NINE MONTHS AND BEYOND SPECIAL PART 1

16.2K 186 20
                                    

NATHAN....

"Sir Nathan, ginabi na po kayo ng uwi ah." Ang sabi ng kasambahay naming na nagbukas ng gate para sa akin.

Ngumiti ako sa kanya kahit pagod na pagod ako galing kongreso, "Alam niyo naman sa kongreso ang daming kailangang asikasuhin at pag-aralan. Ang ma'm mo?"

"Nasa kuwarto niyo nap o. Nagtuloy po siya sa kuwarto niyo pagkagaling sa restaurant upang asikasuhin naman ang anak niyo."

Napabuntong hininga ako. Si Emy.. I know how she try hard for this... mahirap pagsabayin ang career at maging isang ina pero kinakaya niya.

Pumanik ako ng hagdan at saka nagtungo sa kuwarto.

They were there... pareho silang nakahiga sa kama... my wife Emy and our angel... Angelo Gabriel.

Umupo ako kama naming ang pinagmasdan ang mag-ina kong tulog na tulog.

They are so beautiful...

Sila na ang pinakamagagandang nilalang sa tanang buhay ko.

And its undeniable that they are both lovely.

Hinalikan ko sa noo ang aking anak at sumunod don ay ang aking magandang kabiyak.

"Nathan..." nagising si Emy sa malambing dampi ng aking labi sa kanyang noo, "Andiyan ka nap ala. Pinapatulog ko kasi ang anak natin pati ako napasabay sa kanya sa pagtulog."

"That's okey." Ang sabi k okay Emy sabay haplos sa kanyang buhok, "Magpahinga ka na lang, alam ko pagod ka rin sa trabaho."

Umupo si Emy sa kama, "Hindi okey lang. Kumain ka nab a?"

"Nagpadeliver kami ng pagkain sa office."

Tumayo siya sa kama at saka kinuha ang pares ng pantulog ko at inabot yun sa akin.

Inalis ko ang suot kong polo at undershirt at saka sinuot ang pantulog na inabot niya sa akin.

"Teka ililipat ko lang si Baby sa crib." Saka niya binuhat ang anak naming at inilagay sa crib.

Pinagmasdan ko siya habang nilalapag ang bata sa crib nito.

I really have an awesome wife. Kahit medyo abala siya sa kanyang karera ay pinipilit pa rin niya asikasuhin kaming mag-ama niya. Im so lucky to have her... thank God I have her.

She looks at me and smile.

She's so pretty with that look.

"Ang cute ng anak natin noh, para siyang anghel, may hawig din siya kay Angelo noh." Ang sabi niya sa akin.

"Magaganda kasi ang mga mata nila, katulad ng sa nanay nila." ang sagot ko sa kanya.

"Pero kahawig mo sila... pare-parehas kayong guwapo. Ang swerte ko naman napapalibutan ako ng mga pogi." Lumapit siya sa akin at tumayo sa harapan ko.

Napaatras ako sa kinauupuan ko nang lumuhod siya sa kama at nakaharap pa rin sa akin.

She bowed and stare at me.

"Bakit?"

Hinawakan niya ng kanyang dalawang kamay ang magkabilang pisngi ko, "Ang guwapo mo kasi eh."

"Matagal na..."

"Pero ang sarap pa rin sabihin na napakaguwapo ng lalaking napang-asawa ko."

Hinawakan ko ang bewang niya habang nakahawak pa rin siya sa magkabilang pisngi ko.

Yumuko pa siya upang abutin ang mukha ko at hagkan ang labi ko.

I kissed her back while holding her tightly in her waist.

Maslalo pang lumalim ang mga halik niya sa akin hanggang sa mapatumba ako at mapahiga sa kama namin.

Natawa siya nang bigla akong napahiga sa kama, "Carried away?"

Ngumiti ako sa kanya, "Ikaw naman kasi eh."

Humiga rin siya kama at saka tumabi sa akin.

"Nathan, kinakabahan pa rin ako."

Tumingin ako sa kanya, "Saan naman?"

"Sa pagiging ina. Gusto kong maging mabuting asawa't ina sa inyo ng Angelo Gabriel." Ang sabi niya sa akin.

"You are such a good wife Emy, and I know you will be going to be the best mom to our son." Ang sabi ko sa kanya.

"Tulungan mo ako Nathan, dahil sobrang gusto ko talaga maging mabuting ina at asawa sa inyo." At saka niya ako binigyan ng mahigpit na yakap.

Hinaplos ko ang kanyang ulunan na nakasandig sa dibdib ko, "You will be Emy... you will be."

NINE MONTHSWhere stories live. Discover now