Chapter 16

3.7K 86 0
                                    

Day 1

Jema's POV

"Jema?" Gising sa akin ni Deanna kaya agad na akong dumilat.

"Saan sila ate at mafe" tanong ko rito kasi kaming dalawa na lang ang natira sa sasakyan.

"nauna na sa pagtutuluyan natin, tayo daw kasi magka-kwarto. Natulog muna sila kasi pagod din si ate jovi sa pagda-drive. Tapos mamayang gabi daw iinom tayo. Ok lang ba sayo na magka-kwarto tayo? Pwede naman kami magpalit ni ate jovi eh" saad ni deanna. Ok nga lang sakin na magkakwarto tayo para makasama kita.

"Ok lang deanna. Tara punta na tayo dun sa kwarto, antok pa rin ako eh. Baka antok kapa rin" tumango na lang siya at inalalayan ako sa pagbaba ng sasakyan. Ang gentlewoman talaga.

Nakarating na kami sa kwarto namin. Tahimik kaming nag aayos ng mga gamit namin. Matapos kong ayusin ang gamit ko, humiga na muna ako at matutulog muna para mamayang gabi may lakas ako. Iinom raw kasi kami kaloka. Si Deanna hindi pa rin tapos mag ayos ng gamit.

Fast forward

"Jema? Gising na raw" nakatulog na pala ako kakaisip hehe.

Tumayo agad ako dahil sa paggising sa akin ni deanna. Nakakahiya naman kasi kung magpabebe pa ako. Kung si mafe tong nanggigising sa akin baka nabato ko na to ng unan.

"Sige, tara na deanna" sabay na kaming bumaba at nakita namin dun yung mga pinamiling junkfood ni mafe para sa pulutan at siguro mga 5 bote ng alak. Tindi ng mga to ah.

"Oh, deanna at Jema upo na kayo dyan. Inom na tayo" sabi ni ate jovi.

Fast forward

Nakakarami na kami ng inom. May dalawa pang alak na iinumin kailangan daw kasi namin ubusin yun. Hilong hilo na ako arghhhh. Tinignan ko si mafe at ate jovi mukhang lasing na rin. Si Deanna lasing na rin. Ako medyo matino pa pero nahihilo na. Hindi naman kasi ako masyadong umiinom kaya ganto pa ako.

Tumingin ako sa paligid kasi sobrang ganda nitong pinuntahan namin. Pagkatingin ko may mga babae, actually mga 5 sila na nakatingin ata kay Deanna. Tangina, hindi pa ako nagsisimula may nagkakagusto na naman sa mokong na to. Kaya tinignan ko ng masama ang mga babaeng yun kaya agad silang umalis. Nung pumasok kasi kami sa school tapos hindi na nerd si Deanna yung kami pa, halos pagkaguluhan at magsorry sa kanya yung mga babae na nangbully sa kanya. Sino ba naman hindi magkakagusto dito? Gandang gwapo naman talaga. Ewan ko bakit nagpakanerd to? Ayun yung hindi ko pa malaman laman kay Deanna.

"Aksyat nha khami jema"lasing na saad ni ate jovi kaya tumango na lamang ako kasabay nito si mafe. Naglalakad sila ng pagewang gewang.

"Deanna, tara akyat na tayo" sumunod naman ito at inalalayan ko. Bat si deanna inalalayan mo, si ate jovi at mafe hinayaan mong magpagewang gewang. Shut up mind!

Nang makarating kami sa kwarto. Agad kong inihiga si Deanna pero nakakapit pa rin si Deanna sa akin, kaya pagkahiga ko kay Deanna ay napahiga rin ako sa ibabaw ni Deanna. Potek! Yan na naman yung puso ko, parang sasabog. Pinagmasdan ko ang mukha ni Deanna habang nakapatong pa rin sa kanya. Lasing naman na to. Ang ganda ng mga mata niya, yung ilong niya rin. Napatingin ako sa labi nito, mapupula. Bigla tuloy akong napakagat sa labi. Jema, lasing yan huwag mong halikan. Sabi ng utak ko. Pero tulog naman eh.

Aalis na sana ako sa ibabaw ni Deanna para makatulog na ako. Nagulat ako ng gumalaw ito kaya napadikit ang labi nito sa akin. Potek! Ang lambot talaga ng labi ni Deanna. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya hinalikan ko na si Deanna. Nagulat ako nang magrespond  ito sa mga halik ko. Ughhhh, nakakaadik ang mga labi mo Deanna! Lumalalim na ang halikan namin. Kaya tumigil na ako at umalis na ako sa ibabaw nito. Arghhhh! Nakakaadik ka deanna!

Bully meets her saviorWhere stories live. Discover now