PAINTBRUSH 4

30 14 12
                                    

SCHOOLWORK NO. 1

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Nang pag-aralan ko ang sining na ito, naihalintulad ko ang bilog na bagay na ito sa ating planeta, ang Earth

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Nang pag-aralan ko ang sining na ito, naihalintulad ko ang bilog na bagay na ito sa ating planeta, ang Earth. Mapapansin ang pinatungan nito ng iba't-ibang hugis at pinalibutan ito ng iba't-ibang kulay dahilan para maging makulay ito ngunit may pagka magulo ang itsura nito. Makikita na mayroon ding isang mata na nakamulat at may sigarilyo na nakalagay sa bibig nito.

Base sa aking pagkakaintindi sa sining na ito, ang ating mundo ay magulo katulad ng kung paano inilagay ang iba't-ibang hugis sa bilog. Maaaring naging magulo ang ating mundo dahil sa samu't-saring pangyayari na nangyayari sa ating mundo katulad ng pulitiko, kapaligiran, at pati na rin sa mga taong naninirahan dito. Ngunit sa kabila ng lahat ng magulong mundo, makikita na makulay ito. Kahit gaano pa kagulo ang mundo natin ngayon, nagiging makulay pa rin ang ating mundo dahil sa mga bagay na nagpapakulay dito katulad ng mga magagandang batas na naibigay ng pulitiko upang mapaayos ang bansa, magagandang kapaligiran na siyang nagiging tourist spots ng ibang banyaga, at syempre, ang mga taong may mga busilak ang kalooban na tumutulong upang maging makulay ang mundo. Kung mapapansin niyo, ang isang mata na nakalagay ay nakamulat. Para sa akin, ipinapahiwatig nito na sa kabila ng lahat ng nangyayari sa mundo, lumalaban pa rin ang ating mundo dahil sa makulay na bagay na nakapalibot sa kanya. Mapapansin din na may sigarilyo sa bibig nito at sumisimbolo ito ng mga masasamang bagay sa mundo. Sinusubukan niyang hindi ipikit ang mata kahit may mga pagkakataon na nasa delikado siyang estado pero nanatiling nakamulat ang mata na ito dahil mayroon pa ring mga makukulay na bagay na siyang dahilan para maging matatag o hindi ipikit ang mata.

Sa kabila ng lahat ng ito, kahit hindi ko man alam kung ano ang ipinapahiwatig nito, ang aking perspektibo ay opinyon ko lamang. Lahat tayo'y may iba't-ibang pagkakaintindi at ideya sa nakikitang sining. Nasa gumawa ng sining ang nakakaalam ng tunay na kahulugan nito. Kahit magkakaiba man ang ating naiisip, wala namang tama't mali dito sapagkat nagbabahagi lamang tayo ng opinyon sa mga sining."

fin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

fin.

PAINTBRUSHES.Where stories live. Discover now