Chapter 13

3.2K 72 4
                                    

Makalipas ang isang taon..............

Deanna's POV

Maraming nangyari sa buhay ko sa loob ng isang taon. Pero isa lang ang hindi nagbago, ang nararamdaman ko para kay Jema. Nagkikita pa rin kami ni Mafe sa office at ni ate jovi. Hindi na ako pumupunta sa bahay nila para maiwasan ko na rin si Jema. Lagi kaming nagkikita kita nila mafe at ate jovi. Pero sa ngayon daw pagbigyan ko silang  sumama sa bahay nila para magcelebrate kasi no.1 company na ang company ko at no.2 na ang kay ate jovi. Ready naba ako makita si Jema? Inamin ko kay ate jovi na wala na kami ni Jema. Nanghinayang sila sa akin. Sinabi ko naman na hindi naman kasi talaga ako mahal ni jessica.

Ayos na kami ni Bea. Actually, dun nako nakatira sa bahay namin. Kaso umalis muna si Bea for her company sa US.


Flashback

Umalis agad ako, tapos na. Tapos na kami ni Jema. At desidido ako sa desisyon kong huwag na tapusin kasi ako lang din ang mahihirapan, mas lalo akong mahuhulog kung ipagpapatuloy ko pa.

Sa ngayon, papunta ako sa bahay namin ni Bea. Handa na ako makipag ayos.

Buti walang trapik kaya agad ako nakapunta sa bahay. Nakita kong may sasakyan sa tapat ng bahay,  at may mga maleta sa labas ng pinto. Bakit kayaa? Nakita ko si bea na paalis. Kaya agad akong nagsalita.

"Aalis ka?" bungad ko dito. Nakita ko ang pagkagulat niya. Niyakap niya ako, namiss ko to. Namiss ko bro ko. "bro, buti pumunta ka uli dito. Miss na kita, patawarin mo na ako bago umalis please, hindi ko gusto si jema. Inaalala lang kita kaya pumayag ako sa deal na yun" pagmamakaawa sa akin ni bro.

"Ok na bro. Sorry din, alam kong nadala lang ako ng galit pero hindi ka nawala sa isip ko bro. Aalis ka? San ka pupunta?" malungkot kong tugon.

"bro huwag ka mag alala, babalik din ako. Need ako ng company ni dad sa US. Pagdating ko bonding tayo bro ah?" sabi ni bea sa akin.

"Oo bro, gusto mo sama ako sa paghatid sayo bro?" tanong ko kay bea

"Huwag na bro, magpahinga ka muna. Tawag tawag na lang ah?"

"sige bro, byee" niyakap ko siya bago magpaalam.

End of flashback

Simula nun lagi kaming nag uusap at nag vivideo call. Malapit na rin naman makabalik si bea at magbabonding na kami. Miss na miss ko na rin yun eh.

Ito papunta ako sa bahay nila mafe para magcelebrate nga hehe. Nandito na ako sa tapat ng bahay nila, magdo-doorbell pa lang sana ako nang buksan ito ni................. JEMA!?

"owww, hi jema. Can I come in?" tanong ko, nagulat siyang nandito ako.

"S-sure D-deanna" pumasok na ako at nilagpasan ko na siya.

"Oh, ate jema bat nakatunganga kana dyan. Mas lalo bang naging magandang gwapo si deanns?" mapang asar talaga to si mafe HAHAHAHAHA. tinignan ko kung ano reaksyon ni Jema. Sabay ding tumingin ito sa akin, nginitian ko siya at umupo nako sa upuan.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Jema's POV

Nagkaayos na kami ni Mafe. Inamin ko sa kanya na mahal ko si deanna at tuwang tuwa ito. Pero isang taon, isang taon hindi nagpaparamdam si deanna sa amin. Pero ewan ko, kasi hindi ko naman natanong si mafe kung nagkikita sila o nagkakausap.

Flashback

Umiyak ako ng umiyak dahil mahal ko na talaga si deanna at talagang hindi na ito nagparamdam sa akin. Tapos hindi pa rin ako kinakausap ni mafe. Kahapon lang yung official break namin ni deanna.

"Ok ka lang?" hindi ko namalayang nakapasok na pala si mafe dito sa kakaisip ko kay deanna. "Ate sorry uli. Sana mapatawad mo ako" niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya.

"Naiintindihan ko, kaibigan mo siya eh, ok na tayo ah? I love you mafe" paglalambing ko rito

"Ate, bakit maga mata mo?" tanong ni mafe.

"Hindi na nagpaparamdam si deanna sa akin" malungkot kong sabi.

"Yun naman gusto mo ate diba? Teka wait, may gusto kana kay deanns?!" titili tiling sabi ni mafe.

"Oo, mafe. Gusto ko na siya. Hindi ko maamin na gusto ko siya dati kasi hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko, hindi ko pa matanggap nun na yung taong hate ko, yun pala yung taong magugustuhan ko. Nung nagbeach kami tas umuwi na rito tas hindi na siya nagpaparamdam, dun ko narealize mahal ko na pala siya. Pero inaalala ko si savior. Diba bestfriend mo rin yun? Pwede bang magpakilala na siya sakin? Tsaka teka!? Kala ko boto ka kay savior na bff mo pero bat parang nalipat kay deanna?" sabi ko rito kay mafe. Nakita kong masaya to sa mga narinig. Talagang boto to sa kaibigan niya. Pero paano na si savior? Alam ko maka savior mo to lalo nat bff niya rin pala yun.

"Sa mga tanong mong yan sa savior mo, malalaman mo rin ang totoo basta sa tamang panahon. Magpapakilala na rin yun soon. Pero sa ngayon, focus muna kay deanna" sabi ni mafe habang natatawa tawa

"Sana huwag mo muna ipaalam to kay deanna? Yung mahal ko siya." sabi ko at tumango tango siya kaya niyakap ko siya ng mahigpit. Namiss ko siya, bati na kami uli. Hayssss ang sarap sa feeling. Si deanna na lang talaga ang kulang.

END OF FLASHBACK

Lalabas sana ako para tignan ang garden pero pagbukas ko ng pinto, nakita ko yung taong gustong gusto ko na makita. Yung taong miss na miss ko na. Gusto ko siya yakapin pero nahihiya ako at nandito si mafe, mang aasar na naman yun. Lalong gumandang gwapo si deanna pakshet!

Nginitian ako ni wong! Kinilig ako dun! Umupo na siya para makakain mamaya maya.

"ate dun ka nga sa tabi ni deanns, dito ako eh" sabi ni mafe kaya sinamaan ko siya ng tingin. At tumawa pa ang loko.

"Yes jema, you can sit here sa tabi ko, hindi naman ako nangangagat HAHAHAHAHAHHHA" NAMISS KO SIYA! Namiss ko yung tawa niya.. Bakit parang wala na lang sa kanya yung mga nangyari? Move on naba siya? Hindi naba niya ako mahal? Huli naba ako? Hayssssss.





























































Bully meets her saviorWhere stories live. Discover now