5: Talk

124 7 0
                                    

TALK

Nayeon's POV

"Nayeon-ah!" Napalingon ako. Kim Seokjin, the guy that my parents wants me to marry. Tumatakbo siya papunta sakin at nung nakalapit na siya ay hingal na hingal siya.

"Yes?" Sagot ko sakanya. Kawawa naman isang toh, halatang di nag eexercise, konti lang naman tinakbo niya ah?

"Can we talk?" Tanong niya sakin.

"Hala, nag uusap na nga tayo eh." Bigla naman sumama yung mukha niya, napakamot lang ako sa batok ko.

"Sorry, hehehe. Bakit po pala?" Tanong ko naman.

"Po? Grabe naman, mukha ba akong matanda na sobra at nag po po ka sakin?" Nakangiti niyang sambit. Hala, kanina lang nakasimangot ngayon ngi ngiti? Ano siya, baliw? Pero infairness, gwapo siyaaa!

"Ayy! Di naman sa ganun! Hehe, sadyang ang alam ko lang yung pangalan mo pero hindi edad mo. Ilang taon ka na ba?" Nakangiti ko ring tanong. Mas lalo naman siyang ngumiti. WAHHH! Ang gwapo niya huhuhuhu, papakasalan ko na toh!

"28 na ako, ikaw?" Wait, edi oppa ko siyaa? WAHHH ay lab it!

"25 lang, kaya tatawagin na kitang oppa hihihi" sabi ko habang nakangiti parin. Nakakangalay na ngumiti HAHAHHAA.

"Ok then, pero balik tayo sa pinunta ko dito. Papayag ka ba sa gusto nila? Sa kasal?" Tanong niya. Nawala naman ang ngiti ko at bigla akong napaseryoso, napatungo rin ako.

"Maybe? Malulugi na daw yung hospital eh, ayoko naman mawala yung hospital namin. Nakasalalay dun pangarap ko. Passion ko pa naman maging doktor. So maybe, oo na lang? I'm not yet sure. Half of me says yes and half of me says no. Pag iisipan ko na lang toh sa bahay." Sabi ko at tumingin ulit sakanya.

"Well, kung ayaw mo di naman namin ipipilit" sabi niya at nagbuntong hininga.

"Wait, pero oppa, di ka manlang tutol sa kasal? I mean, single kang pumunta dito tapos uuwi ka ng engaged na? Tapos di mo pa kilala papakasalan mo? Hindi ba yun labag sa loob mo?" Takhang tanong ko. I mean, first time ko lang makakita in real life na pumapayag magpakasal sa hindi niya kilala.

"Yeah? Nung una hindi, kaso nung naisip ko, why not? Matanda na rin naman ako, wala pa akong nahahanap na pwede kong mahalin, tapos busy naman ako kaya wala rin akong time. Then, pag nagpakasal ako sayo atleast mabibigyan ako ng chance na maranasan ang may asawa, tapos makakatulong pa ako sa inyo. Pag hindi ka naman pumayag, edi baka di ko pa time. Pag pumayag ka edi masaya. Kaya ok lang sakin kung hihindi ka pero mas ok pag o-oo ka." Nakangiti na naman siya. Bwisit na mukha yan, bat ang gwapo? Huhuhuhu ang bait pa. WAHHH! Sana ol ng lalaki!

"Hmm, baka umoo ako jan dahil sa sinabi mo ah? HAHAHAHA" sabi ko at natawa. Napatawa na lang rin siya. Ang babaw naman ng kaligayahan namin HAHAHAHA, pero ang gwapo niya rin kahit tumatawa, how to be u po?

"Then, let's give it a shot. Let's date, somewhere. Maaga pa naman so pwede pa tayo pumunta kahit saan. Game ka?" Tanong naman niya. Napaisip naman ako, why not try it? Minsan lang may mag aya sakin na gwapo ng date, so sulitin ko na HAHAHAHA. Well, fiancè ko naman na siya at mukhang magiging masaya toh HAHAHA.

"Sure! Pero pano yung sasakyan? Kaninong kotse gagamitin?" Tanong ko.

"Yung sakin na lang" sagot naman niya.

"Sige, pero tawagin ko lang yung driver namin sa bahay." Sabi ko at kinuha ang cp ko sa sling bag ko at may tinawagan.

Pansin ko naman na kinuha niya na yung susi niya at naglakad papunta saan. Sa kotse pala niya. Pumasok siya at pinaandar yun hanggang sa tapat ko, pagtapos naman nun ay bumaba ulit siya at sumandal sa pintuan, kaya naman nakaharap siya sakin ngayon. Shet! Ang hot niyaaa!

Matapos kong makausap ang driver nila mom na ihatid na lang yung kotse ko sa bahay ay bumaling na ako sakanya.

"Let's go?" Tanong ko sakanya at ngumiti. Sinuklian niya rin ako ng ngit at pinagbuksan ako ng pintuan. Pagtapos kong makapasok ay isinara na niya ang pintuan tapos umikot siya papunta naman sa side ng driver seat at pumasok na siya. Ang gentleman din! Edi siya na perfect!

TBC....

Living Under the Same RoofWhere stories live. Discover now