••Chapter 3••

13 3 0
                                    

"CLEMENTINE"

Brielle's PoV:

Nakasimangot kong hinintay si Flynn dito sa mall. Ang feeling na siya ang nag-ayang mag-mall tapos siya pa ang wala dito. Grabe din naman tong si Flynn.

Bago ako makaalis sa bahay siniguro ko munang maganda ang itsura ko sa suot kong dress. Naglagay din ako ng kunting make up para hindi ako maputla tignan. Ayoko naman mapahiya sa harap ni Flynn. Kahit masakit aminin pero kapag lumalabas kami ni Flynn para siyang isang sikat na artista.

Palinga-linga ako para madali kong makita si Flynn. Kung saan saan na nga pumupunta ang paningin ko eh. Then murmurs started filling the air.

"Hala! May gwapo."

"Foreigner ata yan, girl."

"Ang gwapo. Mag-isa lang ata, tara ayain natin."

"Gaga! Parang may hinahanap eh."

Sakto pagtingin ko sa kanan ay nakita ko agad ang lalaking naka-shades. Nang makita ako ay agad niyang binaba ang shades niya at ngumiti sakin.

Sinalubong ko naman siya ng simangot. "Kanina pa kita hinihintay!"

"Excited ka naman ata masyado, panget." Nakangising sabi nito.

"Gago! Kasalanan mo kasi hindi mo sinabi kung anong oras tayo magkikita dito." Sabi ko.

Itinaas naman niya ang mga kamay niya sa ere. "Chill. Sige na nga kasalanan ko na."

Inirapan ko na lang siya na ikinatawa niya. "Tinatawa-tawa mo diyan?"

"Wala! Akala ko ba paglalawayin mo ako sa kagandahan mo?" Sabi nito.

Ngumisi naman ako at umikot sa harap niya. "Natamaan ka nhu?"

Nakatulala lang siya sakin pero agad din siyang nag-iwas ng tingin. "Tsk! Bakit ba ang panget mo?"

"Ano!? Nakakainis ka na talaga, Flynn, ah!" Sabi ko.

Napailing na lang siya at hinablot ang kamay ko. "Tara na. Mag-shopping na tayo... mahal na prinsesa."

"Mahal na prinsesa?" Nakangiting ulit ko sa sinabi niya.

He just snorted at me. "Prinsesa ng mga taong grasa."

"Siraulo!" Binatok ko na siya ng napakalakas.

"Aray!!" Sigaw niya at masamang tumingin sakin. "Hoi, babae, masakit yun ah! Paano kung malaglag ang utak ko sa ginawa mo?"

I raised my right eyebrow at him. "May utak ka pala?"

"Brielle, ikaw ha." Sabi niya sabay turo sakin.

Tumawa na lang ako at ako na ang kusang humila sa kanya sa iba't ibang botique. As I choose different clothes Flynn waits for me patiently without complain.

Tumigil lang kami para kumain ng masyado na akong maraming pinamili na binayaran naman lahat ni Flynn. Dun lang kami sa isang café.

His Love Series 2: Love You BetterWhere stories live. Discover now