CHAPTER 1:

5 0 0
                                    

CHAPTER 1

I'm waiting for my target today.Naka-pwesto ako dito sa taas ng building kung saan kitang-kita lahat ng papalabas sa isang building na kung saan nandoon ang target ko.

Isang mayamang negosyante na gahaman sa kapangyarihan ang matandang iyon.Inayos ko na ang sniper na dala ko nang makita kong palabas na ang mga gwardiya niya.

Dahan dahan kong inasinta ang matandang target ko at isinakto ito sa puso niya.One,two,three.....Shoot!

Biglang naging alisto ang mga gwardiyang nakapalibot sa kaniya ng natumba siya.Kinuha ko na ang sniper na dala ko at agad-agad na bumaba.

Agad kong pinaandar ang dala kong lamborghini at pinaharurot ito ng napakanilis.Mission accomplished!

--

"Good job,Serena!"puri sa akin ni lolo ang Mafia Boss.

"Wala talagang tatalo sa number 1 Mafia Reaper natin!"sabat naman ni Gio.Sinamaan ko siya ng tingin.

"Woah!Peace tayo Sere hehe"nagpapacute na sabi niya.Yumuko ako bilang pag galang kay lolo at tsaka tumalikod na.

"Serena,sandali lang may bago kang target"

Agad akong humarap sa kanila.Nakakapagtaka, dapat sa isang araw ay isa lang ang target ko pero bakit dalawa?

"Who?"tanong ko.

"A kidnapper"sagot ni lolo.

Napatawa na lang ako!For f*ck's sake isang kidnapper!

"He kidnapped the heiress of Ambassador Fontallia"

"Oh!Kinakalawang na ba ang mga Reapers ni Fontallia?"nakangising sabi ko sa kanila.

"Serena!Hindi lang basta basta ang kidnapper na iyon!He's a former Mafia Boss!"

'Uhuh!Like I care' gusto ko sanang isagot sa kaniya imbes ay ngumisi na lang ako.Ibinigay ni lolo ang location ng kidnapper.

Minsan lang ako purihin ni lolo dahil ang tingin niya sa akin ay isang gamit.Papunta na ako sa isang bakanteng lote andoon ang kidnapper at ang heiress Humihingi siya ng ransom na 1 billion kapalit ng heiress.

Third Person's POV

Nakarating si Serena sa bakanteng lote na kung saan naroon ang kidnapper.Napapaisip sya kung tanga ba ang kidnapper dahil ni isa ay wala siyang makitang tauhan nito.'Ganoon ba siya ka-confident sa kakayahan nya?' tanong nya sa sarili.Naglakad siya ng tahimik papunta sa lote.

"Magkano ang ransom na hinihingi mo sa magulang ng batang ito?"tanong ni Serena.

Tiningnan nya ang babae na sa tingin nya ay nasa labing-walo o labing-siam na.Maputla ito at halatang nanghihina na.

"1 billion at sino ka?Ipinadala ka ba ng mga magulang nya?Ang sabi ko ay sila ang magdala dito ng pera!"

"Ituring mo na lang akong kamatayan!"ngising sambit ni Serena.

Agad na inilabas ni Serena ang dala nyang SMGS-15, isang uri ng baril at agad na pinaputukan sa paa ang kidnapper.

"Hahahaha ang pinakamataas na Mafia Reaper?"parang baliw na sabi ng kidnapper.

"Sariling dugo ang papatay sa sariling dugo hahahahaha!"dagdag pa niya.

"Wag kang mag-alala hindi mo ako kadugo kaya tutuluyan na kita."

Agad na pinaputukan ni Serena ang lalake sa ulo at kinalagan ang babae.

"Ihahatid na kita sa bahay niyo"alok ni Serena sa babae.

Nanginginig naman na tumungo ang babae.Alam ni Serena na natatakot ang bata dahil sa nasaksihan nito.Wala syang magagawa dahil isa siyang mafia reaper at ganun ang trabaho nya.

"Anong panglan mo?"tanong ni Serena.

"I'm A-Ace"nanginginig na sabi ng dalagita.

"Paano ka napunta sa baliw na iyon?At paano ka niya na-kidnapped?"

"He k-kidnapped me when I'm in a p-party.I-It's Yohan's birthday"

"For f*ck sake!?Wala ka man lang kasama ang yaman yaman ng pamilya niyo tapos wala kang kasamang bodyguard?" Hindi mapigilang sigaw ni Serena sa babae.

"Inaya ako ng k-kaibigan ko dahil sabi niya s-samahan ko daw siya sa m-mall dahil may b-bilhin s-siya then pumunta s-siya sa party ni Yohan."

"Nevermind,sumakay ka na at ihahatid kita"

Alas 10 na nang gabi at nasa biyahe pa rin sila dahil malayo ang tahanan ng babae.

"How old are you?"tanong ni Serena dahil kanina pa tahimik ang babae.

"I-I'm 17"

"Wag ka nang sasama sa kaibigan mong nag-aya sayo papun----------"

*Booooogggggssssshhhhh

Agad na nagpagewang-gewang ang sinasakyan nilang kotse dahil may bumangga sa kanilang kotse.

Tumama ang ulo ni Serena sa bintana ng kotse pati na rin si Ace na ngayon ay wala nang malay.

Nanlalabo man ang mata ni Serena ay kitang-kita niya na may lumapit sa kanilang lalake at hindi nakaligtas sa paningin niya ang dala nitong baril.

Unti-unting tumulo ang mga luha ni Serena hindi dahil sa mamatay na siya.Dahil ito sa may hawak ng baril.

Narinig niya nang kinalabit nito ang gatilyo at agad namang nilamon ng kadiliman si Serena.

To be continued...

EXCHANGE SOULSWhere stories live. Discover now