Chapter 5

623 32 10
                                    

"T-ulong parang awa niyo na tulungan niyo ako!" Nanghihinang sigaw ni Cupid habang tumatakbo sa kagubatan hindi niya na iniinda ang mga sugat sa paa ko at punit punit kong damit

"Wala ka nang tatakbuhan pa Cupid mamamatay kana! Pero bago mangyari yun ipapalasap ko muna sayo ang ligaya." Ang sigaw ng humahabol sakanya ay nasundan pa ng nakakanindig balahibong halakhak.

Binilisan niya pa lalo ang pagtakbo ayaw niyang maabutan siya nito, Pipi siyang humiling sa diyos na sana may tumulong sakanya.

May nakita siyang malaking puno pumunta siya sa likod nito at duon nagtago narinig niyang nasa harapan lang ito ng puno dahil sa pagsasalita nito.

"Cupid ang galing mo din magtago nagiwan ka pa ng bakas gusto mo talagang mahuli."

Hindi parin siya makapaniwala na nangyayari sakanya ang mga bagay na ito nang dahil lamang sa kahon na hawak niya ngayon.

Halos makalimutan na kasi niya ang iniutos nang Inang niya kaninang umaga buti nalang at naalala niya pa ito bago magdilim.

Maayos naman niyang nakuha ang kahon pauwi ng bahay pero nagtataka siya nang mpansing wala nang tao pero anong oras palang at palubog palang ang araw. Pero nang pabalik na siya saka siya nakaramdam na may kakaiba at parang may dalawang pares ng mata na nakatingin sakanya.

Nang simulan niyang tumakbo dahil sa takot nararamdaman saka lumabas ang lalaking nakakatakot na nakaitim at may pulang mata.

Pero ang nakapagtataka ay kilala siya nito Bahagya siyang nakahinga nang maluwag ng marinig ang yabag nito papaalis.

"Bulaga!" Bungad nito sakanya na ikinagulat niya tatakbo sana siya ulit pero nahablot na nito ang buhok niya pilit siyang kumakawala pero hindi niya ito kaya hinila siya nito papunta sa harap ng puno at biglang hinagis.

Sa sobrang sakit ng pagtama ng likod niya sa puno ay halos mamilipit siya pero hindi niya ito ininda, Sinubukan niya pa ring makatakas pero sinuntok siya nito sa sikmura na halos ikawala niya ng hininga.

"H-uwag, Maawa ka." nanghihinang sabi niya pero hindi siya nito pinakinggan.

Pilit nitong inaalis ang mga damit niya pero sinusubukan niya paring lumaban upang makawala.

Diyos ko tulungan niyo po ako.

Dasal niya sa isip niya habang nanghihinang pinipigilan niya ang lalaki sa ginagawa sakanya.

"Tangina hindi ko alam na may tinatago ka palang ganitong katawan kung alam ko lang nuon ko pa dapat gina--"

Hindi na nito natuloy ang sasabihin nito ng bigla nalang itong tumilapon sa kung saan.

Sa pagmulat ng mata niya bahagya niyang naaninag ang likod ng isang babae.

"And I won't fucking let that happen."

Huling rinig niyang sabi ng babae bago siya tuluyang lamunin ng kadiliman.

_______________

Nagising si Cupid na magaan ang pakiramdam dahil sa mabangong bagay na yakap niya napakalambot at napakabango ng bagay na yakap niya ngayon.

Kaya naman mas hinigpitan niya pa ang yakap dito at ikinawit niya ang dalawang binti niya dito at mas lalo pa siyang sumiksik sa maiinit na bagay na yakap niya, Pero dahil sa ginawa niya bahagya din na naibangga ang mukha niya sa isang malaki at malambot na bagay.

Dahil sa isa siyang babaeng mausisa inalis niya ang isang kamay na nakayakap sa bagay na nasa harap niya at kinapa ang malambot na bagay na nasa harap niya, Hindi pa siya nakontento at inikot ang palad niya dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Human Mate GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon