Scene 4

21 5 1
                                    

Anzel's POV

Napamulat ang aking mga mata ng may maramdaman akong pumipindot sa mukha ko.

Hinawi ko lang ang kamay na iyon at sinubukang matulog muli pero nagpatuloy ang pagpindot saaking pisnge.

What the? Naiirita na ko ah.

Ginalaw ko ang aking katawan patagilid upang di na nya magalaw ang mukha ko.

Tsk.

Sa aking paggalaw naramdaman ko ang malambot na kama na aking hinihigaan, napakabango pa neto.

GRABE ANG BANGO TEK--

Bumangon agad ako at hinanap ang gubat na pinagtulugan ko nung nakipaglaro ako sa mga hayop sa gubat pero wala ako makita kundi isang gwapong lalaki lang na nakatab--

Bumalik ang paningin ko sa lalaking katabi ko ngayon at ng mapunta na ang utak ko sa tamang kalagayan ay napasigaw ako.

"AAAAAAAA--" tinakpan agad ni Harwin ang bibig ko ng magsimula akong sumigaw.

"Dont shout, dito na nga kita pinatulog eh didisturbohin mo pa mga magulang ko sa baba" tumango agad ako kaya inalis na nya ang kamay nya sa bibig ko.

"Asan ako? " tanong ko habang isa isa kong hawak ang parte ng mga katawan ko kung andun paba sila.

"Nasa palasyo ni Ama, soon to be ours" Sagot ni Harwin na agad kong kinagulat.

"Pa-paano? " pinitik ni Harwin ang noo ko tsaka sya tumawa.

Hinawakan ko naman ang parte kung saan nya yun pinitik. Grabe sakit nun ah.

"Ano nalang magyayari sayo kung Hindi pa ako ang nakakita sayo sa gubat? You're only mine " biglang seryoso nyang tanong kaya agad ako napayuko.

"What were you thinking? Bakit sa gubat ka natulog? " parang di sya makapaniwalang tanong. "Pwede naman sa tabi ko" habol niya.

"Nakipaglaro kasi ako sa mga hayop sa gubat dahil siguro sa pagkaantok nakatulog ako sa gubat" Nakayuko ako kaya di ko makita ang reaksyon nya.

"I should have take you back to the palace. Ako naman ang may kasalanan kung bakit ka napuyat ng ganon." hinawakan nya ang baba ko at inangat nya ng unti upang magkatitigan ang aming mga mata at dito muli kong nasilayan ang malabuwan nyang mata na sobra sa pagkinang sa kalangitan.

"If I didnt follow you to your palace, di ka siguro mapupuyat ng ganito, Im sorry, my lady" malungkot nyang paghingi nang tawad kaya agad kong hinawakan ang kamay nya at ngumiti.

"Aminin na nating ikaw nga dahilan bat ako napuyat pero hindi ko pinagsisihang makausap ka nang gabing yun nalibang mo ako kaya di kita sinisisi Harwin" agad syang ngumiti sa narinig nya mula saakin.

"Lets stay like this, hold my hand forever" sabi niya.

"Gusto mo pumunta sa hardin namin para makabawi ako saiyo" pagiba nya ng paksa. Agad naman ako tumango dahil hilig ko talaga ang pagpitas ng mga bulaklak.

Tumayo sya sa tabi ko at inayos ang kanyang suot nagulat ako ng bigla nyang hinawakan ulit ang kamay ko at tuwang tuwa syang hinila ito pababa sa kanilang hardin.

Nang makarating kami sa hardin namangha ang sa mga bulaklak na nakita ko ibat-ibang kulay ang mga ito!

"Ang ganda ng mga ito Harwin! " Pagkamangha ko sa kanilang hardin

"Talaga?" tanong niya sabay tingin sakin. "Para sakin, ikaw ang pinaka maganda" di ako nakasagot kaya muli nalang siyang nagsalita.

"Mahilig din kasi ang aking Ina sa mga bulaklak katulad mo, Anzel. So my Father decided to put a garden near our palace" nainggit ako sa kinwento ni Harwin.

"Napakaswerte ng Ina mo kay Haring Erwin! " tuwang tuwa kong saad habang unti unting nilalapitan ang mga bulaklak.

Humagikgik siya."Binibini, wag mo na siyang tawaging Haring Erwin. Call him Father, doon din naman mapupunta"

Di ko siya sinagot bahala siya dyan. Dami niyang alam.

