Prologue

16 4 11
                                    

Prologue ..

"Sky, tingnan mo to. Ginuhit ko ang pangalan natin sa puno. Ang ganda noh? " ani ng batang si Alice kay sky

"Oo nga, at dahil nakasulat na ang mga pangalan natin diyan ibig sabihin nun atin na ang puno nato. Pagbalik ko sana nandito pa ang punong ito. " sagot naman ng batang si Sky kay Alice

"Aalis kana na ba talaga Sky? " naiiyak na tanong ni Alice

"Kailangan eh. Please wag kana umiyak, promise talaga magpapadala ako palagi ng sulat sayo" sabi ni Sky

"Promise yan ha, lagot ka talaga sakin kapag di mo tinupad ang pangako mo" pagbabanta ni Alice

"Sige na, aalis na ako paalam" sabi ni Sky tsaka ginawaran ng halik sa noo ang umiiyak na si Alice

Umiiyak siya habang ayaw pakawalan ang kamay ni Sky.

Hanggang sa nahila na ng bata ang kamay at umalis na at naiwan sa puno ang batang si Alice na umiiyak

Unti-unting nalalabo ang paningin niya at napabalikwas sa higaan si Alice

"Arrggghh! Damn that dream! "

Madalas talaga niyang mapanaginipan iyon pero kahit anong pilit niyang pagalala hindi niya talaga matandaan ang mukha ng Sky na lagi niyang napapanaginipan

Ipinagsawalang bahala nalang niya ulit yun gaya ng nakasanayan kasi wala namang saysay kung pilit niya pang alalahanin yun

Naligo nalang siya, nagbihis ng uniporme at inayusan ng buhok niya ng fish tail.

Unang araw niya sa klase bilang 4th year highschool kaya excited na siya pumasok para makasama ang mga kaibigan niya

"Good Morning Everyone!! " bati niya sa pamilya niya

"Naks! Ang ganda ng gising ng anak ko ah! Mukhang excited talagang pumasok oh! " sabi ng tatay niya

Nginitian ko nalang ang Tatay kahit hindi naman talaga maganda gising ko kakaisip na naman sa panaginip nayon. Sus talaga! Mabuti nalang excited akong maksama si Sir Triffon hahaha

"Sus, excited lang yan makasama barakada niya! Eh hindi naman talaga yan nakikinig sa klase eh. " sabi naman ng bunso niyang kapatid na si Mike

"Heh! Pake mo bah! Maski sayo na lagi libro ang kasama! " sagot naman niya sa kapatid

"At least ako nagaaral ng mabuti eh ikaw lag-"

"Hep hep hep tama nayan, ang aga aga nagbabangayan na naman kayong magkapatid. Mabuti pat kumain na kayo para maaga kayong makaalis patungo sa school." putol ng nanay nila sa kanila

Pinukol ng masamang tingin ni Alice at Mike ang isat-isa bago magsimulang kumain

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na sila sa mga magulang nila bago umalis ng bahay

Mayroong bike si Mike at Alice pero dahil nakapalda si Alice ay sumakay nalang siya kay mike

Pagdating nila sa school ay hindi mawala wala ang mga ngiti sa labi niya dahil magsisimula na naman ang saya sa araw araw niya.

Dapat maging maganda ang talaga ang araw nato.

Wooooh.. Grade 10, Class C here I come..........

*********************

Hey guys! Ano, ayos ba?

Warning! Rated SPG:
Super Pinaghirapang Gawin!!

Ang storya na ito ay hindi puro tungkol sa pagibig. More sa mga Adventures ng mga magbabarkada pero syempre naman may kaakibat na kilig kilig din noh! Walang trill or it will be a big BORING!

#Skl - Kaya ko sinulat ang story nato kasi inspired ako sa Chinese Movie na The Big Boss. At dahil nga inspired by that movie ang story nato ay sila ang magiging cast pero hindi naman lahat. Yun lang naman.

K, bye 👋


Until we meet againWhere stories live. Discover now