CHAPTER FIVE

27.9K 257 18
                                    

            Pagkahalimos ni Emy pagkatapos maduwal ay bumalik muli siya sa kanyang kuwarto. Natagpuan niya roon ang kanyang ina, nakasalampak sa sahig at umiiyak.

            “Inang?” nilapitan ni Emy ang ina at tinignan ang hawak-hawak na papel nito. Laking gulat niya nang makitang hawak ng kanyang ina ang resulta ng kanyang pagpapacheck up sa OB.

            “Anak? Buntis ka?”

            Napayuko si Emy at nagsimulang umiyak sa kanyang ina, “Inang, sorry po.”

            Napasandal si Rosa sa pader at napapikit, “Diyos ko po.”

            Niyakap ni Emy ang kanyang ina at sa balikat nito nag-iiyak, “Patawarin niyo po ako Inang.”

            “Anak?” inalis ni Rosa ang pagkayakap sa kanya ni Emy, “Sino ang ama?”

            Hindi makapagsalita si Emy. Paniguradong magugulat ang kanyang ina once na matuklasan nito na ang ama ng kanyang dinadala ay ang anak ng kanilang amo.

            “Emy, si Nathan ba?”

            Tumingin si Emy kay Rosa, “Inang…”

            “Anak? Wag mo ng ipagkaila ang totoo.” Tumayo ang kanyang ina at may kinuha sa cabinet nila. Nilabas ng kanyang ina ang natuklasan nitong gamit ni Emy na nakuha niya sa kuwarto ni Nathan, “Nakita ko ito sa kuwarto ni Nathan.”

            Bumuhos ang luha sa mga mata ni Emy.

            “Emy… kayo ni Nathan… pinagsamantalahan ka ba niya?”

            “What! Emy is accusing me of raping her!” babulas na sinabi ni Nathan sa kanyang mga magulang nang sinugod siya ng mga ito sa kanyang condo makatapos malamang nagdadalang tao si Emy.

            “Nathan, alam naming lasing ka ng gabing iyon, wala ka sa sarili mo. Hindi mo alam ang ginagawa mo…” sabi ni Zeny sa kanya na di pa rin mapigilan ang pag-iyak pagkatapos ng kanyang nalaman.

            “Okey, inaamin ko, lasing ako non. Pero ma, pa, hindi ko siya ni-rape!”

            “Pero how come na buntis si Emy!” matigas na sinabi ng senador sa kanya.

            “Because simply may nangyari sa amin! That’s it! Pero hindi ko siya ni-rape. Ma, pa, alam ni Emy na pareho naman ginusto ang mga nangyari. Siya pa nga itong… ha, basta di ko siya ni-rape!”

            Tumayo ang kanyang ama, “Okey, you forced her or not, the thing is you got her pregnant!”

            “Pa, wala naman akong balak takasan si Emy eh. Siya na rin di ba ang nagsabi sa inyo, sinamahan ko siya sa OB. I bought her medicines, I paid for the tests and check ups, eh kaya nga naubos ang allowance ko, ginamit ko ron sa pagkokonsulta niya sa doctor.”

            “Nathan, hindi mo ba naisip kung anong sasabihin ng mga tao once na malaman nilang nabuntis mo ang anak ng kasambahay natin?” sabi ng kanyang ama sa kanya, “Sisihin ka nila, kukutyain, iisipin nilang mapagsamantala kang tao at baka nga pumasok pa sa isipan nila na talagang ni rape mo nga si Emy!”

            Tinakpan ni Nathan ang magkabila niyang tainga, “I don’t wanna hear that again! Hindi ko siya ni-rape!”

            “Anak, ang balak namin ng ama mo ay ipakasal kayo ni Emy sa lalong madaling panahon.”

NINE MONTHSWhere stories live. Discover now