"Di ka sasagot?" parang naiirita niyang tanong. "Anzel?" galit na ata toh. "Its okay if you dont answer me, basta pag sasagutin mo na ko, I want to hear a Yes"

"Marami pang lugar dito sa palasyo na ipinagawa o ipinatayo ni Ama para saaking Ina"pagsasalita niya dahil di na talaga ako sasagot. Nilingon ko sya para kompirmahin kung totoo ang pinagsasabi nya.

"Seryoso ka, Ginoo? "Di ko makapaniwalang tanong.

"Yes, Im serious about you" walang bahid ng hesitasyon sa pagsasalita niya.

"Di na ko nakikipagbiruan, Harwin" seryoso kong sabi at tila kinabahan naman siya. Takot naman pala eh.

"Ganun kamahal ng aking Ama ang akin Ina" patango tango pa nyang kwento kaya ramdam ko ang paghanga nya sakanyang Ama.

Sa sobrang pagkamangha ko di ko na namalayan na hanggang ngayon pala ay magkahawak paren ang aming mga kamay.

"Kelan mo ba balak isauli ang aking kamay, Ginoo?" matawa tawa kong tanong sakanya para lang malaman nya na hawak parin nya ang kamay ko. Tinignan nya ang magkahawak naming kamay.

Akala ko ay bibitawan na nya ito dahil sa kahihiyan pero mas lalo lang nya hinigpitan ang pagkakakapit dito.

"Hmm? This hand is my property. Hahawakan ko toh kung kelan ko gusto. And I would let this hand property of mine, kapag kiniss ako ng may ari, dito ohh" Naramdaman kong namula ang aking mga pisnge kaya agad akong yumuko. Narinig ko muli ang nakamamatay nyang tawa kaya sinamaan ko sya ng tingin.

Di sya nagpatalo at talagang tinuro pa nya ang kanyang pisnge para sabihin na duon ko sya halikan. Napangiti ako saaking kalooblooban dahil sa kung gaano sya naging mas gwapo sa ginagawa nyang panlalandi saakin.

Inilapit ko ang aking mukha sakanya na agad nyang kinagulat.

"An-anzel? I was just kidding" kinakabahan nyang saad kaya mas lalong lumaki ang aking ngiti. Pero di ako nagpatinag unti unti ko pang nilapit ang mukha ko na parang maling galaw naming dalawa ay magkakahalikan na talaga kami.

"Anz-Anzel joke lang naman yun eh. Were too young and I respect you. Promise after natin ikasal kahit makailan pa tayo dun" Di ko na napigilan at tumawa na ako ng sobrang lakas.

"Anong pinagsasabi mo Harwin" Sabay tawa ng malakas, hindi na maintindihan ang reaksyon sa kanyang mukha dahil siguro di nya pa naintindihan ang nangyayariz

Habang nakatulala si Harwin ay agad kong pinaikot ang kamay nya ay sinuntok ito pataas upang makawala na ang aking kamay.

"Aray aah! Niloloko mo na nga ako bigla kapang manggaganyan" sabi nya habang masama ang tingin saakin.

"Paglalandi ka kasi dapat panindigan mo hanggang sa dulo " sabi ko habang pinipisil ang ilong nya.

"You've hurt me too much! Pero ok a ung pisikal, wag mo sasaktan puso ko ah. Pagginantihan kita diyan matatahimik ka! "Pangigigil nyang saad.

"Ano naman gagawin mo?" pangaasar ko sakanya kaya ng bigla syang gumalaw para bawian ako agad ako nagtatakbo.

Nilabas ko ang dila ko na parang isang bata at inasar sya
"KUNG MAHAHABOL MO AKO" pangaasar ko kaya agad syang tumakbo papunta saakin.

"PAGNAABUTAN KITA PRINSESA LAGOT KA SAKIN"sigaw nya habang hinahabol ako kaya parehas kaming nagtawanan dahil sa kung gaano kami nagmukhang mga bata ngayon.

Kaya nauwi kami sa habulan sa kanilang hardin hindi na namin inisip ang mangyayari sa susunod o kung may mangyari mang masama saamin hindi na din namin inisip ang oras na magkasama kami basta ang alam namin masaya kami sa isat-isa.

Once (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon