Chapter 1:

15 1 7
                                    

Hey! this is dedicated to my beutiful friend @HipsterHoney who is celebrating her birthday. Happy Birthday Zeth!!!

Alice's POV

Waaaaah excited na talaga ako.

Pumunta agad me sa new classroom namin dahil atat na me, na masee ang my friends.

Gets? Hihihi wag niyo nalang intindihin me.

Pagpasok ko sa room ay tiningnan ko ang paligid, kaunti pa naman kami kaya makakahanap pa ako ng magandang seat para sakin.

May nakita na akong upuan na hindi masyadong malapit sa harap at hindi rin masyadong malayo. Hindi rin masyadong malapit sa bintana para hindi masinagan ng init at mas lalong hindi masyadong malayo para makalanghap parin ng sariwang hangin.

Best seat for me.

Uupo na sana ako nang may isang lalaking umupo duon sa upuang yun.

Uy uy uy, ako nakauna dyan eh! Perfect seat yan para sakin!

"Kuya, pwedeng umalis ka diyan?! Ako ang unang nakakita diyan eh." sabi ko sa kanya at wala akong pake kung magalit siya sakin dahil sa pagsigaw ko sa kanya!

At ang walanghiya, ni hindi man lang ako tinignan! At kumuha pa ng libro at nagsimulang magbasa.

Ayaw mong makinig ah! Sige tingnan natin kung hindi mo pa ako papansin sa gagawin ko!

Kinuha ko ang mga coloring pens ko at nagdrawing ako ng mukha ng baboy sa libro niya.

Wahahhaha, nagdilim ang mukha niya at binalingan ako ng matalim na tingin.

Yan, ang napapala ng mga taong kinakalaban ako!

"Ano bang problema mo?! " galit na tanong niya, pero hininaan niya lang pagkakasabi nun na para bang nagpipigil.

"Problem ko?! Ikaw! Ikaw ang problema ko! Eh ako ang nakauna diyan eh! Magaagaw ka ng upu-" napatigil ako sa pagsasalita dahil sa pagsulpot ng dalawang uggoy na si Jake at Jack

"Bossssss! We miss youuuuu! " sigaw nila habang patakbo sakin at niyakap ako

"Bitaw nga kayo! Kahit kailan panira kayo ng mood! Sira na nga pala mood ko! Dumagdag pa kayo! " sigaw ko sa kanilang dalawa.

"Ay grabe si boss oh, ang aga-aga eh high blood na! " sabi ni Jake

"Eh sinong hindi mahahighblood sa lalakeng to! Na nagagaw ng upuan! " sagot ko  at bumaling sa lalakeng umagaw ng upuan koooo!

At ang mokong, nagbabasa parin ng libro at mukhang wala talaga siyang balak na umalis sa upuang yun.

"Ay, kaya naman pala high blood si boss ng ganito kaaga kasi inagawn siya ng upuan. " sabi naman ni Jack habang nakatingin bagong salta na lalake

"Hoy! Alam mo bah na ayaw ni boss ng inaagawan ng upuan. Bagong salta kalang dito kaya umayos ka! " sabi ni Jake sa lalake na wala paring pake at nagbabasa lang ng libro

"Hoy, Sumagot ka nga! " sigaw ni Jack pero hindi parin talaga kami pinapansin ng lalaki!

Arrrghhh! Sinira niya ang umaga koooo!

Hinampas ko ang lamesa niya dahilan para mapatingin siya sakin.

Huh! Now that I got your attention hindi ko yun sasayangin para mapaalis siya sa upuan ko.

"Ikaw, kalalake mong tao ayaw mong pagbigyan ang isang babaeng tulad ko. At isa pa, sinong studyante sa class c ang nagbabasa ng educational books lalo na nang ganito kaaga! Ha? "

Kumunot lang nuo niya, na para bang nagtataka. Pero napalitan ito ng ibang emosyon!

Nakakatakot! Scary!!! Horror!

Nakasmirk lang naman siya, pero ano kasi eh! Ano... ahmmm.. kasi.. Di talaga bagay sa kanya! Lalo siyang pumanget dahil sa smirk niya!

"Bat ka nakaganyan? Feeling mo siguro bagay sayong nakasmirk ano? Pwes! Para masapal ka sa katotohanan, hindi bagay sayo. Lalo ka lang pumanget diyan! "

Nang dahil dun eh nawalan siya ng emosyon sa mukha, narealize niya siguro na hindi bagay ang nakasmirk. 😂 😂 😂

Hindi na siya nagsalita ulit at bumalik na naman ang atensyon niya sa librong binabasa.

Walanghiya talaga oh! Upakan ko kaya to nang makaalis na siya sa upuan KO!

"Aya-"

"Good Morning Class"

Naputol ako sa pagsasalita nang dumating na ang aming teacher na si Mrs. Eleseo

Napaupo tuloy ako sa katabing upuan ng mangaagaw ng upuan, pati narin ang mga kaklase ko ay dalidaling napaupo.

Pano ba naman kasi, strict masyado si gurang. Palibhasa walang jowa.

At nagsimula na naman siya sa boring niyang klase sa History.

-----------------------------------------

Hey guys! Im so happy that I have updated this story!

So happy 😊

Please wait for another update!!!













You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Until we meet againWhere stories live. Discover now