Princess Rhian's POV
Pumunta kame ni Ashley sa library upang gumawa ng assignment. Nakita ko na abala siya sa paggawa nito. Paano ko sasabihin sa kanya? Alam ko namang papayag siya dahil para din sa ikabubuti ng moonlight dagger. Pero paano kung sa pagtakas ko sa moonlight dagger ay mapahamak siya o kaya mapatay. Ayoko namang ilagay sa alanganin ang buhay ng bestfriend ko.
"Rhian!" Pagtawag niya sa'kin.
"O-o?" Tugon ko.
"Kanina pa kita tinatawag, nakatulala ka diyan" Sabi niya. "May bumabagabag ba sayo?" Tanong niya.
"Ah k-kase... ano eh..." Hindi ko matuloy-tuloy ang gusto kong sabihin. Hindi ko kase alam kung paano ko sisimulan. Hinawakan niya ang aking kamay at ngumiti siya sa'kin.
"Rhian, tell me. Don't be afraid, ok?" Pagpapalakas niya ng loob ko. Pumikit ako at huminga ng malalim. Dumilat ako, senyales na handa ko na sabihin sa kanya ang tungkol sa ritwal.
"A-Ashley... Na-tatandaan mo ba yung tungkol sa... moonlight dagger?"
"Yes, why?"
"Ah kase... nalalapit na ang paghirang sa'kin bilang reyna at ang moonlight dagger ang ginagamit sa Blood Mooonlight Ritual" Unang pagkukwento ko. "At sa araw na iyon ko isasagawa ang pagtakas sa moonlight dagger" Dagdag ko. "Ang totoo... pinapunta nila ako dito sa mundo ng mga tao para... maghanap ng iaalay para sa ritwal" Tila nagulat siya sa naging pag-amin ko. "P-pero hindi yun ang ginawa ko. Oo naghanap ako pero hindi para ialay sa ritwal kundi para tulungan ako sa plano kong pagtakas" Paglilinaw ko.
"At ako ba yung tinutukoy mo na makakatulong sayo?" Tanong niya. Bumuga ako ng hangin at iniwasan ko siya ng tingin.
"Oo, sana." Bulong ko.
"Sige, pumapayag ako bilang pain" Nagulat ako sa agad niyang pagpayag. Tumingin ako sa kanya nang may pag-aalala.
"Pero Ashley, buhay mo na ang nakataya dito..."
"I. Don't. Care. Ok? Rhian, I trust you. At kung mapapasayo ang moonlight dagger ay mapapanatag na ang loob na'ming mga elementals" Sabi niya. Nginitian ko siya sabay yakap sa kanya.
"Salamat" Bulong ko.
"Well, kailan na ba yun?"
"Mamayang gabi" Nagulat siya kaya bigla niyang inalis ang pagkakayap niya sa'kin.
"M-mamayang gabi agad?" Gulat na tanong niya sabay lunok.
"Mamayang gabi tayo pupunta don pero bukas pa naman ng gabi iyon gaganapin" Sagot ko.
"Ah o-ok" Pagsang-ayon niya.
*--*
Pagsapit ng gabi, hinintay ko muna na makatulog ang lahat na nandito sa mansion. Pumasok ako sa kwarto ni mommy. Nag-iwan ako ng sulat sa ibabaw ng drawer. Babalik ako agad, pangako. Inayos ko ang kumot niya at hinalikan ko siya sa pisngi. Pumatak ang luha ko pero agad ko iyong pinunasan. Umalis na ako ng mansion at agad akong nagtungo sa tagpuan na'min ni Ashley.
"Rhian, bakit ang tagal tagal mo?" Naiinis na tanong niya. Napatingin siya kay Uvie at muli akong tinignan. "O bat dala mo yang alaga mo?" Nagtatakang tanong niya.
"Saka ko na ipapaliwanag" Sagot ko. Binitawan ko si Uvie at pinauna ko na siya sa Vampire Clan. Nagulat siya nang maging kabayo si Uvie.
"Wow!" Namamangha niyang sambit. "O tara na" Yaya niya sabay talikod.
"Saglit" Tumigil siya sabay harap sa'kin. "Bago tayo pumasok, may kailangan muna akong gawin" Napakunot ang kanyang noo sa aking sinabi. Lumapit ako sa kanya at tago kong inalis sa suksukan yun dagger sabay hiwa ko sa kanya sa magkabila niyang braso.
"Ouch! Rhian, b-bakit mo yun ginawa?" Tanong niya habang namimilipit siya sa sakit ng paghiwa ko sa kanya. Hindi naman iyon masyadong malalim.
"Paumanhin, Princess Ashley" Sabi ko sabay palm strike ko sa kanya sa mukha. Sinapo ko siya pagkabagsak niya.
KAMU SEDANG MEMBACA
Dagger
Aksi"An ancient mystical Dagger is so powerful, that it can kill & destroy any living evil creature in the world."
