming alipin!" Sabi ko ng may maalala.

Ayato faced me while raising his right eyebrow. "And you guys just let niisan order you around?"

"Nakakatakot kasi siya eh!" I replied with a shrug. "One single word will come out from his mouth is like gospel. Every hair from your body will stand up and your nerves will shake once he spit a threatening words."

"Wow! What a compliment you have there." Sagot na lang ni Ayato at pinagpatuloy ang paghuhugas.

"Hindi mo yun naranasan kasi pinakamamahal ka niyang kapatid. If he said kneel you will kneel without a single word of complain." Pagpatuloy ko.

His Love Series 2: Love You BetterWhere stories live. Discover now