3 - Reality Check

16 2 0
                                    

Hindi ko alam kung tama ba yung narinig ko. Mag PLM na lang ako? Bakit? Hindi ba mas maganda sa UST?

"Huh?"

Hindi ko kasi magets. May issue ba sa UST na hindi ko alam. Bakit ako pinigilan para makapagaral dun?

"Delikado kasi dyan 'nak. Paano kapag natanggalan ka ng scholarship? Hindi natin kaya magbayad ng tuition."

"Matatanggal kaagad? Hindi yan 'pa. Wala ka bang tiwala sakin?"

"Mabuti nang makasiguro 'nak. Sa PLM ka na lang. Dun siguradong wala kang babayaran. Maganda rin naman dun."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi na ako nakapagsalita.

******

Nakaupo lang ako sa bench sa school habang nagiisip-isip.

Siguro nga tama si papa. Delikado nga naman. Kung sakaling mawalan ako bigla ng scholarship, for some reason, kawawa ako. San ako pupulutin? Kahit alam kong kaya ko naman imaintain yung grades ko, nakakatakot pa rin. College na yun. Iba na. Hindi na ako pwedeng pakampante. Isa pa, UST yun, hindi yun basta basta.

Nakakaloko.

Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko para dito, sa wala lang pala mapupunta. Ang taas ng sinet kong hope. Akala ko basta maipasa ko yung entrance exam okay na.

Technically, it is. Kasi yun lang kakailanganin ko para makapagaral sa UST with scholarship.

Kaso, hindi lang pala yun hanggang dun. Kailangan din palang iconsider yung marami pang mga bagay.

Wow. Wow. I can't believe this.

Sayang. Sayang. Akala ko pa naman makakapagaral na ako sa isang magandang university. Nakakainis na nakakalungkot na hindi rin pala yun matutupad.

Pero wala e. Ganun lang talaga. Hindi ko naman pwede ipagpilitan to. May point naman si papa talaga. Siguro tatanggapin ko na lang.

Isa pa, PLM is still one of the best schools in the country. Isa pa, BS Accountancy ako dun. Not bad.

Okay na ako sa PLM. Kung ... papasa.

Naiisip ko palang yan nang lumapit sakin yung isa kong kaklase na si Jess.

"Uy, may result na raw sa PLM. Nakapost na dun. Tignan mo na bukas."

"Ay, weh? Kinabahan tuloy ako. Baka bagsak ako."

"Wow, ikaw pa? Pasado ka na dun."

"Hahaha salamat ah. Bukas puntahan ko. Hahaha. Ikaw? Kamusta?

"Ito, magandang maganda pa rin."

"Wow na lang talaga, Jess."

"Hindi ka ba naniniwala?!"

"Sige, bilang kaibigan man lang. XD"

"Naku, crush mo nga ako e."

"Wow. Wow na lang talaga."

Nagtawanan lang kami bago magbell at magsimula na yung klase namin.

Mabait yan si Jess. Gusto ko yung ugali niyan. At least, sa akin.

Nung kelan lang, may practice kami nun sa PE. Sayaw kasi yun at by partner. 11 kaming lahat so isang walang partner, at sa boys yun.

Nagdecide sila na palabunutan na lang. Yung mga girls magbubunutan kung sino yung makakapartner nila.

2 beses naulit yung palabunutan kasi yung mga nakakabunot sakin nagrerequest ng paulit.

Alam ko na yun. Sanay na ako sa ganun.

Nakaramdam ata si Jess kaya nagsabi sya na kami na lang ang magpartner. Pero unfair daw sa hindi mabubunot. So, ang ending, ako na lang yung nagpaubayang walang partner.

Okay lang naman. Wala naman sakin. Nag thank you na lang ako kay Jess.

Nung presentation nun, nanood yung principal namin kaya kinabahan lahat. Mabuti na lang at nagspecial project ako.

For some reason, maraming nagagalit kay Jess. Ewan. Dahil kaya maganda siya? Mabait naman sya talaga.

One time nga, sa isang project namin, nagmimeeting kami.

Yung grupo namin dun, same sa sayaw. Sa MAPEH lang kasi yun parehas. Isa pa, kabarkada ni Jess yung mga kasama niya. Except saming 4 na extra lang.

Bali gagawa kami ng play. Tapos ngayon, nag aassign na ng roles.

"Ito si Rose na lang. Maganda na, mabait pa."

Nahiya naman si Rose dun sa sinabi ng kagrupo namin pero feeling ko gusto naman niya talaga.

"Ano ka ba? Di ko deserve, si Jess na lang."

Sumagot si Jess. "Sure? Okay lang naman sakin."

Sumagot yung isa naming kagrupo na kasama ko dun sa "4 na extra".

"Oo si Jess na lang. Mas bagay pa. Panlaban talaga."

Natawa na lang si Jess. "Ano kailangan mo?"

"Hahaha, kahit coke lang oh."

"Sabi ko na e. Hahaha sige bibili ako"

Sinamahan naman siya nung kagrupo ko na yun at bumili sila.

"Kainis. Siya na naman."

Napalingon ako kay Rose nung nagsalita siya.

"Sakin na nga e, inagaw pa.

"Laging ganyan yan. Lumalaki na ulo porke sikat. Akala mo talaga"

"Mas maganda ka pa rin dun, bes!"

Hindi ko magets tong mga to. Diba barkada sila? Bakit biglang ganto? Ano to?

Inopen ko din to kay Jess e. Pero nagulat ako nang sinabi niyang alam na niya. At least, nagkakasundo pa rin daw sila. Ginagawa naman daw niya yung best niya para mas maging close sila. Wag daw akong magalala.

Dun ko biglang hinangaan si Jess. Grabe tatag niya. Mga kaibigan niya tinraydor sya at binaback stab e. Bakit okay pa sya? Bumilib na lang ako sa kung paano niya iview yung mga bagay bagay. I aspire to be that mature.

******

Nasa PLM na ako. Natuwa ako dahil nakita ko yung pangalan ko sa mga nakapasa. Nakapasa ako sa BS Accountancy, sa BS Civil Engineering at sa BS BA major in Financial Management.

Nakakatuwa. Hindi ko ineexpect. Sobrang na overwhelmed ako sa nangyari. Ganito pala kapag hindi ka nagexpect tapos nakuha mo. Ang sarap sa feeling.

Ilang linggo na lang, graduation na. I am ready.

I Am Still HereDonde viven las historias. Descúbrelo ahora