ʜɪɴᴅɪ ɴᴀᴋᴜɴᴛᴇɴᴛᴏ

64 1 0
                                    


Nakakatawang isipin
Na ikaw ay naging bituin sa'kin.
Hirap na 'kong intindihin,
Panlolokong hindi kayang tanggapin.

Bakit?
Bakit pinagpalit?
Sa katulad n'yang nang aakit?
Mukha lang s'yang higad na dikit ng dikit.

Hindi ba sapat?
Pagmamahal kong tapat?
Bakit pinagsabay mo kaming apat?
Dahil ba ako'y hindi karapat-dapat?

Ako ay nasaktan,
Naiwang luhaan. 
Naging sugatan,
Dahil sa pasakit na iniwan.

Ako ay tao din, p'wedeng manakit, mang iwan at manloko,
Pero 'di ko kailan man ginawa kahit kanino. 
Anong kasalanan ko?
Para makaranas ng ganito?

Patayin mo na lang ako,
At manatili sa tabi ko. 
'Yun lang ang hiling ko,
Ang tuparin mo ang 'yong pangako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

POEM AND POETRYWhere stories live. Discover now