Loving A Stone Hearted Man

751 2 2
                                    

Written by:MsKindGirl

Prologue

Nakita ko siyang nakaupo sa damuhan habang hawak ang kanyang gitara. Napangiti ako at pinuntahan ko siya at kahit isang sulyap sa akin ay hindi niya magawa.

"What are you doing here?" malamig na tono niyang tanong habang nakakunot ang kanyang noo.

"Merry Christmas." masaya kong bati sa kanya.

"Okay." sabi nito at nagsimula na siyang magpatugtog ng kanyang gitara.

"Sabi ni Mommy ang pasko nagsisimula sa pagmamahalan." nahihiya kong sabi at yumuko ako dahil nararamdaman kong namumula na ang pisngi ko.

"So?" tanong niya habang nakatitig sa akin. Nangatog ang tuhod ko dahil parang may hipnotismo ang mga titig niya.

"P-pwede mo ba akong mahalin?" Nahihiya kong tanong, wala ng atrasan ito. I like him so much, No. I love him so much.

"No" sagot niya at naglakad na siya palayo sa akin... palayo sa puso ko.

Naiwan akong tulala habang patuloy na tumutulo ang luha ko. Gano'n ba ako kahirap mahalin? Bakit kasi sa kanya pa ako nagkagusto. Bakit sa kanya pa tumibok ang puso ko? Why him? Bakit hindi nalang iba..

Agad ko siyang hinabol at hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya. Binitiwan ko kaagad ang braso niya dahil may naramdaman akong kuryente nung lumapat ang kamay ko sa balat niya. Ganun ba ang tinatawag nilang sparks?!

"Hate me or not I'll never stop loving you. Keep it on your mind" I said at hinalikan ko siya sa pisngi at dali dali akong tumakbo.

I love you Mr. Cortwar 💖

Best Wattpad StoriesWhere stories live. Discover now