Three Jerks, One Chic and Me(Book 1, 2, 3 and 4)

1K 6 2
                                    

Written by:Yulie_Shiori

Prologue

"Kaibigan"

Sila 'yung tipong mga tao na tutulong sa'yo kapagka may problema ka. Madalas ka man nilang pikunin, pero nariyan pa rin sila para ika'y pasayahin. Sila ang madalas sumosuporta sa mga desisyon na ginagawa mo, sila 'yung taong makikinig sa'yo kahit na ang drama- drama mo na. Sila rin 'yung taong lalapit sa'yo kahit wala silang kailangan sa'yo

At higit sa lahat...

Sila 'yung taong mahal na mahal ka sa kung sino ka. Kahit na pangit ka pa, mataba ka, may putok ka sa kili-kili, hindi madalas mag toothbrush kasi tinatamad ka at kahit na ang baho baho mo na. Parang love lang 'no? Kaso, alam niyo? Lahat ng sinabi ko, kabaliktaran ang napunta sa akin.

May kaibigan nga ako, pero hindi naman totoo. Tapos 'yung akala mong totoong ngiti, ayun pala peke lang naman. 'Yun bang lalapit lang sila sa'yo kapag may kailangan sila? 'Yun bang akala mo, sinusuportahan ka nila pero ang totoo ay wala naman talaga silang pakialam? Maganda ang turing nila kapag naka-harap ka, pero kapag nag simula ka ng tumalikod, kung anu-ano na ang mga sinasabi nila sa'yo.

Kaya ang kinalabasan, ayaw mo na ulit magkaroon ng kaibigan dahil baka maulit pa yung nangyare sa'yo at mag repeat yung history of friendship na mayroon ka. Ganyan ang nararamdaman ko noon, sadyang nabago lang nung makilala ko sila... 

Ang Trinity4... 

Best Wattpad StoriesWhere stories live. Discover now