chapter 2

2.5K 64 2
                                    

Johara POV

Kaibigan

Pag kaalis ko ay di ko na siya nakitang sumunod kaya naka hinga ako ng maluwag. At least wala ng mang kukulit saken

Lumingon muna ako sa paligid saglit dahil baka nasa paligid lang siya at pinagmamasdan ako. Bahagya akong naalarma, tsk napapraning na ata ako

Nandito ako sa ilalim isang malaking puno ng mangga dito ako lagi pumupunta dahil sariwa ang hangin at may maliit na palayan sa baba kaya kitang kita ko dito ang mga tao sa baba na nagtatanim. Kumakaway sila sakin kaya kimawayan ko din sila pabalik. Sobrang bait ng mga tao dito kaya Marami na rin akong kilala rito

Maya maya ay may naramdaman akong tao palapit sa akin si Carlo, nakatingin lang ako sakanya habang naglalakad sa gawi ko. Bigla atang nag slow mo ang nasa paligid.

Kaklase ko siya dati nung elementary at isa sa mga kaibigan ko dito. Sobrang bait at gwapo din niya na kahit ako ay may paghanga sa kanya.

Hindi ko mawari kong bakit wala pa siyang girlfriend samantalang ang daming nag kakagusto sa kanya maliban sakin

"Johara" naka ngiting si Carlo ang bumungad sakin. Ang pogi niya talaga at kitang kita ang dimples sa pisnge kapag nakangiti

"anong ginagawa mo dito? " Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang lunch box

"nagdala kase ako ng pag kain... Pwede mo ba kong samahan?" Sabi niya at napa kamot pa ng ulo

Samahan saan? Kumain ba hahaha...pwedeng pwede

"Oo naman. "

Ayus! Mabuti nalang nandito si Carlo, tanghali na kase kaya sumasakit na yung tyan ko ayoko pa namang umuwi. Malamang Nandon nanaman yung lalaking yun hayss.

Tumabi siya saakin kaya umusog ako ng kaunti para bigyan siya ng espasyo, amoy ko nanaman ang pabango niya

"Wow. Ang Sarap naman nito!" Sabi ko habang ngumunguya, masarap talaga

Tumango naman siya

"salamat" aniya sa malambot na boses. Hindi mo kakikitaan ng kayabangan

"Luto kase yan ni mama" dugtong niya

Agad namang namilog ang mata ko. Luto ng mama niya??

"mag luto ka ulit ha, mag dala ka pa sa bahay namin para sabay tayong kakain" kapal ng mukha ko

Pero gusto ko talaga matikman ulit dahil nga masarap

"sige ba,"

O____O

Hindi ko alam na ganon kabilis siyang papayag. Sino ba ako?

" Binibiro lang naman kita carlo–" agad kong bawi sa sinabi ko

"Ayus lang johara, gusto din naman kitang makasama kumain" sabay ngiti sa harap ko

Yawa yung kutsara! Nahulog

Hindi ko alam kung ilang beses ko ng kinakagat ang labi ko para lang pigilan ang ngiti sa mukha ko.


Nag paalam narin siya sakin pag katapos dahil tinatawag na siya ng Kaibigan niya dahil may gagawin pa daw sila. Hindi nakatakas ang panunukso samin dahil sabay kaming kumain ni carlo

Unexpected  Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon