12: Calling Them

123 5 2
                                    

CALLING THEM

Sana's POV

"Girls! Hain na kayo! Kakain na tayo, luto na yung ulam!" Sigaw ko galing sa kusina. Nasa sala pa kasi sila busy sa kani kanilang gadgets.

"Luto na Unnie? Wahh! Ang bangooo!" Sabi ni Dahyun na napagpangiti sakin. Humarap ako sakanya at tinodo pa ang ngiti na parang nagmamayabang.

"Ako pa ba? HAHAHA" Sabi ko habang nakapose at tumatawa. Napailing na lang si Dahyun sakin at pumasok na yung mga girls dito sa kusina. Kumuha na sila ng mga plato at iba pang utensils.

"Pababain ko na sila." Paalam ko sa kanila at nilisan ang kusina para umakyat.

Unang kinatok ko ang room ni Namjoon Oppa. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto. Halata naman na bagong gising siya noh? Gulo gulo pa kasi yung buhok tapos yung mata niya kinakamot pa niya.

"Hehehe, sorry sa istorbo, oppa. Kakain na kasi, baba ka nalang dun sa dining are pag ok ka na." Sabi ko at nag thumbs up lang siya sakin. Napipe na yata siya. Umalis na ako sa harap niya at pumunta sa  tabi ng kwarto niya, narinig ko ang pag sara ng pintuan niya.

Humarap naman ako dito sa kwarto na katabi nung kay Oppa. Kay Hoseok Oppa namab ito. Kumatok pa lang ako ng dalawang beses at pinagbuksan agad ako.

"Kakain na, Oppa. Punta ka na lang dun sa dining Area." Sabi ko at ngumiti, ngumiti rin naman siya sakin.

"Sige, thank you." Sabi niya at lumabas na sa kwarto niya at bumaba na.

Pumunta naman ako sakatabi niyang kwarto which is kwarto ni Jimin Oppa.

Kakatok pa lang ako ng magbukas na agad yung pinto. Bumungad sakin ang mukha ni Jimin Oppa na nakangiti. Hilig nila ngumiti ah?

"Kakain na diba? Hehe, narinig ko kasi eh. Sige, baba na ako Hahaha" sabi niya at ginulo pa buhok ko at dumiretso pababa. Napailing na lang ako at pumunta sa katabi niyang kwarto.

Kumatok ako ng ilang beses at saka lang bumukas ang pinto. Bumungad sakin ang nakasimangot na Jungkook pero nung siguro ay nakilala niya ako ay biglang lumiwanag ang mukha niya at ngumiti na naman ng labas ang bunny teeth.

Mukhang kagigising lang rin niya. Gulo gulo din ang buhok niya at medyo pikit ang mata niya kanina pero ngayon dilat na talaga siya.

"Sorry sa istorbo kookie, pero kakain na eh, baba ka na lang dun sa dining area" sabi ko at ngumiti sakanya.

"Kookie?" Tanong niya.

"Ah.. gusto mo wag na lang kita tawaging ganu--" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nagsalita na siya.

"No, mas gusto ko nga yun eh, tsaka yun din naman talaga nickname ko. Kaya oks lang yun, noona" sabi niya at ngumiti ulit.

"Hehe sige. Baba ka na ah? Pababain ko pa tong iba eh." Tumango siya at bumaba na ng di manlang nag aayos ng sarili.

Bumukas na rin ang pinto ni Namjoon Oppa at nakasabay niya sa pagbaba si Jungkook.

Pumunta naman ako sa katabi niyang kwarto, kay Taehyung Oppa.

Kumatok ako ng isang beses at binuksan niya iyon at bumngad sakin ang pawis na pawis na Taehyung. Ano ba pinag gagawa niya?

"Luh? Bat ka pawis? Btw, baba ka na pala Oppa, kakain na eh." Sabi ko.

"Ah kase inaayos ko mga gamit ko with matching sayaw HAHAHA sige bababa na ako, palitan ko lang tong damit ko." Tumango na ako sakanya at lumipat sa katabing kwarto.

Kinatok ko toh ng ilang beses pero walang nagbubukas o sumasagot. Hanggang sa naabutan na ako ni Taehyung Oppa dito.

"Baka nandun sa studio si hyung, Sana. Try mo na lang puntahan dun." Sabi niya sakin.

"Ah, sige sige." Sabi ko at ngumiti lang siya at tumango tapos bumaba na siya.

Lumipat naman ako sa kabilang kwarto which is kwarto ni Jin Oppa. Kinatok ko siya ng ilang beses at pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Kain na, Oppa. Punta ka na lang dun sa dining table." Sabi ko.

"Sige, thank you." Sabi niya at umalis na pero ng makadaan siya sakin ay ginulo niya yung buhok ko at diretso na siya pababa. Hilig nila manggulo ng buhok ah, infairness.

Pumunta naman ako dun sa kabilang wing ng 2nd floor at pinagkakatok ko yung apat na room ng studio. Di ko naman kasi alam kung saan yung napili ni Yoongi Oppa na studio kaya yubg apat na yun ay kinatok ko.

Bumukas naman yung dulong studio at niluwa nito si Yoongi Oppa na nakasalamin.

"Kakain na, Oppa dun sa dining area"  sabi ko at tumango siya  at ngumiti ng slight tapos sabay na kaming bumaba.

TBC...

Vote and comments will be appreciated!

Living Under the Same RoofOù les histoires vivent. Découvrez maintenant