Pagsilip ng Buwan

127 10 1
                                    


Nagsisimula nang sumilip ang buwan
Kasama ang mga bituin sa kalangitan
Kasabay ang pamilyar na hangin
Na dumidikit sa aking katawan

Aking diwa ay nanatiling mulat
Nais nanamang magpuyat
Hindi alam ang nais gawin
Hindi alam ang nais sabihin

Nanatiling bukas ang aking isipan
Sa mga pangyayari sa kapaligiran
Mga imahe na patuloy akong sinusundan
Hindi ko alam kung kailan ako lulubayan

Sa pagpikit ng aking mata
Isip ko'y pumupunta sa iba
Hindi alam ang gagawin at
Pinipilit kalimutan ang nakaraan

POEM AND POETRYWhere stories live. Discover now