10

8.5K 210 10
                                    


Mukha yatang kumakanta nga ang patron saint ng mga chauvinists! Higit pa sa pagkamangha ang naranasan ni Pepper nang lumapit sa mic si Rei at nakisabay sa chorus ng "Man Eater" ng Hall and Oates. Ang makita itong may hawak na gitara at tumutugtog ay kagila-gilalas na, iyon pang kumanta ngayon na parang feel na feel ang pagiging rocker?

Napanganga na lang siya habang walang kakurap-kurap na nakamasid sa lalaki. Paano nangyaring nakaligtas sa kaalaman niya na marunong palang maggitara at kumanta si Rei? Malayong-malayo ito ngayon sa Rei na kinaiinisan niya dahil sa pagiging seryoso todo-todo.

Baka may split-personality disorder?

Nang matapos ang number, nangunguna si Pepper sa pagpalakpak, halos nakaangat na ang pang-upo.

Nagbago ang timpla ng ilaw sa maliit na stage at naupo si Rei sa isang stool, katapat ng mic.

"This is for you, guys," sabi nito at nag-umpisang tumipa sa gitara. Pumailanlang ang mga nota ng kantang parang pamilyar kay Pepper, pero ayaw lang tanggapin ng kanyang isip na iyon ngang nasa isip niya ang kakantahin ng lalaki.

Nagtilian ang mga babae sa audience, nagsigawan naman ang mga lalaki. Nang magsimulang kumanta si Rei, hindi na rin niya napigilan ang mapatili. Hindi dahil gusto niya ang kanta kundi kinikilig siya.

Lalaking-lalaki ang hitsura ni Rei sa asta ng pagkakaupo habang nakapikit na parang isinasapuso ang bawat titik ng kantang walang iba kundi ang "Bituing Walang Ningning."

"Balutin mo ako ng liwanag ng iyong pagmamahal..."

That was too much for her. Tumayo na si Pepper at tumili nang ubod lakas.

"I love you, Rei!" sigaw niya, in the manner of a fanatic. Nakigaya naman ang iba pang babae sa audience. Encouraged, sinabayan niya sa pagkanta ang lalaki. Hindi nagtagal, nakikisabay na ang buong audience, itinaas pa ang mga cell phones kaya napuno ng mumunting berdeng ilaw ang bar.

"Nagkukubli sa liwanag ng ating pag-ibig..." Nakapikit na si Rei, parang oblivious sa tili at padyak ng mga nanonood.

Pagkatapos niyon, isang rock number uli ang kinanta ng Bud Brothers, then another Tagalog love song sung by Dick. Bilang panghuling bilang, they did a Westlife number, kompleto pa sa choreography. Parang guguho ang bar sa pandemonium na naganap. Nang magpaalam ang grupo, humingi pa ng encore ang mga tao, isinisigaw rin ang pangalan ni Rei.

Nagpaunlak naman ang grupo, kinanta ang makasaysayang "Luha." Maluha-luha si Pepper sa sobrang galak at kilig. Mukha yatang hindi nagkamali ang puso niya na muling tinubuan ng pagsinta sa lalaki. Maybe the heart could really see beyond what the mind could see. Nakita ng abang puso niya ang totoong Rei na hindi nakikita ng kanyang isip.

Nang matapos ang kanta, namatay ang ilaw sa stage at isa-isang nagsibabaan ang Bud Brothers. Napuno ng ingay ng mga tao ang bar habang naghihintay sa susunod na grupo.

Nang makita ni Pepper na papalapit na sa mesa nila si Rei, hindi na siya naghintay pa. Sinalubong niya ang lalaki at niyakap.

"You're so galing, Rei! I can't believe it! You're human after all! I'm so, soo glad!" Kulang na lang ay sumampa siya rito.

"Thanks," he murmured.

Kumalas siya at pinagmasdan ang hitsura nito. Bumalik na naman ito sa pagiging taong-bato, stiff upper lip and all. She didn't mind. Alam na niya ngayon na hindi iyon ang totoong Rei. Ang kailangan lang niyang tuklasin ay kung bakit ganoon ang drama nito kapag kaharap siya, ang papa niya, at ang papa nito.

Ikinawit ni Pepper ang braso sa braso ng lalaki. "You are great. Kung gusto n'yong maging recording artist, just tell me. Marami akong kilalang talent managers."

Bud Brothers 6: Pepper's Roses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon